Miyerkules, Abril 18, 2012

Under Secretary Tomasito Umali (DepED) Kalye Escalera Interview April 19, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Under Secretary Tomasito Umali (DepED) Kalye Escalera Interview April 19, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Magandang umaga po, DepEd Under Secretary Tomasito Umali!

TU: Magandang umaga sa inyo at sa lahat po ng mga tagapakinig at manonood ng inyong palatuntunan!

KE: Gaya po ng dati si Kuya Marlo D., si Ms.Tea at si Ate Joee G. dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan po! At gaya po ng aming napapag-usapan dito, yun ho bang isang estudyante na nanggaling ng private at medyo namahalan sa tuition at lumipat sa public ang tawag po ba dun ay downgrading?

TU: Hindi naman po siguro dahil kung ano po ang dapat matutunan ng ating mag-aaral ay meron tayong tawag na minimum learning standard. Yan ay ipinapatupad natin sa lahat ng pampublikong paaralan, ang ating pampribadong paaralan ay ating kinikilala na may karapatan na higitan yun. Ngunit kung ano yung dapat malaman ng isang bata sa kindergarten at kung anumang grado po yan ay makakaasa po kayo na yan po ay naituturo at napro-provide ng ating pamahalaan.

KE: According to the news item po, so far ang naaprubahan na private schools na magtaas ng matrikula ay 128. Pero puwede pa raw silang humabol totoo po ba ito, yung hindi pa nakakakuha ng approval sa inyo ay puwede pang humabol?

TU: Sa NCR po yan ang figures na nabanggit ninyo at ang pagkakaalam ko ay may deadline silang itinakda kaya maaari po yan. Pero nais kong mabilis maidagdag yang numero na yan ay mababa  kumpara noong nakaraang taon. Noong nakaraang taon may aplikante na higit 240 private schools applicants for the increase in tuition at sa nabanggit kung numero 175 more or less ang naaprubahan. Yan ay makikita natin na ang trend talaga pareho noong nakaraang taon yan ay ibingay na pahayag ng Pangulo ng mga grupo ng mga private schools. Na talaga po sila ay dahan-dahan at pinag-isipang mabuti ng private schools na magtaas ng matrikula dahil ang nakikita nila sa nangyayari ay ang kanilang mag-aaral ay lilipat sa pribadong paaralan na hindi nagtaas o kaya sa pampubliko.

KE: Isa pa po habol na tanong kung sakaling naaprubahan ang paaralan ko na magtaas ng matrikula noong nakaraang taon, kabilang siya sa 175 na aprubado. Maaari rin po bang kasali na naman siya sa 128 this year?

TU: Maari po yun, ang ating patuntunan diyan ay dapat ang pagtaas ay dapat dalhin sa pagataas ng suweldo ng mga guro. 70% ang kanilang itataas at 30% ay pagpapaganda ng kanilang pasilidad sa portion po ng 30% yung 12% maari po nilang i-retain na sa earnings.

KE: Puwede palang taun-taon ang itataas ng matrikula sa isang pribadong paaralan magandang business ito ate.

TU: Nais nating sabihin kaya may pampublikong paaralan para dun sa mga mag-aaral na hindi kayang pumasok sa pribadong paaralan. Kaya mayroon ding humigit kumulang dalawang-libong pampribadong  paaralan mula sa NCR at sa sinabing 128 yan po ay mababa sa walong porsiyento at yan po ay wala tayong magagawa dahil nasa demokratikong tayong pamamaraan. Kung yung isang magulang ay may kakayanang mag-paaral po sa Ateneo, La Salle at ito pong paaralan na nabanggit ko ay nais pong magtaas gusto nilang dagdagan ang kanilang pasilidad ay wala pong magagawa ang pamahalaan kundi umapela sa kanila. At kung hindi kakayanin ng mga mag-aaral ay sila po ay malayang lumipat sa ibang paaralan na gusto po nila sa isang demokratikong pamamaraan. At kung wala pa rin silang kakayanan ay handa pong inyong pamahalaan na sila po ay tanggapin at pag-aaralin sa ating pampublikong sistema ng paaralan.

KE: Usec. Umali pakalinaw lang po kasi ang sabi niyo kanina ay 128 na mga private schools to be exact na siguradong magtataas ng matrikula ngayon sa darating na pasukan. Pero posibleng madagdagan pa baka yun naman ang kuwestiyunin ng mga magulang baka sabihin nila na hindi naman nabalita na itong school na ito ay magtataas bakit bigla na lamang ganito yung nangyari?

TU: May proseso po tayo at ang makakasagot po niyan kung Manila ang pinag-uusapan natin ay yung ating NCR Regional Director. May malinaw tayong proseso na kailangang mag-sumite sila ng kanilang mga papeles na nagpapakita na yung mga nakaraang taon ay yung plano nilang pagtataas ay ilalagay sa pagtataas ng suweldo ng mga guro at pag-improve ng pasilidad. Tulad ng nasabi ko kanina dapat ay gumawa rin sila ng mga konsultasyon sa kanilang mga magulang para malaman yan po ay isaalang-alang ng NCR. Dapat ay may ideya ang mga magulang at mag-aaral para po kung sila ay hindi sumasang-ayon ay sila po ay malayang lumipat ng paaralan na gugustuhin po nila. Fortunately ang gusto pong sabihin ay ganun po talaga sa isang sistema na ganito na malaya ang ating bansa. Ngunit ang gusto rin po naming sabihin ay ang trend ay pababa, so nakikita po yan ng private schools. Nakikita po ng ilan na walang kakayanan at kung ang iniisip nila ay mas maraming mag-aaral ay wala rin naman pong kaya ay dahilan po lamang na mag-aalisan po yang mga yan.

KE: Pero tama rin po ba yung nakuha naming impormasyon na 6% to 10% po lamang na dapat itaas sa tution fee?

TU: Total na pag-uusapan natin yan maraming mga pribadong paaralan yung nagcha-charge lang ng minimal. Nawawalan po kami ng mga estudyante lumilipat sila sa kabila dahil may aircon yung kanilang classroom.  Yung mga ganung usapin na may additional cost on their part ganun po talaga ang mga mag-aaral may malayang karapatan na mamili na paaralan na gusto po nila. Makaasa po kayo na I really encourage your parents to look what is best for their kids but at the same time I appeal to our schools to be confronted with the reality that life is so hard now. So that any increase that they will should do on the facts that our parents are really starting very hard to cope with the rising prices of everything. At yan po ang ginagawa ng DepEd ngayon.

KE: Ito pong Alliance of Concerns Teachers hindi po nila kinontra itong plano na balitang pagtataas ng matrikula ng ilang private schools. Ang worry po nila ngayon doon sa ilang private schools na nag-anunsiyo ng walang dagdag matrikula baka bawiin daw nila sa miscellaneous fees?

TU: Yun din po ay kailangang may pahintulot ang kagawaran.

KE: Doon po sa magiging consequence nitong hakbanging ito ano ho yung inaasahan ng DepEd ngayon ilang porsiyento ho yung maaring madagdag dun sa mga pampublikong paaralan this coming school year?

TU: Kung gagamitin natin yung datus noong nakaraang taon around 25.5 o close to 26 million ang kabuuan ng mag-aaral na nagpa-enroll elementary at high school public and private. Yun sa numerong nabanggit ko apat na milyon po ang pumasok sa pribadong paaralan. Maaring meron ding mag-migrate sa public schools ngunit handa naman ang gobyerno para sa ganyang sitwasyon. Dahil nasabi ko na nga sa inyo noong nakaraang taon mas marami ang nag-aaply, marami ang naaprubahan siguro mas konti po ang lilipat. Pag titignan mo yung paaralan na nagtataas pero yun po yung mga paaralan na  may kaya na talagang nagpapaaral sa mga paaralan na yan.

KE: Parang wala ring epekto yan sa mga may mga kayang magpa-aral at sila mismo doon nga sila nagpapa-aral alam na nilang taon-taon na may adjustment diyan.

TU: Tama po yan, nag-uusap tayo na sinasabi nating di na kailangang taon-taon magtaas ang kailangn po diyan ay panukalang batas, ang kagawaran ng edukasyon ay walang kapangyarihan.

KE: Kaya sinasabi namin Usec. yung ibang mga departamento pag may gusto silang pagbabago sa mga alituntunin na ipinapatupad ng ahensiya. Sila po ay nakikipag-usap sa mga mambabatas para bumuo ng mga panukala. Ang DepEd po ba ay may mga ganitong hakbangin na po?

TU: I need to check very honestly ngunit kayo po ay makakaasa na ang DepEd ay susuporta sa mga ganyang hakbangin una at pangalawa ako ay pamilyar na maraming panukalang batas na naisasampa na nagsusulong ng karapatan o interes ng ating mga magulang at mag-aaral. Titignan po natin yan ang maganda po siguro ay magsama-sama yung mga tao na umapela titignan ko po yan kung ano ang magandang gawin po diyan. Alam po ninyo sa totoo po lamang kasi ang pribadong paaralan ay nagrereklamo  rin naman sinasabi po nila puwede po niyong i-research yan at madali lang pong malaman ito. Ang aming entry sa pampublikong paaralan sa aming mga guro ay nasa 19,999 gross po yan deductions ay aabot sa 17,000, so 18,000 ang takehome pay nila. Pag ang average sa private schools excepts sa malalaki private schools ay nasa kinse ang average po niyan ang bottom line po niyan ay mas mataas po sa public school. Ang sinasabi po nila pinapatay daw ng gobyerno ang private schools merong nagsasabi na dahil nagpapatayo po kami ng public schools na malapit sa isang private school.

KE: Anong gusto nila sila lang?

TU: Ang sinasabi lang natin ay tayo po ay nasa isang sistema ng pribadong paaralan ay kinikilala, I would like to say na sila ay partners. Gagawin ng kagawaran na masasabi namin sa inyo na kayo po ay makakaasa sa pangunguna po ni Kalihim Bro. Armin Luistro.

KE: Kumusta nga pala si Bro. Armin?

TU: Kaya po ako ang kausap niyo ngayon dahil si Bro. Armin ay talaga hong abala sa pagharap ng suliranin pagdating sa basic education at siya po ay umiikot at nakikita naman ninyo yung pagbabago.

KE: Palagay ko nagbibilang na siya ngayon na kung ilan ang papasok sa grade-one sa public school sa June?

TU: Tama po yan at nakahanda po naman tayo.

KE: Kanina pa ako nai-impress sa inyo kasi talaga naman you know your numbers lahat po ng mga tanong namin merong kaukulang numero kayong nababanggit, I am so impress!

TU: Salamat po!

KE: Napanood ko kagabi sa TV si Usec.

TU: Bibisita po ako sa inyo!

KE: Bago tayo maubusan ng oras isang final question na lang ngayong araw bago namin kayo imbitahan ulit sa mga susunod na pagkakataon at bago namin kayo pakawalan ngayon. doon po ba sa mga mag-aaral sa grade-one dahil medyo mataas na ang tution sa private sa grade-one sa public, ano ang pangunahing requirements para maihanda na  ng mga magulang?

TU: Birth certificate lamang po at report card kung meron pong available mula sa kindergarten na pinasukan nila. Ganun din po sa grade 7 o first year high school.

KE: Paano kung walang kindergarten at dumiretso na sa grad- one?

TU: Sa ngayon dahil kakapasa lamang ng batas na ginagawang mandatory o requirement ang kindergarten bago makatuntong ng grade one ay tatanggapin po yan ng public schools natin basta siya ay magiging anim na taong gulang pagdating ng Oktubre nitong taon na ito. So puwede pong limang taong gulang pa siya ngayon pero magiging anim na taon siya sa buwan ng Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre maari po yan. Pagkatapos po ay ang Deped ay kinikilala ang panngangailangan ng pre-school education sa lahat ng ating mag-aaral sila po ay magkakaroon ng catch-up program. Ang bottom line po ay  tatanggapin namin sila ay mayroon tayong programa para sa mga hindi dumaan ng kindergarten.

KE: Hanggang kailan po tatanggapin at kailan naman mag-umpisang maghigpit maski walong taong gulang ka na at hindi ka nakapag-kindergarten ay hindi ka puwedeng mag-grade one?

TU: Yung tinatawag po nating implementing rules and regulations ng kagawaran po ngayon na atin kinukunsulta ang lahat ng mga nakakalam ang eksperto ay starting next school year. Yun po ay nabubuo pero with Bro. Armin needs to define this is to be publish pero hindi pa po yan opisyal pero merong nabubuo starting next school year. Ibig sabihin next school year ay kailangan ng may kindergarten ang mga bata.

KE:  Next school year meaning ito yung 2012?

TU: Sorry po 2013 to 2014, pero sa 2012 to  2013 ay maari pa tayong tumanggap ng grade-one na wala pong kinder na pinagdaanan basta siya po ay anim na taong gulang at dadaan po sila sa catch-up program dito po sa public schools po natin. Sa private schools meron silang sariling panuntunan na talagang hindi sila tumatanggap pag hindi dumaan ng kindergarten wala po tayong magagawa po dun.

KE: Yun nga po ang medyo agrabyado ang public dahil hindi na tinanggap dun dahil walang kindergarten na background sa inyo pupunta?

TU: Tama po yun, atin pong gagawain kung ano ang magagawa natin para makahabol ang mga batang ito.

KE: Alright with that maraming salamat Usec. Tomasito Umali at sa mga susunod na pagkakataon gagamit ho ako ng linya ng kabilang istasyon sana face to face tayo dito.

TU: Opo! sigurado po yan marami pong salamat sa suporta ay tulong ninyo at ng Radyo ng Bayan, kami po ay nakakaasa na ang lahat ng program ng DepEd ay magiging matagumpay para sa ating  mga kabataan, maraming salamat po!

KE: Thank you po!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento