Miyerkules, Enero 25, 2012

Mr. Jun Lozada (NBN-ZTE Scandal ‘Star Witness) Kalye Escalera Interview Jan. 26, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Mr. Jun Lozada (NBN-ZTE Scandal ‘Star Witness) Kalye Escalera Interview Jan. 26, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Jun, good morning!

JL: Good morning at mabuti naman at naalala niyo pa ang usaping yan at hindi pa tapos yan!

KE: Alam niyo kasi dito sa 738 Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan, hindi lang naman yung maiinit na usapin ang ating tinatalakay. Kundi binabalikan din yung mga bagay-bagay na hindi pa tapos na dapat pa ring isama sa pag-uusapan natin tuwing nagme-meryenda at nagkakape. So ano bang ang latest kasi ikaw lang naman ang may pinaka-mataas na otoridad na magkuwento sa ating mga ka-escalera ng tungkol sa kumpanyang ito at ano yung mga nakikita namin sa pahayagan na mukhang nais ng ilang mambabatas na i-ban na ito sa Pilipinas?

JL: Ang ZTE mismo bilang isang kumpanyang Tsino ay nag-o-operate pa rin yan dito sa Pilipinas. Marami pa yang produktong binebenta sa mga telecom company hindi naman natin inaalis yung karapatan niya na mangalakal dito sa bayan natin. Maganda sana mahingi sana ninyo sa media at malaman ng mga ka-escalera na sana ilabas na nila ang mga executive na yung dating pinapakausap sa amin na talaga namang involve talaga sila sa korapsyon dito sa Pilipinas nung mga panahon na yun. Marami rin silang naibigay at laging inaangal sa amin noon na andami na raw nilang naibigay na advances sa dating chairman Abalos at mag-asawang Arroyo at wala pa raw nangyayari sa kanila. So sana ilitaw ng ZTE ang mga tao sina Yu Yong at Fan Yang sinabi ko na rin yan sa Ombudsman na sana mahingi nga nila sa kumpanya ng ZTE o gobyerno ng Tsina na kung talagang tapat silang kaibigan ng Pilipinas ay ilitaw nila itong mga executive na ito at magbigay liwanag sa mga panahong iyon.


KE: Sa mga produkto bang mula sa China na nandito ngayon at kumakalat sa Pilipinas. Ano yung mga partikular na produkto ng ZTE?

JL: Marami yan.

KE: Nakikita ko yung telepono yung landline.

JL: Telepono may mga tablet na rin yan halos lahat na ng produkto sa telecom tinatawag na mobility devices meron yan. Pati na rin yung mga ginagamit ng mga computer network sa loob ng mga kumpanya even mga telecom company malaking puwersa na yan sa larangan ng telecommunication sa buong mundo. Yung kanilang mga gawi nung panahon ng sila ay nag-uumpisa na isa sa kanilang pamamaraan yun na nga maglagay sa matataas na opisyal sa gobyerno upang makapanalo sila ng kontrata karamihan sa mga developing country. Katulad nung NBN at mga transaksiyon sa Africa, South America mrami sa mga developing countries.

KE: Itong mga produktong ito pagdating dito sa Pilipinas kumusta naman yung kalidad?

JL: Maayos naman umaandar naman kung sa kalidad siyempre hindi pa ganung kataas ang kalidad. Yan naman ay kumbaga sa merkado talaga namang ika nga sa mga sasakyan may Mercedes, BMW, Toyota meron ding mga Kia at ganun sana. Pero ang problema dito sa Pilipinas kumbaga yung presyo ng ZTE na dapat ay pang Kia binebenta sa atin ng halagang mas mahal pa sa Mercedes.

KE: Itong Pilipinas talaga lumalabas base sa paliwanag mo ay isang matatag na merkado yung kanilang mga produkto. Sa tingin mo ano pa ang dapat gawin para mapalutang yung mga taong binabanggit mo ito si Yu Yong ito yata yung Vice President ng ZTE at itong si Fan Yang na siyang Director naman?

JL: Alam mo ang ganda ng  tanong niyong yan kasi pagdating sa merkado ng telekomunikasyon ang Pilipinas isa lagi tayo sa matataas na produksyon pagdating sa region. Sana ang Pilipinas gawin dito ang isang kondisyon sa pagne-negosyo ng ZTE dito maging tapat sila. Napakalaki kasi kumbaga materyal talaga na puwedeng sabihin nung dalawang executive ng ZTE sa katotohanan.

KE: Kasi ganito yun o sige market niyo ang Pilipinas pero pupuwedeng pagsalitain niyo muna dito yung presidente niyo at yung bise presidente niyo at yung director niyo?

JL: Yun na nga sana maiparating sa pamunuan ngayon na tamang ginamit mo na salita  eto kayo kumbaga hindi namin kayo hinharang dito pinag-nenegosyo namin kayo ng maayos dito ginago niyo kami noon sabi ko palit-ulo tayo.

KE : At anytime puwede tayo magsagawa rin ng pag-aaral ng kanilang mg produkto dito baka naman mataas na nga ang presyo nito. At kung yung mga produkto nila ay yun talagang serbisyo na sinasabi lang nila ang tinataglay di ba at baka may iba pa?

JL: Dapat bina-blacklist na yan dito sa Pilipinas at isang kondisyon para huwag silang mailagay diyan sa partisipasyon nila sa panloloko sa taong bayan. Kung maalala ninyo yung transaksiyong yun isang daang milyong dolyar lang yun. Pinirmahan ng dating pangulong Arroyo sa $329M so napakaraming batang na may sakit ang puwedeng ipagamot, bigyan ng libro, silid aralan. Kung iisipin iisang transaksiyon lang yun hindi magbabago ang aking paninindigan hanggang ngayon na makipagtulungan kung sinuman ang tamang otoridad diyan na mapanagot diyan yung may mga kasalanan. Kasama na diyan yung mga taga ZTE buti nga dati masyadong naka-focus sa mga Pilipinong nag ano dito sa totoo lang may kasabihan sa ingles na it takes two to tango. Hindi pupuwede na yung isang paa lang ang kakasuhan mo yung kabila ng kasama sa paglalakad dapat kasama rin yun. Napapanahon na  yan nagpapasalamat din ako sa inyo na natutukan yan masyado na tayong naka-focus dito sa ating mga kababayan na taksil sa bayan. Pero itong mga banyaga na kasabwat hanggang ngayon hindi pa rin patas ang pananaw sa kapwa nating Pilipino at banyaga. Pag banyaga kahit nahuhuli ng nagdru-drugs ikukulong lang para makawala yung mga babae natin nahuli dun patay.

KE: Drug dealer ka gusto mong makaalis dito ng maayos pakulong ka muna.

JL: Tapos laya ka na.

KE: Kung ang ZTE ay mabibigyan natin ng warning hindi tayo tatangkilik sa kanilang produkto kapag hindi lumutang itong dalawang pinag-uusapan natin. Di ba meron tayong ibang available na source ng produkto na binibigay nila dito sa atin na mas maganda pa ang quality at presyo?

JL: Napakalusog ng competition sa larangan ng telekumonikasyon hindi man lang nating iindahin kung mawawala yan dito sa bayan natin. Yun na nga siguro ang direksiyon mas gusto ko yung nabanggit kanina na palit-ulo tayo. Dati katulong sila sa pang-aabuso sa atin sa pagnanakaw sa bayan kung talagang tapat silang kapitbahay ay tumulong naman sila sa paglilinis ng bahay.

KE: May mga nagco-comment po kasi although naging complicated ang issue ng ZTE ay marami daw ngayong nakikinabang sa aspetong yan. Isa na daw po kayo na ginagawa na ngayon yung negosyong yan. Ano po ang masasabi niyo tungkol diyan?

JL: Ever since naman bilang ICT professional yan talaga ang aking propesyon parang kayo ay nasa broadcasting ano man ang mangyari sa inyong larangan nandiyan kayo.

KE: Kaya nga kanina sinasabi ko na dito sa mga bagay na ito ikaw ang otoridad kasi yung in and out ng sector na yan ay halos naikot mo na. At alam mo na kung paano mina-maniobra ang pinag-uusapan natin yung mekado?

JL: Kumbaga ang isang kagamitan katulad ng martilyo na malaking tulong sa pagkaka-karpintero pag yan ginamit mong pang-pukpok ng ulo ng kapwa tao mo masama yun. Pero pag ginamit mo sa pagbuo ng mga lamesa ay paki-pakinabang yan lahat tayo hindi lang naman siguro ako in fact ang buong sanlibutan. Nakapasok na tayo sa tinatawag na information age pati ang pakikipag-kaibigan nasa facebook na o social network buong mundo nakikinabang sa teknolohiyang ito. Katulad ngayon ang ginagawa ko yung mga libro ng nga bata sa eskuwelahan ay maililipat na namin sa mga tablet. Kung yan ay sasabihin nila na kung yan ay iko-konsidera na pakinabang ng taong bayan  kasama na ako roon talagang hindi ako mag-aatubiling sabihin sayo na marunong akong gumamit niyan upang maging paki-pakinabang sa taong bayan.

KE: Kayo po ba ay satisfied sa takbo ng mga pangyayari ngayon na may kinalaman sa ZTE deal?

JL: Yung sigurong satisfied sabihin na lang nating na-e-encourage ako na parang nahihikayat na manood nga ng dahan-dahan na at unti-unting may mga nangyayari. Siguro ang satisfaction lang diyan ay napanagot na yung talagang may kasalanan. Sa akin hindi pang sarili kong kasiyahan o vindication ang hinahanap ko. Ito sana ang maging daan na unti-unti ng bumalik ang tiwala ng taong bayan sa katarungan, katotohanan sa tama kasi napahabang panahon laging panalo ang mga tiwali magnakaw ka mayaman ka bilhin mo lahat. Bilhin mo abogado, media kung sinu-sino sana itong mga nagyayari ngayon lalo na sa ZTE kahit papano nasampahan na ng mga kaso ang mag-asawang Arroyo, chairman Abalos. Sana ito na yung unti-unti hindi pa naman lubusan na bumabalik na ang tiwala ng taong bayan sa katotohanan ito na sana ang mag-uumpisa at unang hakbang.

KE: Maraming salamat Jun at sa mga susunod na pagkakataon ay sana ay pagbigyan niyo muli kaming makausap ka dito sa Kalye Escalera!

JL: Maraming salamat din at sa inyong mga tagapakinig sa Kalye Escalera!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento