Lunes, Abril 23, 2012

PAGCOR 5 Winners 2011: Kalye Escalera Interview April 24, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


PAGCOR 5 Winners 2011: Kalye Escalera Interview April 24, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Pagcor 5 ladies and gentlemen unahin natin si Steve, are you there?

Steve: Opo!

KE: Steve kumusta? Sabihan mo nga kami tungkol dito sa padating ninyong bago na naman contest niyo dito sa Pagcor?

Steve: Eto po yung title namin OPM @ Pagcor the nationwide search for the total OPM performer. Eto po yung season 2 na padating at kami po kumbaga yung pioneering ang pinaka-una na galing sa contest na yan.

KE: Ano ba ang boses mo na parang ang dating sa akin ay amerikano?

Steve: Hindi po!

KE: Baritone!

Steve: Baritone po!

KE: Baka puwede namang makipag-baritone kami kahit saglit lang, ano ba ang taglay mong baritone? Baritone na acapella puwede ba yun? Ang mga kausap mo ngayon ay si Ate Joee G., si Kuya Marlo at si Ms. Tea yan ang mga kausap mo dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan. Steve ano itong mga upcoming events niyo baka meron kayong gustong ipabatid sa ating mga kababayan na interesado sa mga ganyang larangan ay nasa inyo na ang pagkakataon ngayon.

Steve: Opo! kasama ko po sila yung mga kasama ko, so  this time gusto ko po sana silang pagsalitain si Renz?

KE: Go Renz!

Renz: Hello, good morning po!

KE: Ano naman ang boses nito, si Aerosmith ba ang dating ng boses mo?

Renz: Hindi po!

KE: Wala ka bang short sample?

Renz: Kung ano po ang gusto niyo?

KE: Ano ba yung winning piece mo nang sumali ka last year?

Renz: Yung Martin Nieverra.

KE: Parinig mo nga sa amin two liners lang, ano Renz mag-i-invite ka rin ba tungkol sa contest niyo?


Renz: Sa lahat po nang gustong sumali puwedeng-puwede po! 18 years old to 30 years old na magagaling pong kumanta. Puwede po silang mag-download ng application form sa website na  ito www.pagcor.ph at  tsaka www.opm.ph nandun po yung mga mechanics at ang puwede lang kantahin dito ay mga OPM bawal po yung mga foreign, puwede rin po yung mga dual citizenship.

KE: Puwedeng-puwede ako?

Renz: Puwede po!

KE: Renz may mga kasama ka bang mga biritero kasi napansin ko puro mild ang inyong boses sa pagbirit di ba?

Renz: Mahirap bumirit pag umaga.

KE: May nagpriprisinta dun siya daw yung nasa likod, Steve at tsaka Renz ano ba ang gagawin ng ating mga kababayan na interesado pa at ilang taon ang pinakabata at ilang taon ang pinakamatanda na qualified diyan sa event na yan?

Renz: From 18 to 30 years old actually ako po yung pinakabunso sa amin last year.

KE: At ano ang kanilang gagawin at saan magtutungo para marinig ang kanilang sample tape o kaya mag-audition?

Renz: Puwede silang kumuha ng form sa pinakamalapit na Casino Filipino branch, meron sa Angeles, Tagaytay, Paranaque, Olongapo.

KE: Nandiyan ba si Joyce?

Renz: Opo! ako po yung 2nd runner-up tapos si Ate Joyce siya po yung champion last year.

KE: Yan ang dapat marinig natin si Joyce, hi Joyce!

Joyce: Hello po, good morning!

KE: Nasa Kalye Escalera ka Joyce dito sa Radyo ng Bayan, anong atin Joyce?

Joyce: Kagigising ko lang!

KE:Ayan kasi inuuna ang mga pagfa-facebook at kung anu-ano pa?

Joyce: Wala po akong facebook .

KE: Kagaya ni Ate hindi niya pangalan ang gamit.

Joyce: Sa friendster po ako!

KE: Luma na yun wala ng nagbu-view nun, Joyce anong premyo ng mga mananalo?

Joyce: Tulad nga po ng nakuha ko ang grand prize winner po ay makakatanggap ng P300,000 in cash at performance contract with Casino Filipino. Ang performance contract ko po last year ay worth P500,000.

KE: Bongga!

Joyce: Ang second prize naman po ay makakatanggap ng P200,000 in cash at performance contract with Casino Filipino worth P300,000. Ang third prize naman po ay will get P100,000 trophy at performance contract with Casino Filipino worth P100,000. Non-winners will get P20,000 each as consolation prizes at certificate  and will participate in workshops will be given by country’s top singers, music educators, concert and musical directors, professional talent managers.

KE: Wala palang talo diya ano?

Joyce: Walang-wala po talagang talo.

KE: Teka lang dapat yung mananalo makakakuha ng workshop at training sa mga magagaling na singers?

Joyce: Lahat po!

KE: Bakit hindi ako pinagtra-train diyan at hindi ako kinuhang teacher diyan?

Joyce: Sasabihin ko po!

KE: Awayin ko yang si Maricar hindi ako kinuhang teacher! Baka meron pa kayong pahabol meron pa tayong nalalabing ilang sandali para sa inyong mga pahabol na paanyaya, Joyce kanta ka raw muna. Kasi yung dalawa kumanta ikaw nag-champion konti lang sige, congratulations Joyce!

Joyce: Opo! mag-a-announce po ako, May 1, 2012 for applicants for Visayas and Mindanao areas. May 10, 2012 for Luzon area naman po, May 18, 2012 Metro Manila area. Sana po ay sumali kayo at suportahan niyo yung OPM at Pagcor po!

KE: Maraming salamat sa inyong mga champion ang Pagcor 5, sa inyong pabatid at sana maging matagumpay ang mga susunod niyo pang activities!












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento