Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Usec. Salvador Salacup (Dept. Of Agriculture) Kalye Escalera Interview Sept. 29, 2011 / 8 to 9am. 738 Khz DZRB (Radyo ng Bayan)

Usec. Salvador Salacup (Dept. Of Agriculture) Kalye Escalera Interview Sept. 29, 2011 / 8 to 9am. 738 Khz DZRB (Radyo ng Bayan)

KE: Secretary, good morning!

SS: Good morning Marlo and Jedah!

KE: Ano ho ang inyong pinakahuling data na nakalap o pumasok sa inyong tanggapan kaugnay po dito sa naging resulta ng paghagupit sa atin ni Pedring?

SS: Kahapon nag-report si Sec. Alcala sa Senado yung budget hearing at ang initial figure po namin ay nasa P729M initial damage report from regions 2, 3 at Cordillera at majority po nito ay ang ating palayan kaya bina-validate nating mabuti ito. Yun namang P729M partial report at meron nama pong ibang areas na nasalanta ng makaka-recover yung kanilang mga pananim at of course may mga palayan naman na hindi makaka-recover. Yun nga po ang binibigyan namin ng emphasis yung mga magsasakang apektado hindi agad-agad makaka-recover ay aayaduhan ng national ang local govt. units para maka-recover po agad.

KE: Usec. nabanggit niyo kanina na initial report palang po ito, ganun may tendency na mas mataas at yan naman sana ay mas mababa ang bilang ng nasirang pananim?

SS: Yung sinabi kung initial it either go in both ways iva-validate pa kung sino yung makaka-recover. Usually yung kararaang bagyong Onyok nasa P1B pero nung nag-subside na yung water system nag-normalize na ay bumagsak lang ho P600M dahil nga may ibang palayan na naka-recover nakatindig ulit. Yung iba naman nasa planting stages naman ay madaling makaka-recover yan kaya nga ho that is how we define an initial partial report.

KE: Ito pong word na recover ito po yung nangangahulugang yung mga nakatanim na puwede ng anihin pero inabot ng bagyo ay mapapakinanbangan pa rin eventually?

SS: Puwede pa rin ho yan kasi may mga drying facilities na naipamahagi ang Dept. Of Agriculture at sa National Food Authority. Mabuti nga po yung advance warning signals natin ay nabibigyan ng immediate communication sa ating mga magsasaka na kung puwede na nilang anihin ay anihin na nila. Para hindi madapa at lalong malugmok sa mga baha and meron naman yung mga planting stage palang yung ibang pananim na madaling maka-recover.

KE: Hindi ho ma-anong problema yun kasi uulitin lang yung paglilipat tanim o pagsasaboy ng binhi?

SS: Ang ginagawa ni Sec. Alcala alam naman natin ngayon na magsasaka po ang ating kalihim agad-agad i-drain yung medyon nabahang lugar. Thru the help of the DPWH malilinis ang ating irrigation system, canals ay madaling makaka-recover po ang ating mga nasalantang magsasaka.

KE: Meron ho ba kayong mga datos Usec. kung ilang porsiyento ang pangangailangan ng National Capital Region ang pino-provide sa atin ng Region 2 at 3 sa usapin sa mga agricultural crops?

SS: Para diretso tayo sa punto, nag-monitor yung mga tagapag-masid ng palengke kaninang umaga at kaagad na-i-report sa amin ni Sec. Alcala. Na ang medyo gumalaw na presyuhan ay ang gulay tandaan po natin ang dinaanan ni Bagyong Pedring ay Region 3 at dito nanggagaling ang local low land type vegetables. Yung mga ampalaya, sitaw, talong at tinamaan din po ang Nueva Vizcaya at Benguet at Mountain Province at diyan din nanggagaling ang ating highland type vegetables yung pechay, lettuce, patatas. Kagabi nag-report din po sa atin yung Regional Executive Director sa Cordillera si Marilyn Sta. Catalina at ang report nga niya sa aming dalawa ni Sec. Alcala. Nung unang gabi na tumahak si Pedring ang bumaba ng truck na may gulay from La Trinidad Trading post ito po yung wholesale market ng gulay dun po sa Benguet ay 30 trucks lang po, sa normal day nasa 60 to 65 trucks po yan. At sa nasabing kadahilanan ay yung ating mga roads papunta sa gulayan natin diyan po sa Benguet province ay nagkaroon po ng landslide at mudslide.

KE: Bale ilang trucks ho ba sa isang araw ang bumabiyahe?

SS: 65 po!

KE: So mahigit po pala 50%.

SS: Kaya nga po nag-monitor ngayong umaga inaasahan natin nag-reflect na po sa retail price nag-increase ng 5%.

KE: Ang bilis naman wala ho bang buffer yung ating mga biyahero na halimbawa yung kanilang mga dalang gulay dito sa Balintawak o sa Divisoria ay kayang tumagal ng tatlong araw, na ang presyo ay pareho lang?

SS: Very perishable yan at isang dinadaing nila sa amin ay ang cold storage system pero mahal din po ang kuryente para po i-store natin yung mga vegetables and other perishable products. Benguet, Vizcaya 65% po ng ating highland type vegetables ay diyan nanggagaling kaya medyo sumagasa ang bagyo asahan natin na medyo hindi lang in a week’s time may konting aberya sa price and supply levels natin. Ang maganda pong development natin diyan ay sa programa ni Sec. Alcala dito po sa Mount Banahaw we are expanding our production areas for vegetable. Lalong-lalo na sa foothills of Mount Banahaw, Laguna, Quezon at sa Visayas and Mindanao at isang magandang development po diyan. A certain percentage of our vegetable here in the National Capital Region ay nanggaling sa Northern Mindanao sa Bukidnon plateau. Ang sinasabi natin yung mga farmers sa area Southern Tagalog pati diyan sa Mindanao ay already accepting the reality na yes they can supply the vegetable requirement of the big demands in terms of Mega Manila, Region 3, 4A. Again another statistics ang total demand for agricultural commodities dito sa ating bansa ay naka-sentro dito sa NCR, region 3, 4A mga 58% ng total agricultural commodities demand kahit anong produkto po yan dito mas maraming nangangailangan. Nakikita naman po natin ang production areas ng manok, baboy ay dito po sa region 3, 4A ang gulay po ay nandiyan sa North Luzon but slowly we are developing some areas in Southern Luzon. Sinasabi nga po natin ang Mindanao will be our food basket kaya kasabay niyan yung development production area may efficient logistics and transportation system tayong kailangan para masuportahan yung demand requirement dito po sa Luzon.

KE: Usec. nabanggit niyo po yung agricultural commodities kabilang na rin po dito yung sa livestock , meron pong ulat partikular sa La Union halos umabot sa P170,000 na worth ng tatlong toneladang tilapia ang nawala. At halos hindi na natin alam kung mapapakinanabangan pa namo-monitor din po ba natin yung mga presyo po nga mga isda kasama na rin sa presyo ng mga manok  o baboy kung magataas nga po?

SS: Ngayong umaga immediately nagpatawag si Sec. Alcala ng monitoring reports at sabi ko nga po gulay ang nag-register ng konting angat na P5 to P10. Yun pong manok is very stable P120 ang karneng baboy ay nasa P170 to P180 per kilo normal po yan. At ang isda po particularly tilapia, bangus they are still at normal levels P70 to P80 ang tilapia per kilo at ang bangus ay naglalaro pa rin sa P90 to P100. Kaya nga po ang bungad ng ating report ay is only register in prices of vegetables we already anticipated kasi sinagasaan yung Central Luzon, Nueva Vizcaya part of Region 2 at of course the Cordillera Region kaya nga po just to assure the public thru your radio program kino-convince natin ang mga mamayan huwag mag-alala. We have available supply that are stable no. 1 yung bigas, just to give you another figure ang stock po natin ng bigas ay nasa 76 days may buffer level po tayo niyan yan po ay mangagaling sa NFA, commercial millers, yung statistics ng nasa household so wala po tayong problema sa bigas.

KE: Usec. maraming salamat po! at sa mga susunod na pagkakataon na muli kaming makikipag-ugnayan sa inyo para sa iba pang mga updates, sakaling tumama nga itong susunod na bagyo na huwag ho sangang ganung katindi nang hindi na madagdagan ang pinsala.

SS: Huwag naman po sana, maraming salamat po at naipamahagi natin sa ating mga mamayan ang sitwasyon sa ating agrikultura!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento