Miyerkules, Agosto 10, 2011

Mr. Astro Del Castillo (PSEC) Kalye Escalera Interview Aug. 11 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Mr. Astro Del  Castillo (PSEC) Kalye Escalera Interview Aug. 11 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Astro!

ADC: Joee at Tess good morning at sa ating mga kababayan!

KE: Kumusta po sir Astro?

ADC: Okey naman po, kahit karamihan sa mga kasamahan namin ay mataas nga ang blood pressure dahil sa nangyayari sa stock market.

KE: Pero kahapon nag-rebound, ano ba ito one day rebound o sa tingin mo masusustina ito ng ating merkado?

ADC: Tama yun mukhang one day lang, pag nagbukas ang trading mukhang bagsak na naman. Bakit dahil ang Dow Jones ay malaki ang kinahina na naman kagabi humina na naman siya ng 519 points or almost 5%. Ang laki ng kahinaan niya so ang Europa din medyo bagsak din kagabi if things like yung pangamba andiyan pa rin. Yung concerns kasi ay are not so governized we think that volatility will remain from 2 weeks to a month or until there is a clear picture, wherein a govt. unit will seriously solving the situation.

KE: Kung ganyan po ang sitwasyon na nafo-foreseen, ano na po ang magiging epekto nito, kasi karamihan nito ay ordinaryong mamamayan yun po yung katanungan di ba?

ADC: Yes Ms. Tea ang mangyayari ngayon ang siguro puwede natin sabihin ngayon ang unang biktima niyan is the market. Alam ni Joee yan taga dito siya ewan ko kung mataas din ang blood pressure niya mas marami ata siyang perang nakalagay sa merkado. Seriously ang unang apektado diyan ay kami na nasa market yung mga investors sa market. Second is the OFW at sa exporters please bear in mind na kahit sa stock market medyo yung piso nag-a-appreciate. Bakit kasi yung US currency ay humihina yung kapasidad kasi ng ekonomiya ng Amerika ay medyo humina. Katulad ng nakaapekto sa currency niya so isang malakas na piso hindi maganda for OFWs and exporters dahil lumillit ang kita nila. Every dollar na ini-exchange nila dati nakaka-singkuwenta sila or P45.00 siguro ngayon mga P42.00 na lang o P41.00 so nawalan sila ng a few pesos.

KE: Pero sir kung ating pag-aaralan naman ang nangyari sa ibang bansa kumpara naman sa kanila mas magandang mag-invest dito sa atin. Kasi yung nangyayaring kaguluhan compare sa iba yung riot grabe di ba?

ADC: Tama po yun, for now talagang ang emerging markets kasama po dun ang Pilipinas sa emerging economy ang isa sa so called safest bet. But just the same kumabaga wala pa tayong historical performance para makapansin ng mga investors. So napaka-importante ang role ng gobyerno talagang i-assure sila sa mga investors na ito nandito ang oportunidad. I have no doubt na siguro pati BPO’s tuloy-tuloy pa rin na tignan ang ating ekonomiya bilang isang oportunidad. Dahil siyempre yang mga ibang bansa gusto nila mababa ang cost kahit medyo talo sila ng konti sa forex ang laki naman ng savings nila in terms in relocating their operations here because of cost.

KE: I like to talk about fundamentals tingin mo itong bang economy natin sa current state niya. Kaya niya i-withstand itong mga ganitong shocks from the other markets around the world?

ADC: Yes tingin natin asia though may immediate reaction tayo sa market, tingin natin in the long run or the second half it would be the same. Meaning kaya natin ma-sustain kaya pa nating ma-absorb yung external shocks, Bakit kasi tuloy-tuloy pa rin ang paglakas ng remittances. If ever na may impact yan sa North America dun sa mga nagtratrabaho at hindi ganun kalaki para hilahin yung remittances na pumapasok dito. Second yung fundamentals natin medyo naka-in phase the past few years maganda yung pagka-balanse ng monetary board dun sa mga monetary tools niya  na hindi kababahan ang financial market. Interest rate natin is still manageable. Yung sa OFWs remittances malakas pa rin despite sa mga crisis sa ibang bansa malakas pa rin ang consumption natin.

KE: Konting tip naman kadalasan ang rule natin sa stock market dun sa mga konting naglalaro diyan sa stock market buy low sell high. Medyo ngayong weak ang market dapat mamuhunan ka na mura ang bibilhin mo, ikaw ba ay ina-advice mo ang mga tao ngayon na mamuhunan sila ngayon kasi papahina nga ang merkado?

ADC: No. 1 yung mga hindi pa ho sanay na mag-invest sa merkado dapat pag-aralan nila ng husto. Mag-invest muna sila sa education kailangan matuto muna silang kung ano ba talaga yung benefits ng pag-i-invest sa market kung papano. Kasi mahirap kung tatalon agad sila bibili sila hindi naman sila marunong magbenta hindi nila alam yung proseso. Para dun sa mga sanay na tingin natin puwedeng bumili o mag-start mag-accumulate paunti-unti habang bagsak ng bagsak ang market bili ka lang ng mga kumpanyang sa tingin mo hindi dapat ganito kababa yung presyo niya sa merkado. yung valuation naman malalaman yan basta magtanong kayo sa mga investment analyst or tignan yung mga reports nila para maguide sila properly. Definitely its very tempting yun naman ang gusto ng mga fund managers in a falling market talagang mas gusto namin yan dahil oportunidad sa amin yan to buy and since we’re confident that the end of the year . Maganda pa rin yung ekonomiya dun na lang tayong magbebenta.

KE: Sa nangyaring pagbagsak ng economy ng US ang panawagan po ng Bangko ng Sentral ng Pilipinas ay maghanda. Yan po ba talaga ang dapat gawin ng publiko as of now?

ADC: Alam mo may krisis man o wala dapat laging nakahanda marunong gumastos ang ating mga kababayan ng tama, magtipid ng tama, mag-invest ng tama. Para lagi tayong handa pag dumadating ang mga uncertainty na yan. Kaya sa Phil.Stocks Exchange tuloy-tuloy yung advocacy namin to really reach out for the investing public kung saan nila ilalagay yung pera nila. Hindi lang sa bangko dapat at sa nakakapagbigay ng magandang returns at value sa kanilang pera.

KE: Very well said, maraming salamat sa information sir Astro sa mga tips din!

ADC: Maraming salamat Joee, maraming salamat Tess mabuhay kayo!

KE: Maraming salamat din at magandang umaga!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento