Lunes, Enero 9, 2012

Congressman Homer Mercado (1-UTAK party list)) Kalye Escalera Interview Jan. 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Congressman Homer Mercado (1-UTAK party list)) Kalye Escalera Interview Jan. 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga po Congressman Homer Mercado!

HM: Magandang umaga po!

KE: Si Marlo Dalisay at si Jedah Legaspi po dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan 738. Kayo po ba Cong. ay nakatanggap na ng guidelines tungkol dito sa pagpapa-suweldo sa inyong empleyado . Mga drivers at konduktor ng bus kasama yung mga konduktor?

HM: Kasama yan lilinawin ko lang yung wage order ay pansamantala sa Metro Manila lang ipapatupad yung probinsiya hindi pa.

KE: Itong inyong bus na biyaheng Fairview yung rota nito considered probinsiya pa rin?

HM: Merto Manila yan.

KE: Ano ang nilalaman ng memorandum ngayon mula sa LTFRB kung may nais kayong bigyan ng punto na mahahalagang provision nitong memo na ito?

HM: Basically merong dapat pag-usapan na employer  at empleyado. Unang-una ano yung oras ng pagsisimula kung anong oras pumasok ng talyer, garahe o paghawak ng manibela o pagka-drive nila.

KE: Hindi ho ba malinaw doon na nakalagay yan?

HM: Hindi na puntos yun, basta ang nakalagay dun the employer shall employ the employee o driver at konduktor na magbibigay siya ng fixed rate not lower than the present Metro Manila wage.

KE: Which is P500 or P400?

HM: OO ata, he will be working 8 hours may overtime na tapos my mga benepisyo pero yung oras ng pagmamaneho hindi na-discuss doon.

KE: Hindi sinabing otso oras na kagaya ng mga pumapasok po sa mga tanggapan?

HM: May sinabing otso oras kaya lang kung ano yung dine-define nating otso oras. Yung otso oras ba na yun ay araw-araw minsan kasi may araw na matrapik may araw na hindi matrapik. Kaya dapat pag-uusapan ng employee, employer yan.

KE: Sa Lunes na ho ata ipapatupad Cong.?

HM: Nakipag-set ako ng meeting kay Sec. Baldoz dapat sa biyernes pero di siya puwede kay Monday afternoon nakakuha ako ng appointment sa kanya. We will try to discuss things kung paano naman mapaplantsa ito at least makahingi siguro kami ng 1 week sigurong clarification yung implementing guidelines dito.

KE: Kumbaga 1 week muna na status quo ay huwag munang ipatupad sa Lunes ito?

HM: Nagkaroon ng consultation diyan they were claiming that the bus transport industry or bus operators of Manila ay sinasabi sa akin na they were not even consulted. Ako mismo being a representative of the transport unit sa Kongreso hindi rin ako naimbitahan sa dialogue.

KE: Ganun , so sino lang ho ang mga naimbitahan kung nalaman niyo kung sino ang dumalo?

HM: Tinatanong ko nga kay Sec. Baldoz kung sino yung mga naimbitahan niya na mga employer  o bus operators na present during the dialogue.

KE: Dito ho ba sa boundary system sa walong oras na pagmamaneho ang mga tsuper ng bus niyo nakakailang ikot. Halimbawa itong biyahe niyon Fairview-Quiapo nakakailang ikot sila.

HM: Fairview-Quiapo siguro tatlo lang.

KE: Tatlong ikot?

HM: Lilinawin ko hindi boundary system yung pinatutupad ng kalimitan ng bus operator dito sa Manila but is more on commission basis.

KE: Papano po?

HM: Halimbawa may gross income na P10,000 yung base doon ay sa gross binibigay sa Metro Manila ay 9 or 10% sa driver  7 to 8% sa konduktor.

KE: Ito po ay base sa ticket sales?

HM: Ticket sales, gross sales, Oo.

KE: Ano yan magkakaroon po ng regular na suweldo na sampung libo pa rin yung kanilang naiipon sa loob ng walong oras na pabalik-balik. Papano po ba yun tutubo sila o tutubo kayo o parehong kayong masaya?

HM: Hindi medyo sa umpisa yan medyo magulo kung yung target na gross ng isang bus operator ay hindi makakamit, makakasira yan hindi makakabayad sa amortization ng bus. Hindi naman ang driver, konduktor ay maliit yung cash take home namin kasi may mga benepisyo na naka-incorporate dito sa bagong sistema. Kasi dati wala silang 13th month at least yung kumpanya namin nagbabayad ng SSS sa mga empleyado may mga kumapanya na hindi nagbabayad ng SSS sa kanilang mga empleyado.

KE: Napag-usapan na rin yung benepisyo tukoy na ba kung ano yung  eksaktong covered na magiging benepisyo ng mga driver?

HM: Basically yung mga binibigay sa batas 13th month, SSS, leave yung normal na ibinibigay ng employer sa kanyang empleyado. Sa wage order na ipinapatupad ni Sec. Baldoz yun ay ibinibigay na rin sa lahat ng driver at konduktor sa Metro Manila.

KE: Covered na rin ba diyan kung sakali yung overtime pay?

HM: Kasama rin yun meron ding night differential.

KE: Ang inyong mga bus ba Cong. ay 24 hours na nag-o-operate?

HM: Hindi may limitasyon kami hindi namin pinipilit ang isang bus driver, basta kami 2 to 3 trips puwede na sa amin yun. Kasi yung bus operator diyan gusto nila P18,000 income yun ang masama napupuwersa yung driver at konduktor  na piloting magbiyahe ng marami para ma-aatain nila yung goal na target quota na sinasabi nila.

KE: Bakit po P18,000?

HM: Pagkakaalam ko hinahabol nila ang amortization na pambayad sa bangko?

KE: Magkano ho ba ngayon Cong. yung isang bus yung front engine yung mga nakikita natin dito sa Edsa?

HM: Yung nasa Edsa kalimitan diyan 8 ranges  yung air condition P4M to P6M yung ordinary ranges from P3M to P4M.

KE: Ganyan pala kamahal ang mamuhunan sa bus?

HM: Ang mahirap sa amin ngayon for the longest time na it’s been a year or more yung fare hike hindi pa naaaksiyunan ng LTFRB. Panay taas naman ng diesel at toll sinasabi nga namin regulated kami pero yung input namin ay deregulated.

KE: Yun nga po ang problema siguro ang kinakatwiran naman nila ay hindi rin stable yung presyo ng krudo minsan pabagsak ng pabagsak.

HM: Pero hindi kasi ang basis namin diyan ay is P35 anything above P35 na presyo ng diesel ay hindi kakayanin ng isang bus operator. Kaya siguro ma-obserbahan niyo ang sakripisyong number one diyan ng bus operator ay yung maintenance.

KE: Ang main na rason na sinasabi ng LTFRB  at sila ya tinututukan din ng MMDA dito sa pagbibigay ng fixed na suweldo dito sa driver at konduktor ng bus. Para maiwasan yung karera na nagbubunsod ng aksidente tama ho ba na paraan ito?

HM: Hindi siguro ang number 1 siguro diyan tanggalin natin yung kolurum, yung mga sasakyan na hindi na dapat diyan. Meron diyan sa Edsa na hindi na dapat huwag naman masamain ng operator meron pa ring mga kakarag-karag na bus dapat siguro ay tanggalin na yan meron tayong modernization program.

KE: Yung mga imported na nakikita sa Freeport  zone ay kakalawangin na pero paglabas ng Maynila sa Edsa ay ang gaganda ng mga pintura magagaling magpintura nag mga Pinoy.

HM: Sa ibang bansa pagdating dito pag nakita mo yungb rehistro current pa.

KE: Parang ang dating pa ay imported na modelo pag binasa mo yung papeles.

HM: Ang tingin ko diyan ang most logic solution sa security tenure ng isang empleyado maski anong klase kung satisfied siya sa commission basis ay hindi naman maaksidente yung kumpanya na yun. Ang ano diyan ay yung nagquo-quota system na kumpnya yung mga naghahabol yun ang kalimitang naaksidente.

KE: Ano po an nakikita niyong mga dahilan kung bakit lesser ang involvement sa matitinding aksidente ng mga provincial buses kumapara dito sa Maynila.

HM: Ang mga biyahe sa probinsiya may fixed time medyo mas maluwag magmaneho diya sa probinsiya.

KE: Sa kitid na rin ng lansangan.

HM: Sa Edsa lalo na kung titignan mo inoobserbahan namin yan out 1 bus na 10 private  vehicles against  1 bus.

KE: Ganun pala ang bilang nun?

HM: Oo, 10 is to 1.

KE: Kaya pala nung pinatupad yung coding at nung umigting yung kampanya ng authorities laban sa kolurum ay nakaranas ho ang mga pribadong motorista  ng bahagyang ginhawa sa Edsa lalo na yung mga nasa outer lanes.

HM: Kailangan na talaga yung kolurum especially sa mga bus sa Metro Manila kung mapapatupad na talaga yan luluwag ang Metro Manila.

KE: Maraming salamat sa uulitin po Cong. Homer Mercado magandang umaga po sa inyo!

HM: Magandang umaga!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento