Linggo, Marso 2, 2014

Sen. Grace Poe Llamanzares (Chairman Committee Public Order on Illegal Drugs/Public Information Committee) Kalye Escalera Interview March 3, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Sen. Grace Poe Llamanzares (Chairman Committee Public Order on Illegal Drugs/Public Information Committee) Kalye Escalera Interview March 3, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga po senador Grace Poe Llamanzares!

GP: Magandang umaga Ginoong Dalisay at sa lahat ng nakikinig!

KE: Pag ako po ay tinatawag na Ginoong Dalisay para ako po ay nag-iisip na rin na maglingkod sa ating sambayanan sa pamamagitan ng pagtakbo sa darating na halalan.

GP: At bakit hindi lahat naman tayo ay may pagkakataon kung yan ang ating gustong gawin.

KE: Kasama ko rin ho dito sa ating programa sa 738 Kalye Escalera itong si Jedah Legaspi at si Ms. Tea at siguro by this time na kausap namin kayo kaya po yata ay nagkapag-almusal na rin?

GP: Actually sa umaga sa umaga nagka-kape lang ako tsaka juice kaya okey na ako ngayon.

KE: Hanggang tanghali ho yan?

GP: Hanggang tanghali na para huwag ng lumaki.

KE: Siguro sa tanghali ay paminsan-minsan ay nakakapag-ulam din tayo ng adobo?

GP: Paborito ko nga yun adobo, taba ng talangka, sinigang lahat ng masama pampabata.

KE: Sa mababang kapulungan ng kongreso merong isang congressman na nagsampa ng panukala na itong adob daw ay gawin na bilang simbolo dun sa mga tinatawag na national, ngayon ay ang national food daw ayun sa panukala nitong si cong.Relampagos ay dapat gawing adobo. Ano ho kaya ang magiging kapalaran nito pag umakyat diyan sa senado kung sakaling makalusot sa Kamara?

GP: Hindi ko masyadong naiisip yan pero kung titignan natin talagang kilala tayo diyan sa adobo may kanya-kanyang bersiyon ng adobo halimbawa sa kabicolan nilalagyan nila ng gata yung adobo. Sa Pangasinan ata kasi yung tatay ko nung nagluluto ng adobo noon pini-prito niya yan mas tuyo ng konti kaya may kanya-kanyang bersiyon ng adobo pero sa tingin ko tayong Pilipino bakit hindi. Pero para sa akin tinatalakay nga natin yung mga ganyang bagay na may konting comment sa ating mga kababayan na wala na ba kayong ibang matalakay diyan. Basta sa tingin ko madali namang maipapasa yan dahil wala naman masyadong debate siguro.

KE: Puntahan na natin ngayon ang isa sa mga tinatalakay sa mataas na kapulungan ng kongreso ba masarap i-partner sa adobo ay usapin naman sa pag-i-imbestiga sa bigas pero ewan ko kung ba’t magka-kaugnay ang mga nangyayari ngayon. Ano po ba ang latest dito sa imbestigasyon tungkol sa rice smuggling?

GP: Alam niyo ang puno’t dulo nito ay korapsyon sa ngayon ang dapat mangyari dito ako talaga gusto kong pumunta ng Customs bagamat yan ay hindi ko Komite. Ano ba talaga yung time in motion niya diyan pa merong dumarating na container ano ang ginagawa ninyo kasi iba naman yung tinatalakay sa senado yung mga regulasyon iba rin pag pumunta ka dun. May hiningi ako sa hearing noon sa commissioner ng Customs Sevilla, Commisioner magkano ba yung bayad diyan sa intelligence diyan yung budget hanggang ngayon hinihintay ko pa ang kanilang report siguro tatlong lingo na nung nakaraang hearing. So gusto kong pumuntab sa Customs bilang mambabatas alam din naming kung papano pinapatakbo yan siguro isang araw mapadaan tayo. Pangalawa sabihin ko lahat ngayon na nakabinbin dun sa sasampahan ng kaso o pagdating sa senado nadidinig na taong bayan kun ano ba talaga ang nangyari sa mga court natin malalaman yan. Subalit dapat tumbasan na rin ng pagsampa ng kaso dun sa mga korte yun ang pinaka-prime suspect ay nahuli lamang sa pagnanakaw ng kuryente parang sa ngayon medyo kailangan bilisan pa ang pag-usad.

KE: Parang lumalabas dito sa mga nangyari kung hindi ako nagkakamali tatlong imbestigasyon ang nagawa ng senado parang sinasabi niyo po ba na medyo hilaw ang ating nakakalap na ebidensiya para tayo magrekomenda sa korte para maging ebidensiya nila sa pag-uusig?

GP: Ang chairman kasi ng Agriculture si Sen. Cynthia Villar nag-rekomenda na siya ng perjury pero parang wala pa ring dun sa non-bailable offenses halimbawa. Nakikita naman natin hindi pa rin nakukuha itong prime suspect na si Davidson Bangayan. Para sa akin ay  hindi naman nagkulang sa pagtatanong ang ating mga senador ang problema may kakambal kasi yan dapat sa judicial system naman kaso nag-iingat pa sila. Pero dapat mas mapabilis dahil habang tumatagal mas lalong nawawalan ng kredibiladad yung kaso. Alam niyo ito pag-uusap lamang yung hearing kay Davidson Bangayan pero sa likod nito ay amg milyon-milyon na magsasaka na naging biktima dito. At sa likod nito an gating mahihirap na kababayan na dapat talagang nakakakuha ng tamang subsidiya sa ating gobyerno. Para sa akinang talagang biktima dito ay yung dapat na pinaglingkuran natin hindi para hulihin lamang ang gumawa ng kalokohan sa ating batas.

KE: Ako ho inoobserbahan ko yung mga pagdinig diyan hindi ko ho alam kung sasang-ayon ka dito sa obserbasyon ko hindi ho talaga kayang may mga grupo na talagang gusto nilang palutangin na gusto noilang idiin itong nasasakdal na iniimbetigahan dito sa senado na masukol; lamang dito sa kaso ng perjury. Dahil ito ay mas lighter na kaso kumpara sa mapapatunayan siya sa smuggling?

GP: Ito lang ang masasabi ko puwede naman kasing magpataw ng dalawang kaso multiple cases yun kasi yung klaro na parng kitang-kita naman na sabi nga ni Mayor Duterte siya nga si David Tan si Davidson Bangayan. Tapos meron siyang testimonya na hindi siya yun parang yun ang klaro na ginawa ni Sen. Villar na kasuhan nan g perjury sa pagsisinungaling dun sa kanyang mga sinalaysay. Para dun sa smuggling hindi ko alam kung puwede kong tanungin si Sen. Villar kung hindi ba puwedeng ang mismo ng komite ang magsampa ng kaso tungkol sa smuggling. Sa totoo lang hindi ko pa natatanong sa kanya at hindi ko rin alam kung bakit hindi niya nagawa.

KE: Kung ito ho ba kung saka-sakali itong kasong ito ay maabutan ng pagsasabatas nitong minamadli rin niyo na Freedom of Information Bill ano ho ang magagawa ng inyong minamadaling panukala ngayon kung bakasakali makamit ng mga na-agrabyado ang kanilang katarungan ay naghahangad tungkol sa kaso dito?

GP: Mismong ang mga dokumento o reports diyan sa Customs puwede natin kunin at puntahan ng isang ordinaryong mamamayan at puwedeng kumuha ng kopya. Puwede di natin malaman kuna anuman ang itinatago na record tungkol dito kay Davidson Bangayan basta hindi pa ito nasa korte. Lahat yan madali nating matuonton kung mas maraming mga mata ang tumitingin. Ang maganda dito maski sa media puwedeng kumuha ng SALN ng mga ordinaryong govt. officials kung meron kang pinagdududahan kay pino-propose natin sa mga senators na dapat naka-post na lahat ng SALN dahil dun mo makikita. Dun sa panukala Sen. Miriam dun sa amendment niy sa FOI pati director level naka-post sa website yung SALN. Yung isang resource person sa darating na hearing nakikita dun umpisa palang na yung SALN lets say P1M kung makikita mo dun sa website ikaw ay kakilala nito sasabaihin mo siguro hindi naman siguro P1M lang sapagkat itong dina-drive niyang kotse.

KE: Kumbaga sa SALN palang puwedeng makita ng publiko sa pinaka-mabilis na paraan dun palang makaka-create na tayo ng impression sa kanya na siya ay sinungaling na tao o nagsasabi ng totoo. Itong si Ms. Tea ay may tanong po ata, ang tanong ko po ay yung mungkahi niyong lifestyle check sa isyung pork barrel naman na iniimbestigahan ng senado. Ang head po  ng Techology Research Center na si Dennis Cunanan na nagsabing na willing siyang magpailalim sa lifestyle check ano po ang masasabi niyo diyan at sa mungkahi ni Sen. Koko Pimentel na voluntary na lang gawin itong lifestyle sa halip na mandatory?

GP: Nasa BIR naman yan at kung nao mang sangay ng gobyerno kung gusto nilang mag-imbestiga ay puwede naman nilang gawin yun. Ang lifestyle check ay hindi lamamg bank account alam niyo na may maraming nagsasabi na sinsiraan daw yung kanilang testigo baka daw kumakampi sa kabila ako pa parang gusto ko ng matapos ito sapagkat itong senado sirang-sira na ang reputasyon sana nga matapos na alisin na kung sino man ang may kasalanan. Para naman yung iba dun na gusto naman ng kabutihan ay makausad na. At bakit sinasabi na gusto pang patagalin yung kaso sinsiraan yung testigo hindi yun ang ayoko sa lahat pag tayo nagbibigay ng witness status sa isang tao hindi lang ito bigay ng i-ilang sangay ng gobyerno ito’t bigay ng taong bayan sa isang tao para magsabi naman ng nalalaman niya sa isang maaring nagkasala sa ating lahat. Pag tatanggap tayo ng ganyan alam niyo pinapatawad na nga yung ginawa nila na kalokohan magsisinungaling pa ba sila. Hindi ko naman sinasabing sinungaling ito kaya lang pag-aralan din natin yung mga datus halimbawa oo hindi ko bahay yan nakatira lang ako diyan. Yung kapatid mo saan nakatira, ano ba ang trabaho ng kapatid mo. Ang SALN mo ay eto lamang magkano yung bahay na tintirahan mo, magkano ba ang renta sa ganyan. Pangalawa ilang beses ka nag-biyahe sabihin na natin isang organisasyon yan parang hindi nbaman ako nakakarinig ng organisasyon na marangya. Yung pangatlo nabasa natin sa diyaryo na sabi  nga ni dating Comm. si Mrs. David nasa Civil Service noon na nagkaroon nga ng isyu sapagkat na-appoint siya dahil malakas ang kanyang backernung na-appoint siya nung nagig head siya ng isang govt. agency ng CHED na hindi pa raw siya nakatapos ng college, okey lang yun marami tayong kababayan na kahit hindi nakapagtapos matalino. Pero ito ay requirement sa posisyon na yun ibig sabaihn nagsinungaling ka na doon palang. So pinaalis siya dun or sabi siya mismo ang umalis ang sagot pa nung abogado nagpapasalamat nga siya na sinabihan siya nun dahil inasikaso niya dahil hindi niya alam yung kanyang status na undergraduate puwede ba yun hindi mo ba alam na graduate ka o hindi. Biglang napunta na siya sa isang agency ng gobyerno dun siya sa Technology Resource Center mahaba. So ito lang ang pagkakataon niya para maisplika yung kanyang sarili kung bakit maraming duda sa kanya. Hindi ito paninira ako gusto ko ng matapos ito meron na siyang sinumpahang salaysay kahit ano pa man ang mangyari sa kanya sinumpaan na niyo yun hindi na niya puwedeng bawiin yun pag binawi pa niya yun perjury na yun kung ako sa kanya sabihin na niya lahat para maiasam niya sa pagiging state witness niya

KE: Kasi recently may mga nabasa ako na maganda yung pinapanukala niya na para magkaroon ng isang grupo o parang ahensiya na mag-a-accommodate dun sa mga banyaga na gustong mag-show dito sa bansa ano po ang detalye nito kasi po di ba malapit hna yung Oscars maya maya lang?

GP: Salamat nga pala sa pagpapa-alala sana nga makapanood ako.

KE: Meron palang naispatan diyan na nagsusuot ng gown na galing dito sa Pilipinas.

GP: Kay Monique Lhullier ang galing talaga niya in fact yung kanyang shop kung saan nagsho-shop yung mga celebrity sa Beverly Hills. So isang malaking karangalan din yun mga kababayan niya. Alam niyo yun nga ang mas gusto ko yungb topic na ganito tungkol dun sa film toursim  yun yang panukala ko na alam mo yung datus na ang dami dami tao na walang tarabaho sa patuloy pa rin yan lalo na sa mga kabataan. Malaking tulong kung ang ating bansa ay pipiliin ng mga malalaking kumpanya na gumagawa ng pelikula kahit maliliit na maging shooting destination. Dahil sa isang pelikulang gagawin ilan ang kanilang dadalhin dito upang magtrabaho so ilang hotel ang gagamittin, sari-sari store kung nandun sila location may multiplyer effect. Pangalawa pag meron kang pelikula na pinapakita ang kagandahan ng isang lugar daang libong nga tao ang nakakapanood niyan sa buong mundo so  libreng advertsing yan sa mga taong pupunta dito sa atin. Yun po yung malaking bagay sa akin hindi lang yun pelikula malapit sa akin para magkaroon tayo na maraming trabaho sa ating kababayan dito at makilala ang ating bansa dumami ang ating turista. Ito ay napatunayan sa New Zealand noon ay hindi masayadong kilala at du nag-shooting ang Lord of the rings halos 100% at dumami yung tourist arrival at marami pang ibang lugar kung saang ginamit ang ilang pelikula at naging mas lalong naging tanyag sa turista.

KE: Thank you po Senator with that magpapaalam  na po kami!

GP: Maraming salamat sa inyo kay Ginoong Dalisay, salamat sa lahat ng mga nakikinig magandang umaga po ulit!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento