Miyerkules, Agosto 10, 2011

Usec. Jay Layug (DOE) Kalye Escalera Interview Aug. 11 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Usec. Jay Layug (DOE) Kalye Escalera Interview Aug. 11 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning po Usec. Jay Layug!

JL: Good morning Joee, Tess at sa mga tagapakinig! Yung international oil price bumababa na finally at ngayon nga ho nakita natin $8.00 difference from last week. Kaya ang inaasahan ho natin magbaba ulit tayo sa Lunes.

KE: Ibig sabihin maraming matutuwa na motorista niyan?

JL: Opo kasama po ako dun nagpapagasolina din po tayo, ang apela nga po namin sa mga oil companies huwag ng maghintay ng lunes magbaba na sila ngayon. Mukha hong nakikinig naman ho may natanggap akong mensahe sa iba sa kanila kina-calculate nila at baka bukas mag-rollback na sila additional.

KE: Usec. you are looking of possibilities here unang-una because of  sa nangyayari nga sa ekonomiya ng Estados Unidos. May posibilidad lalong mag-strengthen ang peso against sa dollar? Pangalawa yung konsumo ng Estados Unidos ng langis baka medyo bumaba parehong good news yan di ba para sa presyo ng langis dito sa atin?

JL: Tama po yan in fact that will certainly contribute to the oil prices coming down finally in the world market.

KE: Sa diskuwento card sa mga driver patuloy po ba yun?

JL: Ngayon po patuloy pa kasi ang ating diesel nasa P44.00 pa mabuti naman po at yung mga oil companies natin ay nagbibigay pa ng discount.

KE: Ayan so continuing naman po yan Usec.?

JL: Opo so far patuloy paring binibigyan sila.

KE: Yung supply po ngayon ng mga oil product wala pa naman pong problema?

JL: Wala naman po at naka-monitor naman po tayo sa oil supply so far,so good at least yung medyo sigalot diyan sa gitnang silangan ay unting humuhupa  at hindi masyadong nangangamba yung mga tao dun sa shortage nang supply .

KE: Usec. Layug bibigyan kita ng Ms. Universe question mo ha?

JL: Okey Joee!

KE: Ngayong nasa P44.00 kada litro ang presyo ikaw ba palagay mo sa iyong bolang kristal, nakikikita mo ba na bababa na sa line of 3 bago matapos ang buwang ito at maaga pa ang buwan Aug. 11 palang?

JL: Alam niyo hindi madaling magsalita lalo na sa 2011 ang tawag ko nga ho diyan spaghetti pataas, pababa . Ang presyohan po natin ngayong taon na ito nakita naman ho natin pag may maliit na insidente, napatay si Osama Bin Laden bagsak ng sampung dolyares. Nagkagulo naman sa Syria eto naman sumipa naman. Ito hong Estados Unidos economy palagay ko ho ito ang magdudulot ng pagbaba ng presyo ng langis ngayon nga ho sabi ko sa inyo as of Friday average compare to Wednesday today a difference of $6.00 ang laki po ng binaba. Sana ho magpatuloy para maibsan naman pasakit nating lahat.

KE: At kung meron mang negative effect yung pagbaba ng economy ng US yun naman po yung positibong aspeto di ba Usec.?

JL: On the oil pricing iba naman yung usapin pagdating sa mga OFWs kasi sila din naman ay tinatamaan. Basta ho may balanse ang mahalago sa oil pricing ay nakatutok po tayo.

KE: Meron pa akong isang tanong kanina kasi narinig ko yung balita yung ibang senador hindi ko sila bibigyan ng pangalan. Yung sinasabi nila yun nga raw pag hindi nagbaba ng presyo itong mga oil companies sila daw ay kikilos hindi ko alam kung anong kilos. Kikilos ba na ano ba magsasayaw ba sila ano ba ang puwede nilang gawin sa Senado tungkol dito. Anyway Usec. Layug sa atin po bang patakaran ano po ba ang maaaring mangyari sa mga oil companies just in case they don’t reflect yung tama ng presyo ng langis?

JL: Actually Joee you anticipated the question, it was the exact question yesterday of the Congress. Sa batas po natin  RA 8479 ang sistema po natin ay regime of fair prices .When we say fair prices kailangan nakaakma ho sa movement sa international market. Kapag hindi po nila ginawa yan ang batas po natin ay nagmamandato ng DOJ/DOE task force ay puwede po silang kasuhan. So yun ho ang ating puwedeng gawin kung umaabuso sila sa presyohan puwede po natin silang kasuhan at bahala na ho ang huwes na magdesisyon.

KE: Kaso pala ang naghihintay dito sa mga ito.

JL: Hindi ho sila puwedeng umabuso at nakabantay po tayo.

KE: Pero I think naman these are global companies especially the three big players these are global companies medyo sensitibo rin sila sa mga ganyang klase ng isyu. So I think naman siguro kanilang ipapatupad ang tamang presyo.

JL: So far naman po sa 2011 wala pa naman kaming nakikitang pang-aabuso and they been very compliance nakabantay naman po kami maaasahan ho naman po lahat ng taong bayan. Walang humpay po yung pagtingin namin sa presyo.

KE: Salamat po Usec. sa assurance!

JL: Maraming salamat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento