Miyerkules, Marso 5, 2014

Mayor Antonio Halili (Tanuan Batangas) Kalye Escalera Interview March 6, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Mayor Antonio Halili (Tanuan Batangas) Kalye Escalera Interview March 6, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ang una ho siguro naming itatanong sa yo itong aming napag-uusapan kanina pa ikaw ba mayor ay nakatanggap na ng imbitasyon mula dito sa Commission on Human Rights dito sa kanilang binabanggit na kayo isasailalim nila sa imbestigasyon kaugnay dito sa nangyari?

AH: Ayon lamang po sa request nila na mag-submit ako ng pangalan ng mga civilian security units maliban dun wala pa akong natatanggap.

KE: Wala pa yung imbitasyon na kayo ay pinapupunta para kausapin tungkol dito sa isang insidente  na anakaabot sa amin tungkol sa pagpapalakad niyo raw na may placard dun sa nahuli niyo na nagnakaw ng tuyo. Pero bakit ang pinagtatakahan dito mayor nagnakaw siya ng tuyo na halagang P16K saan naman niya kaya ibebenta ito kasi kung din dun sa palengke mabibisto siya kung sino yung nawalan at mabalitaan na may nagbebenta sa kabila eh di iisipin niy dun galing sa kanya yun?

AH: Ang trabaho ng grupo nila ito ay ibinebenta nila sa kabilang bayan na kalapit dito sa Tanauan dun sa Malvar, Sto. Tomas. May hideout sila sa Malvar at dun muna nadala yung mga nakaw tapos tsaka nila binebenta sa palengke. Hindi lang po ito ang unang pagkakataon na ito ay nagnanakaw sunod-sunod ang nakawan sa palengke. Itong taong ito ay may mga kaso na sa illegal drugs at kaso sa pagnanakaw din trabaho po niya ay magnanakaw pag nahuli ay nagpi-piyansa at pag nakalaya magnanakaw na naman.

KE:  Bakit kaya parang hindi nauubos ang pang piyansa nito?

AH: Kaya gusto kong ituloy baka akala ng iba sa paniniwala nila ay ito ay kawawa na tao na magnanakaw par ipakain sa pamilya niya. Ito ay hanap buhay na niya yan pagnanakaw kaya meron siyang pampiyansa.

KE: Bakit ho ninyo naiisip gawin yung napanood ng publiko sa video ng siya ay mahuli?

AH: Eto po ay nagsabi nung siya ay mahuli alam niyo yung mga magnanakaw pag nahuli ay saksakan ng bait.

KE: Pero yung iba hong magnanakaw hanggat hindi napapatunayan sa korte lalo na pag bilyun bilyon na yung inaasukasang ninanakaw nila ay napakatatapang pa rin po nila.

AH: Meron pong ganun pero itong pagnanakaw na nakuhanan ng articles na ninakaw at napatunayang nagnakaw na hindi mapagkakaila. Kaya ang sabi niya ay humihingi siya ng tawad sa kanyang ninakawan nung nagsabi siya ng ganun sinabi ko sa aming opisyal photographer kunin mo nga ng video para makita na talagang humihingi ng tawad dun sa kanyang ninakawan. Mula sa office ng aming cilian security unit ay siyempre hindi naman mismo katabi yung ninakawan dinala po siya dun habang sila ay naglalakad ay naka-video po siya pati yung mga ninakaw niya tapos ay papunta na sila dun sa ninakawan niya at alam niya kung saan siya nagnakaw. Sinamahan namin siya at habang nasa daan yung mga kasama natin siguro dapat hiyain na rin ito para makita na rin ng ibang nagtitinda na itong tao talagang ito ang magnanakaw kapag nakita nila ay pag-ingatan nila at least kahit papano identified na. Kagaya sa America pag may offender dun pinapaalam po yan hindi po itinatago itong nangyari dito habang siya ay naglalakad ay naka-video at nung dumating siya sa kanyang ninakawan ito ay lumuhod at humingi ng tawad.

KE:  Pero maliban po naman dun sa paglakad niya meron siyang placard na nakakabit sa likod niya at naka-sinturon yung mga tuyo sa bewang niya?

AH: Sinabit talaga yun para sa simbulo na talaga siya ang nagnakaw para at least makita yung ninakaw niya at makita na nasa kanyang possesion yug ang purpose diyan.

KE: Nung una kong mabalitaan medyo ako ay nag-isip din na parang masyadong brutal yung parusa ng Mayor ng Tanauan Batangas dito ang iniisip ko noon yung magnanakaw ang ninakaw lamang niya ay yung pang ihaw na tuyo lamang.

AH: Yun ang akala ng iba ganun kaya parang sumama ang tingin sa atin ito po ay propesyonal na magnanakaw na sindikato siguro dahil hindi sila nahuhuli at yung mga nakaw nila ay pinagbibili. Grupo po ito at identified naming yung mga kasama niya.

KE: After itong mga kuha niyo sa litrato at sa video ay lumabas sa mga social networking site yung mga ibang napagnakawan umano niya ay naglutangan ba at nagreklamo na laban sa kanya?

AH: May kaso ng pending yung iba naman ay hind nila nakita na ito ang mismong nagnakaw sa kanila at sa ibang pagnanakaw ay nakalusot siya. Dito sa huling ninakaw niya dito nahuli siya pero yung mga sunod-sunod na nakawan sa palengke siyempre dun nakalusot sila dahil walang nakakita sa kanila.

KE: May mga nagtatanong lang dito bakit daw napagnakawan yung palengke paano daw ba ang sistema ng security implementation?

AH: Meron po tayong mga security ngayon alam niyo naman yung mga magnanakaw yan ang pinakamahirap hulihin sa lahat ng mga criminal. Ngayon kung saan wala yung security dahil roving yan aalis siyempre yan they cannot afford to be in all places at any given time. Pag naglakad ka pag talikod mo tsaka sila aatake yung ang magnanakaw at ito ay may mga record at minanmanan pa may nakawan dito malamang ito ang mga nagnakaw. Kaya nung na-report yung nakawan immediately yung hideout ang kinuha at dun nakita sila nakatakbo lang yung iba.

KE: Worth 16K po pala yung halaga ng tuyo hindi siya isa pakete lang?

AH: Yung mga nakasabit sa kamay niya yan ay part lang ng na nahuli sa kanila marami po yan kahon-kahon po.

KE: Ito po ba yung unang beses na nagpataw kayo ng ganitong parusa o dahil meron lang nag-post sa You tube?

AH: Ngayon lang po tayo naglagay ng ganyan na video sa salang pagnanakaw yung iba ipono-post naming sa aming site sa Tanuan City Scoop yung mga nahuhuli sa raid ng mga pulis meron dung mga na-raid na shabu naman napo-post dun na parang balita lang.

KE: Ito pala ay hindi naaktuhan sa palengke ito pala ay inyong pinuntahan sa hideout?

AH: Opo!

KE: Ito pala mayor ay hinhintay niyo na lang yung formal invitation galing kay Comm. Eta Rosales ng CHR?

AH: Hinihintay ko nga kung ano ang kanilang gagawin hindi mo naman sila masisi trabaho naman nila yun. Ako naman po ay trabaho kung patahimikin yung bayan ko at sinumpaang tungkulin kaya pinaninindigan ko.

KE: Tingin kop  po mayor sa paliwanag niyo kung nakikinig ang CHR  ngayon baka hindi na kayo padalhan ng imbitasyon?

AH: Hindi po natin alam ito po ay trabaho lang siyempre katwiran po yan tayo naman I think hindi tayo nag-abuse ng authority.

KE: With that mayor kami ay nagpapasalamat at kami ay inyong pinaunlakan saaming panayam sa aming programa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan maraming salamat po! Hanggang sa susunod na pagkakataon!

AH: Anytime you can call me salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento