Lunes, Agosto 15, 2011

Ms. Maricar Bautista-AVP-Corporate Communications (PAGCOR) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Ms. Maricar Bautista-AVP-Corporate Communications (PAGCOR) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning  Ma’am Maricar Bautista! ang tawag sa inyo ng iba ay Caicai. Sa amin ay tatawagin ka na lang namin na Ma’am Maricar.

MB: Maricar lang walang Ma’am.

KE: Good morning Ma’am Maricar!

MB: Magandang umaga!

KE: Si Maricar host yan ng morning show dati na ngayon ay umagang kayganda. Pero dapat ang title nun Maricar Kay Ganda! Napag-uusapan ang pagho-host hindi mo ba nami-miss ang mag-host at mag-report sa TV Ma’am?

MB: Actually yung sa pagre-report  nami-miss ko one’s in a while especially kung may mga hearing tayo sa Senado.

KE: Parang namama-malikmata ako na bakit hindi na siya iba na? Pag usapan na lang natin yung napapabalita sa iba’t-ibang pahayagan, ako ay nagugulat din sapagkat itong mga balitang ang Pagcor daw ay napag-tatalo at napag-loloko ng mga sindikato. Pero pag babasahin mo ang figures parang yung mismong balita nasisindikato sapagkat itong kabilang diyaryo ito ang figure itong kabila ganito. Ano bang talagang nadiskubre dito ng Pagcor?

MB: Actually yun ang pinagtatakahan namin lumolobo ng lumolobo na yung figures at sabi lang unname sources pero wala ring way para malaman yung mga figures. Unang-una nangyari yung insidente nung May 8, merong nahuli na isang sindikato may Malaysian at Chinese na talagang gumagamit ng sophisticated means at equipment para maka-pan loko dun sa casino. Indeed may talo rin mga umabot din yan ng over P150M pero ang gusto lang natin mapaliwanag na ang hirap. First time in the history sa mga casino the way I understand na meron talagang nahuli. Meron mga suspicion pero wala talagang nahuhuli at naa-apprehend ngayon sa panig naman namin nahuli namin at pinakasuhan. Yun nga lang nag-downgrade yung kaso na isinampa sa kanila hindi na namin alam kung saan napunta yung mga suspect.

KE: Kaya siguro na downgrade dahil sa totoo naman sila’y nanalo sa pamamagitan ng pandaraya hindi naman Pagcor ang natatalo nila kundi yung mismong kalaban din nilang naglalaro.

MB: Yes pero meron na nga rin dun pera yung Pagcor kaya lang ang sa amin dito, hinuli na nga namin so nag-request  kami ng hold departure order hindi na namin kung paano nakaalis pa o kung asan na sila.

KE: So nakikita niyo dito kasi ako iniisip ko naman kaya nga you cannot please everybody. Siguro nung maluklok  diyan si Chairman Naguiat sa puwesto ay yung mga ibang interesado na gigil umupo diyan hindi na natin maiwasang maisip na baka gumagawa ng mga ganitong mga pakulo?

MB: Yes, actually inaasahan na rin namin ito dahil naglabasan lang naman ang mga ito ng magsimula na ring magsampa ng kaso ang pamunuan ni Chairman Naguiat. Gusto naming ipahatid after na nangyari ito ay nilabas naman namin hindi naman namin itinago. In fact lumabas ito sa Star, sa Inquirer at iba pang mga pahayagan.

KE: Eto tanong ko medyo lilihis ako ng konti medyo business related ito. For the longest time alam namin na ang Pagcor ang nagpapatakbo ng Casino Filipino, ngayon pumasok itong sa Resorts World meron silang casino operations diyan. Ito bang kanilang operation ay may pasintabi pa rin sa Pagcor?

MB: Actually nabigyan yan ng lisensya noong 2009 bago pa dumating ang bagong management. 33 years I understand hanggang sa termino ito ng Pagcor binibigyan sila na lisensya that would end mga 2033 may contract na ito so tinutuloy lang nami. Pero in-improve naman namin yung terms of reference para nga mas maganda ang bumalik na share sa Pagcor.

KE: Yung ROI, eto ngayon yung iintrigahin ko ng konti. Well actually ang casino operations ay malaya naman tayong mag-negosyo dit sa Pilipinas kahit na may mga operators na iba. Sa pagpasok nitong Resorts World na casino operations, paano naapektuhan ang  market shares nitong Casino Filipino considering nga na kayo ang nagpapalakad ng Casino Filipino?

MB: Aminado rin kami na malaki yung naging epekto din ng pagkakaroon ng Resorts World. Kasi for the longest time for nine years hindi naman na-upgrade yung mga facilities ng mga casino makikita mo naman ang magiging epekto niyan. Kaya nga kami ang ginagawa namin ngayon ay ina-upgrade yung mga facilities para naman at least ma-upgrade naman ang mga facilities para at least maka-compete kami.

KE: Balikan ko lang po yung isyu ng napasok ng sindikato ang Pagcor tatlong miyembro po ng syndicate ang inyong naaresto.

MB: Actually apat.

KE: Apat actually may hawak silang maliit na camera para makita yung mga cards ta maipadala yung impormasyon sa mga kasabwat nila. Ano po yung plano ninyo ngayon matapos ang ganyang insidente?

MB: Right after na nahuli sinampahan namin ng kasong syndicated estafa at unfortunately nga na-downgrade sa simple estafa lang. Ngayon tuloy-tuloy pa rin yung hearing the last time I heard hindi lumitaw yung mga suspect  tapos yung isa nga ay nakaalis na idon’t know where kung saang bansa  pumunta.

KE: Pero maghihigpit po kayo ngayon sa mga nagca-casino?

MB: Definitely naghihigpit na kami at patuloy naman pag-au-augment namin ng security para lalong mahigpitan at makita kung anuman yung mga nag-a-attempt. Every single day naman ng laro merong nagtatangkang makapandaya.

KE: Baka naman yung sinasabi nilang nakaalis na ay nariyan lang sa paligid at kinakanlung lang ng kung sino-sino. Dahil naghanap na rin tayo sa BID sa mga departures ng mga eroplano wala naman tayong nakitang mga pangalan dun?

MB: Humingi na kami ng request ng hold departure order at maging sa Interpol nakipag-uganayan na rin kami para malagyan ng red tag talagang sinasabihan ang lahat sa impormasyon. Para pag nakita sila ay ipaalam sa bansa natin.

KE: Ito bang mga nangyayari ganito, ano ang naging epekto nito sa huling tala ng income ng Pagcor? Kasi kahapon ako ay may tinitignan na pumapasok na impormasyon sa aking inbox parang maganda pa rin yung mga datus na naglalabasan.

MB: Tama ka in fact third time in a row to na talagang record breaking ang income ng Pagcor. Nagsimula ito noong Mayo P3.03B na naungusan lahat ng monthly income ng Pagcor for the past 25 years and in June naging P3.05B at itong July ay P3.10B. Nadadagdagan ng P500M noong nakaraang buwan po talagang sa kabila ng nagyayari ay nag-i-increase ang icome kami ay nagpapasalamat naman.

KE: Parang buwanan ba yung inyong mga disclosure ngayon sa inyong income parang ang bilis?

MB: Makikita niyo siyempre ang mga records namin tumataas yung revenue, tumataas yung mandated contributions sa BIR, National treasury at even sa Phil. Sports Commission. And then dun din sa Nation building contribution isa na nga diyan yung pag airmark ng P1B para sa pag-construct ng over a thousand classroom kung  mas malaki ang revenue mas malaki rin ang ating contribution.

KE: Dun sa binigay mo report kanina yung monthly income ng Pagcor , you’re averaging around P3B plus per month. So batang bata dito ang P36B kuya. Ngayon kung ganyan kalaki projected income ninyo gaano ba kalaki ang contribution mga ilang percent ang nauuwi sa sambayanan?

MB: Well yung growth winnings kasi unang-una ang computation diyan 5% of which goes to stocks after na-deduct mo na yung 5%, the remaining amount 50% goes to the treasury mas malaki po talaga ang napupunta sa National Treasury. And then yung natitira doon yung 5% nun ay mapupunta sa Phil. Sports Commission, I understand P325M dagdag o naibigay na sa PSC.


KE: At yung mga dating utang ng Pagcor administration ay mukhang naze-zero in niyo na ngayon?

MB: Oo!

KE: Para sa mga athletes din ito yung mga hindi nabayaran dati?

MB: Doon sa incentives for the longest time na hindi sila nababayaran yung mga coaches na hardly na nagbibigay ng effort nababayaran na sila ngayon.

KE: As you mention athletes may plano ba ang Pagcor para dito sa members ng Phil. Dragon team?

MB: Well I think pinag-uusapan na yan sa ngayon kasi meron na rin kaming contribution sa PSC, hindi nga lang namin alam kung paano naa-allocate yun an gaming contribution sa PSC. Ang direktiba kasi ngayon sa amin ay talagang tutukan yung malaking kakulangan sa edukasyon ayan yung mga schools.

KE: Hindi tayo nagkamali ng kinapanayaman ngayong umaga. Ms Maricar dumarami ba ngayon ang mga nagca-casino hindi halatang walang pera ang mga Pilipino?

MB: Minsan depende yan sa playing habits nila meron diyan isa lang may malaking panalo.

KE: Up yung popolasyon ng naglilibang

MB: O kaya lumalaki yung mga tinataya nila.

KE: Baka may mga pahabol pa kayo mula sa Pagcor may konting panahon pa po tayo?

MB: Okey, ongoing pa rin yung Ms. Casino Filipino na qualifying and by Sept.3 ay magkakaroon na ng coronation night. Makikita mo naman na talagang magaganda ang mga Filipina walang sinabi yung mga ibang nationality diyan magaganda sila at matatalino. Nagpapasalamat kami at marami pa ring sumasali sa competition namin na Ms. Casino Filipino.

KE: Well only because maganda rin ang nagma-manage ng proyekto, sinong magbibigay ng crown eh, wala pa namang reigning don’t tell me na ikaw ang rarampa dun na naka-gown.

MB: Overage na ata ako dun! hindi ko pa alam kung sino baka si Chairman.

KE: Ms. Maricar sige na at maraming salamat!

MB: Maraming salamat for giving us time to explain also!

KE: Maraming salamat!

MB: Okey!








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento