Huwebes, Setyembre 29, 2011

Sec. Dinky Soliman (DSWD) Kalye Escalera Interview Sept. 29, 2011 / 8 to 9am. 738 Khz DZRB (Radyo ng Bayan)

Sec. Dinky Soliman (DSWD) Kalye Escalera Interview Sept. 29, 2011 / 8 to 9am. 738 Khz DZRB (Radyo ng Bayan)

KE: Sec. Soliman, good morning po! live kayo sa DZRB ang Radyo ng Bayan, Marlo Dalisay at Jedah Legaspi ang iyong makakausap.

DS: Magandang umaga naman sa yo Marlo , Jedah at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Ano po ang latest na pumapasok na mga impormasyon sa ating kagawaran tungkol po naman dito. Kasi taga DA ang kausap naman kanina ang itatanong namin sa inyo dito ay tungkol dito sa mga kababayan nating nangangailangan po ng kagyat na tulong sa pamahalaan?

DS: Ito po ba yung mga nasalanta ng bagyo?

KE: Oho kay Pedring po!

DS: So magmula nung nagsimula ang ating pagtulong sa mga nasalanta at nakaugnay po kami sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at sa lahat ng probinsiya na naapektuhan yung Provincial Disaster Risk Reduction Management Council. Sa simula ng bagyo 466 evacuation center na natayo as of 11:00 ng gabi ay ang nakatayo na lang po ay 386, pinakamarami ang nakatayo pa ay sa Albay. Sa region 5 ang Albay ay wala na pong evacuation center sa Camarines Sur ay meron pa hong 20.

KE: Pag sinabi hong wala yung mga nakatira dati diyan nakikisilong ay bumalik na sa mga bahay nila.

DS: Opo! pag sinabing wala nang evacuation center bumalik na sila sa kani-kanilang mga lugar at wala na pong nakatayong evacuation center. Sa Albay sinarado na yung 41, Camarines Sur meron pa ring 20 out 40, Catanduanes wala na rin nakasara na at ganun din sa Camarines Norte. Sa region 3 ang medyo marami pa out of 147 nakatayo pa po lahat yun, meron po tayong dalawa sa Aurora, 43 sa Nueva Ecija, 5 sa Zambales, 88 sa Bulacan at 9 sa Pampanga. Sa region 2 naman 14 pa po, 10 sa Isabela, 1 sa Nueva Vizcaya, 1 sa Cagayan. Sa region 1 ay meron pa pong 39, 20 sa La Union, 18 sa Pangasinan, 1 sa Ilocos Sur at sa NCR po ay 112 naitayo at hanggang ngayon ay 112 pa rin po ang nakatayo, 20 sa Marikina, 8 sa Manila, 5 sa Pasig , 4 sa Paranaque, 4 sa Pasay, 13 sa Navotas, 5 sa Calooocan, 2 sa Pateros, 17 sa Malabon, 9 sa Quezon City, 3 sa Muntinlupa, 22 sa Valenzuela. Sa 4A po ay meron pa rin tayong 51.

KE: Ito po yung Calabarzon?

DS: Ito po yung Calabarzon kasama din po diyan ang Rizal at nandiyan po sa Montalban 14, sa Quezon sinarado na po, sa Batangas 6 at sa 4B Occidental Mindoro meron pa rin tayong 3 at CAR  Benguet, Baguio, Kalinga ay nag-uwian na po ang mga kababayan natin.

KE: Sec. total nabanggit niyo po yung mga nasalanta o yung mga nangangailangan po ng tulong. Bibigyan ko po sana kayo ng pagkakataon sa ngayon po maraming kritiko bumabatikos sa pagbibigay po ng pamahalaan ng ayuda sa Japan sa tsunami. Lilinawin po natin sa DSWD meron po tayong sapat na pondo para masuportahan dito po sa nasalanta sa ating lugar po naman?

DS: Ang aming budget para sa quick response fund ay P660M at ang nagagastos po namin ay 50% palang niyan. So may mahigit kumulang P300M ho tayo sa ngayon naka-stand by fund tayo ng P62,335,461 sa NCR , 1, 2, 3, 4A, 4B, 5 para ho sa darating pang sakuna kung sakaling dumating  yung bagyong Quiel. Pero ang mahalaga ho ay tuloy-tuloy naman po yung ating pagtulong at hindi naman po tayo nawawalan ng pondo sa ngayon. Kaya’t ang nakikita ko nga ho ay hindi naman ho natin dapat pagdamutan yung ating mga kasama o mga kaibigan sa Japan na malaking tulong ang ibinigay matagal na. Kung meron pong mga lugar na sa tingin niyo ay nagkukulang o hindi po nabibigyan ng atensiyon ipagbigay alam lang po ninyo sa pamamagitan ng Radyo ng Bayan o kaya ng ibat-ibang regional offices. Sapagkat ang tulong po na pumapasok para sa mga nasalanta ng bagyo ay dinadaan po yan sa ating mga lokal na pamahalaan sila po yung pangunahing kumikilos sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council. Kung meron pong lugar na sa tingin ninyo kulang ipagbigay alam niyo lang sa amin para ng sa ganun para madagdagan o mabigyan ng tulong yung local na pamahalaan na namamahala sa inyong lugar.

KE: Alright Sec. marami pa ho sana kaming mga detalye na gustong hingiin sa inyo kaya lang hind na ho aabot ang ating oras. Siguro po sa mga susunod na pagtatanghal ay muli namin kayong kakauganayin para sa mga updates pa rin dito sa ating pog-monitor sa mga lagay ng ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

DS: Handa po kaming mag-update, maraming salamat sa pagkakataon magpaliwanag magandang umaga po sa ating lahat!

KE: Magandang umaga din po sa inyo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento