Lunes, Agosto 22, 2011

Commodore Miguel Rodriguez (AFP-Spokesman) Kalye Escalera Interview Aug. 23, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Commodore Miguel Rodriguez (AFP-Spokesman) Kalye Escalera Interview Aug. 23, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Commodore Miguel Rodriguez kayo ay live sa Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan, kausap niyo po si Marlo Dalisay at Ms. Tea!

MR: Magandang umaga Marlo, Ms. Tea at sa lahat ng inyong napakaraming tagapakinig! Mula dito sa pier 13 natatanaw natin si Greogorio del Pilar na nasa breakwaters. Pagdating ng ating Pangulo ay dadaong dito upang kagaya ng sinabi mo na ma-acquire na niya yung kanyang  Filipino citizen hindi na siya si Hamilton siya na ay si Gregorio del Pilar.

KE: Ang dating nito ay parang maskulado na yung hindi produkto ng pag-gy-gym kundi yung maskuladong ng produkto ng maghapong pagtratrabaho Commodore Rodriguez?

MR: Tama ka diyan at ito ay angkop na angkop sa trabahong ipapagawa natin kay BRP Gregorio del Pilar yung kanyang pagka-maskuladong ito at kanyang isang pagiging matatag na barko, na siyang magbibigay ng proteksiyon at seguridad sa ating mga resources sa exclusive economic zone.

KE: Marami po ba yung kanyang magiging trabaho Commodore, sa ngayon napalitan na po ba ng kulay?

MR: Hindi pa, kaya ito ay arrival ceremony lamang ang commissioning ay pagkatapos mapalitan ng kulay. Kumbaga mestiso pa siya hindi pa siya kulay Pilipino pangalan palang ang napalitan pero ang crew niyan ay puro Pilipino na. Sa pangunguna ng Kapitan ng barko na si Captain Albert Cruz.

KE: Kaya ho maputi pa yan di ba lahat ng kanong dumadating dito ay talagang maputi at nagkukulay moreno lamang  matapos masinagan ng araw dito sa Pilipinas.

MR: Tama ka naiinggit sila sa kulay natin mas maganda yung kulay natin.

KE: Kumbaga sa inihaw sakto lang ang pagkakadale ?

MR: Sakto lang  kaya ganyan din si Gregorio del Pilar, ito ay isa sa mga barkong na binabalak natin na makadagdag ng ating capability. Unang-una for us to gain a better awareness of our maritime domain kasi mas maraming dagat ang Republika ng Pilipinas  kaysa sa lupa. Pangalawa magkaroon  tayo ng magandang response capability sa mga pangangailanagn natin sa  dagat. Kasama na rin dito dahil tinatanong ni Ms. Tea kanina puwede bang pampasahero saganang trabaho ng disaster response team puwede itong tumanggap ng mga victims sa mga casualties puwede niya matulungan sa dagat.

KE: Talaga pati sa mga rescue operation ay magagamit din po natin?

MR: Totoo yan kasi una ito ay isang weather high endurance cutter, ibig sabihin halimbawa ang mga barko nakabalik na sa puwesto ngunit sa high endurance siya yung malalakas na alon ay parang kayang-kaya niya. Kaya kung merong nasalanta diyan ng bagyo  puwede siyang tumulong sa mga nasalanta.

KE: So far sa record ng ating naval forces ng gobyerno including yung mga barko ng Phil. Coast Guard na acquired galing sa Singapore mas moderno siya sa mga ito Commodore?

MR: Alam mo itong flat form nito ay 1970’s pero noong 1989 nagkaroon ito ng modernization upgrade lahat ng Hamilton sa Estados Unidos ay napalitan ng mga sensor  ng firepower ng lahat ng kanyang loob ikanga. At puwede nating i-setback ang time na siya ay ipinanganak muli noong 1989 kaya ganyan siya kabago.

KE: Pagkatapos ng pagpapasinaya, pagpapalit ng kulay saan ho siya ide-deploy?

MR: Ang instructions ay malagay siya sa ating exclusive economic zone to be able to protect and patrol our natural resources. Kasama na rin rito yung oil reserves natin sa Malampaya ito ay isang investment kasi marami tayong natural resources sa ating karagatan.  But we have to tell the investors that we can protect their investment ang paglalagay ng isang seguridad na tulad nito ay makakapagdagdag ng pag-imbita sa mga investors dito sa ating bansa.

KE: Ngayon po tayo magkakaroon ng kauna-unahang ganitong klase ng barko ,yun po ba ay dapat nating ikatuwa o sabi po nila dapat din nating ikatakot?

MR: Dapat nating ikatuwa alam mo ito ay isang malaking capability para sa atin sa maraming bagay. Una katulad ng sinabi natin it gives a respectable defense posture para sa atin. Kapag pipitsugin ka ay nakakatakot at dadaan-daanan ka lang pero kapag ikaw ay respectable at alam nilang na papalag ka may kapabilidad ka i-correct yung mga aggressiveness against you rerespetuhin ka. Ang purpose ng Gregorio del Pilar is to be able for the Armed Forces to perform its mandate properly ito ay constitutional. Protect the people, ensure our territorial integrity and the sovereignty of our state.

KE: Pero dapat fully equipt yung sandataang lakas natin, yun pong mga training puspusan po ba ngayon?

MR: Kasama yan sa programa ng capability upgrade na talagang puspusang binibigyan ng focus ng ating Pangulo at Commander in Chief na si Pres. Aquino. Maganda ang kanyamg level of understanding humahanga kami kasi minsan parang natatalo pa niya kami sa pagkakaintindi sa materyales na kailangan natin for defensive security. We are inspired because yung level of appreciation niya ay mataas at alam niya kung ano ang kailangan ng bansa patungo sa seguridad may plano siyang maganda dito.

KE: Tamang-tama itong pagdating nito sapagkat hindi pa rin tuluyang kumakalma itong mga usapin kung sino talaga ang nararapat na umangkin dito sa malaking bahagi ng Spratlys, na hanggang ngayon ay maraming umaangkin including the Phil. Govt.?

MR: Totoo yan pero hindi yan kailangang maging mitsa ng di pagkakaintindihan kaya ang best way to resolve that is through the negotiating table. Yung ating diplomatic efforts and it has to be rules space nakita na natin ang posisyon napakaganda ng posisyon ng ating pamahalaan diyan. Idinulog natin sa United Nation as a governing world body at we are subscribing to whatever the United Nation will say so yan ang hinaharap natin. This is a good mechanism for us to post peace and harmony diyan kung nasaan yung kalayaan municipality.

KE: Kung yan pong si Gregorio del Pilar ay tuluyan ng lumangoy at lumaot sa karagatan ng Pilipinas kami ay muling makikipag-ugnayan sa inyong tanggapan.

MR: Totoo po yun  ito ay simula pa lamang alam ninyo by Nov. darating yung apat na helicopter  for the Phil. Air Force. Tuloy-tuloy itong ating capability upgrade kasi ito ang hinhingi ng taong bayan. To be able to come up with the respectable defense capability ng ating Armed Forces not only for defense and security matters. Ito ang sinasabi ni Admiral Pama ang ating Flag Officer this is the Icon of modernization itong BRP Gregorio del Pilar at ito ay magbubukas ng pananaw ng bawat sundalo. Na ang aming responsibility is to serve the nation is something that is supported by the present administration that’s why we have to do it well because that is what we owe to the people. Nagpapasalamat kami na binigyan mo kami ng panahon na maiparinig sa inyong istasyon kung ano ba ang Gregorio del Pilar.

KE: So hindi na  ho namin kayo tatanungin kung sa tingin ninyo kung sino ang mas maayos ang suporta sa nakalipas na administrasyon o sa kasalukuyang administrasyon kung ang pag-uusapan ay ating naval defense, alam na po namin ang sagot.

MR: Sa amin lang ay trabaho lamang at nakikita namin ang mganadang suporta.

KE: Before we let you go sir, may komento lang po dito ngayong palaban na raw ang Pilipinas, makikipagpalitan na raw ba tayo ng bala sa ibang bansa?

MR: Hindi ito palaban ito ay para sa defense posture, we are not offensive. We are not projecting our naval capability we just want to have a respectable level of defense. Ano ang ibig sabihin nito we are not addressing our capability upgrade against anyone nation gusto ko na maitindihan ng lahat na wala tayong kaaway. Lahat ng mga bansa na nakapaligid  sa atin ay maganda ang ating relationship at yan ay pinagpatuloy natin hindi ito konsepto ng labanan, hindi ito konsepto ng giyera. Ito ay kosepto ng pagiging ng isang respectableng bayan na para si Juan dela Cruz ay matuloy na makilala hindi lamang sa region kundi sa buong mundo.

KE: Very well said, maraming salamat po at mabuhay po kayo!

MR: Maraming salamat at magandang umaga sa atin!

KE: Magandang umaga po!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento