Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Usec. Graciano Yumul (PAGASA) Kalye Escalera Interview Oct. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Usec. Graciano Yumul (PAGASA) Kalye Escalera Interview Oct. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Usec. Yumul magandang umaga po, live po kayo dito sa Radyo ng Bayan!

GY: Magandang umaga po sa inyong tatlo at magandang umaga po sa ating mga tagapakinig!

KE: Kumusta na po Usec. Yumul itong si Ramon siya ho ba ay nananatili sa kanyang mga planong lugar na dadaanan?

GY: Mukha na naman po, itong si Tropical Depression Ramon ay nasa West Phil. Sea na. 80 kms. west northwest ng San Jose Occidental Mindoro at kung wala pong pagbabago ay inaasahan natin na lalabas na ng Phil. area of responsibility ngayong biyernes ng gabi papunta sa bansa ng Vietnam .

KE: So ang tama ba dito sa Metro Manila tapos na?

GY: Opo! kagabi yung pinakamalapit po niya sa Metro Manila noong nanalasa po sa Occidental Mindoro. Dahil po ang kanyang diameter ay 300kms nahagip po ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas. Kaya nung Press conference namin  kagabi ng 11:30 sabi namin, mula 11:30 hanggang 5:30 ay heavy to moderate rain up to that light rain na  lang po tayo.

KE: Tama po pala yung naramdaman namin dito sa Quezon City area kagabi maulan ngayon medyo nakikita na namin yung anino ng araw sa likod ng ulap.

GY: Titignan niyo po today ang ating forercast para sa araw na ito ay mostly cloudy at may spread rains sa Central Luzon kasama yung NCR. Ang Southern Luzon, Mindoro at yung Western side ng Visayas, Negros Occidental other than that simula sa linggo maganda po ang buong Pilipinas.

KE: Opo! Kami medyo concern lang dahil dito sa inyong forecast sa natitira pang bahagi ng taon mukhang hindi pa rin tayo titigilan ng pag-ulan ulan. Ang particular forecast niyo po sa araw ng undas lunes at martes, yung lunes ay holiday na rin marami ang magpupuntahan sa mga sementeryo. Ano pa ang inyong nakikitang lagay ng panahon sa pangkalahatan sa araw na yun?

GY: Ang ating araw po ng undas ay halos 18 days pa po ang atin po sa PAGASA hanggang 7 days forecast  po tayo. So magbibigay po tayo ng advisory para sa undas siguro mga Oct. 20-25.

KE: Kung yung pattern po ng mga pumapasok na o dumadaplis-daplis na sama ng panahon sa atin hindi pa rin makayang matantya kung yun ang pagbabasehan?

GY: Meron na for October ang inaasahan nating bagyo ay dalawa hanggang tatlo, nakakaisa palang po tayo. At para sa Nobyembre isa hanggang dalawa ang bagyong inaasahan natin.

KE: Ibig sabihin medyo dapat i-schedule yung ating pagsho-shopping, ayoko namang mamili kasi mababasa yung shinopping ko di ba? Usec. Yumul ito lang hindi ito katanungan pero let me just congratulate PAGASA. Prior to this new administration ng PAGASA talaga namang nababaterya ito ni Pangulong Noy. Bago pa kasi pangasiwaan ni Usec. Yumul ito mayroong word bago pa yung PAGASA na ginagamit ang ating mga ka-Escalera  yung word na walang pag-asa. Pero ngayon Usec. Yumul parang bongga kayo?

GY: Maraming salamat po! magagaling po ang mga bata natin dito sa PAGASA-DOST.

KE: Usec. may namamataan po ba kayong namumuong sama ng panahon po?

GY: Titignan niyo po yung mga ating satellite, makikita niyo po na  may kaulapan sa labas ng Phil. area of responsibility at dun sa mga numerical model natin na nagpapakita ng may mga LPA na posibleng pumasok next week. Pag nangyari na yan siguradong ipapaalam natin sa inyo at sa ating mga kababayan para mapaghandaan po natin.

KE: Ano po yung susunod na pangalan ng bagyo?

GY: Yung susunod pong apat na pangalan ng  bagyo dahil inaasahan natin tatlo hanggang apat ang tatama sa atin. Ang susunod po ay tatawaging Sendong ang susunod po ay Tisoy pagkatapos po ay si Ursula tapos po ay Weng.

KE: Parang magsiyota to dalawang lalake, dalawang babae  si Sendong tsaka si Tisoy tsaka si Ursula tsaka si Weng.

GY: Opo!

KE: Usec. maraming-maraming salamat po sa oras!

GY: Maraming salamat po at mabuhay po kayo, magandang umaga sa ating lahat!

KE: At muli po kaming makikipag-ugnayan sa inyo, thank you so much po at mabuhay din po kayo!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento