Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Commissioner Kim Henares (Bureau of Internal Revenue) Kalye Escalera Interview Sept. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Commissioner Kim Henares (Bureau of Internal Revenue) Kalye Escalera Interview Sept. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Commissioner Henares, magandang umaga po!

KH: Magandang umaga rin ho!

KE: Ang mga nalalagay sa mga balita po ngayon ay itong mga kooperatiba o ilang malalaking pribadong kumpanya na nagpapanggap bilang mga kooperatiba.  Ano ba ang mga tinatamasang benepisyo ng isang kooperatiba sa obligasyon nito sa gobyerno. Gaya ng pagbabayad ng buwis sa BIR?

KH: Alam niyo under the new cooperative development act meron ho silang exemption sa VAT hindi ho kung anong kategorya. May exemption sa VAT, income tax para dun sa kooperatiba. May mga exemption sila sa mga buwis.

KE: So sa lahat ng pribadong kumpanya na may word na cooperative sila ay ligtas sa VAT?

KH: Hindi ho, may proseso yan kailangan i-register nila ang sarili nila sa cooperative development authority. At meron silang mga kailangang i-submit may qualification. Pagkatapos kailangan nilang pumunta sa BIR at titignan natin kung talaga bang entitled sila sa exemption tsaka sila bibigyan ng certificate ng tax exemption. Kung wala silang certificate of tax exemption hindi ho sila exempted.Hindi sila kasama dun sa mga exemption na binibigay ng batas.

KE: Kagaya ho nitong mga prominenteng pangalan dito sa National Capital Region kagaya ng Meralco may word na cooperative yun. Itong Maynilad at Mania Water Company sila ho ba ay kasama?

KH: Hindi ho sila kooperatiba, corporation po sila. Iba ang corporation sa cooperative they are private corporation. if you look at your bill sinisingil kayo may VAT yan at sila rin ay nagbabayad ng income tax. Hindi naman ho sila humihingi ng exemption at hindi naman sila entitled sa exemption hindi naman po sila kooperatiba.

KE: Itong nadiskubre ng IMF na mag cooperatives na nandadaya sa pagbabayad ng buwis. Meron ho ba kayong partikular na mga pangalan ng mga kooperatibang ito?

KH: Meron kaming mga hinahabol na kooperatiba na lalo na yung mga electric coop. at water district. Pero lahat ho yan ay confidential maliban kung na-file na namin yung kaso. Other than that if our confidential information hindi ko naman puwedeng sabihin sa publiko. Pero alam naman ho ng mga kooperatiba na yung kung sino yung hinahabol namin.

KE: Kahit po nalaman natin itong supposedly na mga cooperatives na mga ito ay nag-misdeclare ng kanilang taxes at meron silang pagkukulang sa pagbabayad. At this point yun ang gusto kung klaruhin at this point we have not filed cases against them yet?

KH: There are two levels against tax payers, one level is the assess taxes even if you don’t know about tax evasion case are ongoing assessment that one is confidential. When were investigating if It’s very blatant that the only time na nagpa-file kami ng tax evasion case. At yun ho ay nalalaman ng buong mundo kasi complainant po kami sa Dept. of Justice criminal case ho yan public information na yan. Pero hindi ibig sabihin kung wala kang naririnig hindi ibig sabihin na wala kaming hinahabol .

KE: Pero itong mga kumpanyang ito considering na malalaki rin ang mga ito. Lalo na these cooperatives are operating in the provinces, how were they able to do that. Ano po ang ginagawa nila para makapag-under declare ng kanilang taxes?

KH: Actually hindi naman sila nag-u-under declare kasi sinasabi nila yung public service sila. Pero sa totoo lang negosyo sila kailangan nilang magbayad ng buwis at marami sa water district ay pulitiko rin. Kasi   ang water district amg miyembro yung mga tao sa community and normally yung mga directors, management, members ng family ng politician or supported by politician. I think everyone understand why is sad to say.

KE: Yes we do, you mention politician naalala ko po may hinhabol tayong tax cese na, na-i-file na rin natin laban sa mag-asawang Ligot . Ano na po ba ang update dito?

KH: Naka-file yun sa Dept. of Justice and is ready for the resolution of the Dept. of Justice. So antayin na lang natin yung resolution ng Dept. Justice kun g may probable cause o wala.

KE: Pasensiya na po ang napaka-excited ng taong bayan talaga para malaman itong bagay na ito.

KH: Naiintindihan ko yun kami rin gusto na naming malaman at siyempre may prosesong dapat sinusunod ang Dept. of Justice at kailangan din naming sundin.

KE: Tungkol naman po dun sa mga tiangge, una  na po niyong sinabi na ang mga ito ay dapat na magbayad ng buwis at mag-isyu ng resibo. Ngayong nalalapit na yung kapaskuhan marami hong mga kababayan natin yung gustong magtinda-tinda sa kanilang lugar. Ito po ba ay mituturing tiangge kapag ganun po?

KH: Under the law when you start anything na mag-negosyo gaano man yan kaliit dapat mag-rehistro tayo yun ho ang nasa batas at yun lang ang sinasabi namin. Pero kung yung nga occasional na parang garage sale although yan ang nakasaad  sa batas siyempre may prayoridad yung BIR hindi namin sila nahahabol. Kusang loob na lang yun ng mga tao na ito yung batas dapat sundin pero they are required but for practical purposes hindi ho namin kayang habulin ang lahat ng tao. ito yung requirement ng batas pero for practical purposes hindi na namin namo-monitor ang lahat ng tao. Ngayon kung hindi sumusunod at nahuli namin sila pasensiyahan na lang tayo.

KE: May mga nagtitinda po dun sa sariling bakuran nila kaya ang tanong nila dapat bang ipa-rehistro yung ganung klase ng negosyo sa kanilang sariling bakuran ginagawa. At konti din naman yung kita doon?

KH: The fact na nagne-negosyo kayo maski maliit ang kita dapat rehistrado yun. Kasi pag ganun ag argument ng lahat ng tao tingin ko mas malaki po yung kita nila kaysa sa empleyado. Pero nagbabayad po ng buwis ang empleyado.

KE May nakita ako dito na a newsweek article rank the Phils. we came in 17 bilang one  best places for women all over the globe ay ang Phils.  I think we garner a score of 86. 3% out of a hundred. Ma’m would you agree na maganda yung level ng pagtrato natin ng kababaihan dito sa ating bansa?

KH: From my own assessment I believe the woman in the Phils. are the best of both World. They ca n go up with the career ladder at same time we are still taken care of. Hindi katulad sa ibang bansa dahil sa woman slave yung mga lalake hindi na gentleman.

KE: Gentleman pa rin ho dito Commissioner.

KH: We have the best of both World you’re being taking care of at same you are also given a place in society.

KE: Commissioner, maraming salamat po at hanggang sa susunod na pagkakataon po!

KE: Sige ho, thank you ho!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento