Miyerkules, Enero 4, 2012

Sec. Rosalinda Baldoz (Department of Labor and Employment) Kalye Escalera Interview Jan. 5, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec. Rosalinda Baldoz (Department of Labor and Employment) Kalye Escalera Interview Jan. 5, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



KE: We have with us this morning, Dept. of Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz Good morning ma’am!

RB: Good morning!

KE: You are with Kalye Escalera kasama po natin, ako po si Ate Joee G., kasama po si Kuya Marlo Dalisay at si Ms. Tea!


RB: Magandang umaga sa inyo at sa mga inyong taga-subaybay!

KE: Sec. Baldoz kami ay marami ng impormasyon na nakukuha na itong ating mga kababayan na nagtratrabaho sa ibayong dagat. Bagamat gustong-gusto nilang umuwi minsan ay magulo ang napupuntahan nilang lugar. Parang nagdadalawang-isip dahil dito sa Pilipinas ay parang hirap-hirap na makakuha ng trabaho hindi kagaya sa ibayong dagat. Pagpunta nila doon ay may napapasukan sila agad maski magulo yun nga lang at mapanganib. Ito ho bang DOLE ay ano ang mga iniisip na mga programa ngayon tungkol dito sa mga ganitong sitwasyon?

RB: Ang trabaho naman dito sa ating bansa ay marami naman at maraming bakante na narerehistro sa amin. Mga umaabot yan ng mga 70,000 na vacancy at any given point in time. Sa mga public employment services offices ay nakakatulong sila sa pagre-refer ng mga aplikante sa mga bakanteng trabaho. Sa katunayan sa survey na na ginawa nitong October lumalabas na trabaho sa atin ay mahigit na 2 million. Hindi naman totoo na ganung kaayos ang trabaho sa ibang bansa at ikaw na ang may sabi na for example dito sa Syria na ngayon ay naka-alert level 4 tayo. May risk diyan ang sinumang pumunta ang ating pinagtataka kung bakit sa kabila ng paulit-ulit nating pananawagan katulong ang inyong mga programa sa radio, telebisyon, diyaryo ay naipapahayag naman namin ang aming apela. Huwag ng pupunta sa lugar na yan at pinapauwi na nga natin yung mga kababayan nating nandun madami pa ring dumarating dun na undocumented at domestic helper ang pumupunta doon. Napakababa pa ng suweldo ang ating tuloy-tuloy na pananawagan ang mga kababaihan ay kung domestic helper ay dito na sila manatili. At itong mga pauwi ay meron tayong balik-pinay, balik hanapbuhay na tinutulungan nating makapagsimula.


KE: Saan ho magtratrabaho ang mga ito Sec. pagbalik sa Pilipinas?


RB: Yung mga gustong hindi wage employment at makapagsimula sila ng sarili nilang negosyo dun sa kanilang komunidad kung saan sila naninirahan kung house base. Ang mga ino-offer nating trabaho na may demand doon sa kanilang probinsiya, siyudad, barangay kasi ang suweldo mo si $150 magkano yan sa pesos. Siguro kung magtiyatiyaga ka rito baka mas malaki andito ka sa tabi ng pamilya mo wala kang risk na ma-exposed sa mga nangyayaring nalalaman dito na parang ehemplo lang yung ating sinasabi sa Syria. Sana ang ating mga kababayan ay mapag-aralang mabuti ang kanilang desisyon kasi dumarami naman ang trabaho dito sa loob ng ating bansa.

KE: Dito sa program na Pinay balik hanapbuhay ng DOLE gaano karami ang puwede niyong pagdalhan sa kanila, sakaling itong ating mga kababayan ay yung mga umuuwi ay bumuhos talaga?

RB: Ito ay starter kit na naka-package dito pre-skilled training kung sila ay dahil mga kababaihan ito.


KE: Ilan po ang puwede?


RB: Lahat ng may gustong magsimula ng ganung trabaho ay matutulungan namin sila at lahat ng available na pondo. P50M yung nakalaan sa aming integration program OWWA. Lalo na kung sila ay member ang kailangan lang nila pag-isipang mabuti kung dito na sila maghahanapbuhay.


KE: Ang nakasulat dito, ang mag-a-avail under the balik-pinay,  balik hanapbuhay program ay tatanggap ng P10,000 na halaga ng livelihood o business development assistance bawat returnee yan. Kung sakaling gusto nilang magsimula ng kanilang negosyo maari silang umutang up to P2M. Aba ma’am mukhang significant po an gating budget for this program. Magkano po ba ang naka-allocate for this particular program?

RB: Dalawang klase yan depende sa klase ng hanapbuhay na gusto nilang pasukan na malaki from P300,000 to P2M. Yan yung P2B reintegration program na binuksan ng Pangulong Noynoy Aquino kung may naipon silang pauwi dito na hindi na sila magtra-trabaho may mga negosyo talaga sila na gustong itayo. At yung kanilang kinita ay idadag sa lending program na walang collateral at 7% ang interest at very liberal ang terms na 7 years to pay. Kaya yan ay for those na natagalan na doon pauwi at wala ng balak umalis o kaya may naitayo na silang hanapbuhay dito ay gusto nilang palawakin pa. Sa balik pinay, balik hanapbuhay dahil ito ay mga kababaihan ay ang karamihang kanilang pinapasukan either sa food business, healthcare, reflexology, cosmetology, dress making sa ibat-ibang klase ng hanapbuhay. Ang package una sa lahat sila ay mag-u-undergo ng entrepreneur development training libre na yang ibibigay at TESDA ang nagha-handle niyan. Kung sila ay makatapos ng training ibibili naming sila ng lahat ng tools and equipments at yung kanilang pangunahing materyales para magamit nila yung tools at makapagsimula na ay bibilhin pa rin namin wala kaming ibinibigay na pera.


KE: Ang ganda ng programa at naglalayon itong makatulong kinabahan for the govt. dun sa parte na sinabi niyo na is a lending program with very liberal terms hindi po ba delikado?


RB: Landbank ang katulong namin diyan na medyo mahab rin ang proseso niyan papasok muna sila dun sa enterprise development training program. Yung kanilang propose business plan pag nakapag-produce sila nun ay i-evaluate ng Landbank lalo na kung sabihin mo sa ganitong probinsiya kung meron ba talagang market, available raw materials na hindi naman magastos sa lugar na yun. Lahat yan ay tinitignan ng Landbank after that kung ma-approve maibigay sa kanya ang kanyang loan. Tinutulungan din naming sila pagkatapos ma-lease yung loan kung may mga kailangan silang permit, requirements ay amin pa rin silang tinutulungan hanggang sila ay makapagsimula na. Kung kailangang i-refer sa local government unit, DTI, BFAD kung may pangangailangan sila itra-train din namin sila sa good house keeping parang may after sale service pa rin kaming binibigay sa kanila. Kung P300,000 ay minimum na loan parang may small enterprise din yan. Imporatante din na natutulungan sila sa pagsisimula.


KE: Bukod sa skills training nagbibigay din ang DOLE ng cash assistance.



RB: Hindi cash kami na ang bumibili ng kanilang tools kung sila ay reflexology sasabihin ng TESDA kung ano ang kailangan nilang tools. Kung sa garment kailngan nila ng makina, panahi, initial clothing material para makapag-umpisa kasama yun sa package. Nababanngit lang yung P10,000 kasi pangkaraniwan hindi naman lulampas dun ang pangkaraniwan kasi starter kit ito.


KE: Paano po yung mga lalake halimbawa galing sa Syria?


RB: Puwede rin  naman hindi naman kami namimili, ang pangunahing layunin ay ma-attract natin ang ating mga kababayan na magsisi-uwi na kababaihanna huwan ng bumalik at dit na maghanapbuhay.Yung mga kalalakihan naman ay medyo hindi naman ganung kataas ang risk nila. Itong mga kababaihan ay sa loob ng pamamahay ng employers nakatira masyadong mataas ang exposure nila sa exploitation and abuses.


KE: Yan din ay aplikable hindi lang sa mga manggagaling sa Syria kundi rin sa ibang bansa na magugulo?


RB: Yes, kung gustong magsimula ng maliit na negosyo at subukang ditto maghanapbuhay ay galing sa ibang bansa pati yung mga undocumented na biktima ng human trafficking, illegal recruiter maging biktima ng abusong employer binibigyan namin ng alternatibong hanapbuhay.


KE: Kaugnay pa rin sa trabaho na yan kasi may polisiya at panukalang batas sa Estados Unidos tungkol sa mga call center agents at sinasabi na posibleng mawalan ng trabaho yung mga call centers agents dito sa ating bansa. Ultimo yung mga pinapasok po na yung gustong maging nurse sabi ng CHED may plano pang ma bawasan yung mg a nursing schools dahil sa dami at wala na ring mapaglagyan. Ano pong plano ng DOLE patungkol diyan?


RB: Etong panuklang batas pasusubaybayan natin kung yan ay talagang maipapasa. Ako ay nagpapa-schedule ng isang pagpupulong sa BPO Industry Association para tanungin din sila kung ano ang nakikita nila kung ano ang magiging desisyon nila. Kaya sila nagpunta dito sa ating bansa siyempre economy in terms na mas mababa ang cost labor dito sa atin kung ikumpara sa Esatados Unidos. Kung may mga napakaloob na insentibo diyan sa batas na yan so posibleng ma-attract silang bumalik kasi nga mas mataas ang cost doon kaysa dito o sa ibang bansa. Kung sakaling magkaroon sila ng desisyon ay kailangang magkaroon ng alternative na employment yung mga maaapektuhan. Kung ito ay nasa service sector most likely sa service establishment din sila puwedeng ma-absorb sa nakikita sa service industry would be the tourism and Hotel and Restaurant related industry. Isa yun sa mga immediately na nakikita ko kung kailangan re-tooling skills upgrading kakailanganin din nila yun.

KE: Pero yun pong pagpupulong ay kalian po naka-schedule?


RB: Kung available next week maiging makapag-konsultahan na kami.


KE: Doon po sa kursong nursing yon po ba ay in demand pa rin?


RB: Napakatagal na nating alam na over-subscribe na yung course na yun pag dating nga vacancy ng mga nursing jobs dito sa ating bansa. Kaya ating nire-regulate na yan ng CHED para hindi naman magkaroon ng job and skills mismatch sa mga nurses natin na iba naman ang napapasukan nila. Itong mga excess sa nurses natin ay naa-accommodate na rin yan sa mga medical transcriptionist meron din silang health and information management job sila naman ay pamilyar sa heathcare language at madali na silang makakapasok. But these are all alternative for them kung ikaw ay nurse gusto mo ay clinic o hospital ka papasok nakatulong din yun RN ng DOH na ginagamit din sa CCT sa pagdating sa mga kailangang health center may mga nurses tayo.


KE:Para po sa paglilinaw puwede niyo po bang ibigay yung number niyo ma’am?


RB: Ang nagdedeliver ng aming services ay nasa regional offices, provincial offices puwede naman siguro nilang ma-access yan sa aming website depende kung saan sila nandun. Nandun lahat ang mga contact natin at sa office sila pupunta para malaman nila ang lahat ng impormasyon patungkol sa trabaho advice ko na lang na i-check yung aming website.



Ang website po ay dole.gov.ph tama po ba ma’am?


RB: Yes!


KE: Salamat po na marami!


RB: Maraming salamat!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento