Huwebes, Oktubre 13, 2011

Lt. Cmdr. Algier Ricafrente (Spokesperson-Philippine Coast Guard) Kalye Escalera Interview Oct. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Lt. Cmdr. Algier Ricafrente (Spokesperson-Philippine Coast Guard) Kalye Escalera Interview Oct. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga po Lt. Cmdr. Algier Ricafrente!

AR: Magandang umaga po sa inyo at magandang umaga din po sa inyong mga tagapakinig!

KE: Kayo po ay live na napapakinggan worldwide sa pamamagitan ng DZRB Radyo ng Bayan at ang inyo pong makakausap dito sa 738 Kalyea Escalera ay ang inyong mga lingkod, sina Marlo Dalisay, si Ate Joee G. at si Ms. Tea! magandang umaga po sa inyo!

AR: Magandang umaga po!

KE: Ano po ang inyong latest monitoring Lt. Cmdr. Ricafrente dito sa sitwasyon ng ating transportasyon  pangkaragatan. Lalo na itong si Ramon ay parang ayaw pang tuluyang lumisan dito sa Pilipinas?

AR: Tama po yun! medyo bumagal po yung takbo ni Ramon kung kaya base sa pinakahuling ulat ng PAGASA ay meron pa rin tayong mga typhoon signal dito sa may area ng Mindoro, sa may Batangas maging dito sa may Maynila at Cavite. Dahilan nga diyan ay nakapagtala tayo ng umabot sa apat na libo limang daan at apat- napung stranded na pasahero sa ibat-ibang pantalan ng ating bansa na apektado nga nitong bagyong Ramon.  Particularly dito sa may area ng Batangas kung saan sa mahigit isang libo ang ating stranded dito naman sa ka-Maynilaan mahigit din sa isang libo din ang mga kasalukuyang stranded. Ayon sa ating policy na pinapatupad kung meron mang nakataas na warning signals sa lugar na panggagalingan o dadaanan o pupuntahan ang isang barko ay hindi po natin pinapayagan maglayag ang mga barko. Lalo na yung mga pampasahero upang mas matiyak natin yung kaligtasan ng ating mga kababayan at base din sa mga hulling ulat na ating unit sa area dun sa mga lugar kung saan malapit itong si bagyong si Ramon ay nakakaranas po sila ng medyo malalaking alon.

KE: At ang inyong mino-monitor ay kasama rin po yung mga mas malalaking sasakyang pandagat yung mga international ships na nagkataon na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ng si Ramon at ang ibang bagyo ay narito?

AR:Tama po yun! kasama pos a mino-monitor namin kasi pag sila ay pumasok sa ating area of responsibility ay kailangan po nating tiyakin ang kanilang kaligtasan.

KE: Balikan natin yung nasa Batangas isang-libo paano ho pinapakain yung mga yun. At ako ay curious lang pag nakabili ka na ng ticket at idineklarang kanselado muna ang biyahe dahil sa sama ng panahon yun ba ay obligasyon na ng mga may-ari ng barko na pakainin yung mga nakabili na ng mga ticket?

AR: Yun din po ang isa sa mga tulong na naibibigay ng shipping company at ang mga reports na nakarating sa atin ang Port management ng Batangas ay nakikipag-uganayan sa mga shipping company, sa local govt. maging sa Phil. Coast Guard. Upang mabigyan karampatang tulong ang ating mga kababayan na kasalukuyang stranded ngayon. Hindi lang naman dito sa Batangas maging sa ibang lugar na kung saan meron tayong mga stranded nung kasagsagan pa ng typhoon Pedring at Quiel. In fact si Admiral Liwag ay nagbigay na ng direktibo sa ating mga Coast Guard na magbigay ng kaukulang tulong kagaya ng tubig  konting pagkain at kung kinakailangan nilang mag shelter sa detachment at station natin ay bukas poi to. Upang magsilbing pansamantalang kanlungan ang ating mga kababayan .

KE: Napapag-usapan ang pagshe-shelter kasi po ang Batangas at Mindoro partikular itong sa Oriental yun pong Puerto Galera  at ang Batangas Bay ay napakagandang taguhan ng mga sasakayang pandagat kapag mayroong sama ng panahon. Ang iniisip ko lang pag halimbawang mismong andun na sa taguan dapat ng mga barko yung bagyo safe ba na ang mga barko ay dun pa rin magtago?

AR: Maganda naman taguan pero titignan din natin kung dadaanan yung lugar na yung ng bagyo mas nakakabuting maghanap sila ng mas safe na lugar na hindi sakop doon sa dadaanan ng bagyo. Bagamat hindi gaanong maapektuhan sa paggalaw ng karagatan subalit pa nandun sila sa loob ng isang cove kapag nakapasok yung hangin ay nahihirapang lumabas yung hangin na dulot ng bagyo ay magiging delikado rin para sa kanila. Mas nakakabuti na maghanap sila ng mas ligtas na lugar na malayo dun sa nahahagip ng bagyo.

KE: Nabanggit mo kanina yung Puerto Galera maganda palang taguan yan ng  mga barko. Anyway ang galing-galing niyo pong mag-report kanina para kayong PAGASA , as in mino-monitor niyo ang takbo ng karagatan?

AR: Opo! kasi may mga tao naman tayo dun sa ibat-ibang pier ng ating bansa kung kaya nagre-report din sila sa sitwasyon doon dahil kahit wala pang signal na nakataas sa mga lugar. Kailangan din makita kung malalaki yung mga alon at hindi natin basta papayagang magpalaot kung walang signal kung malalakas naman yung alon ang gusto lan natin ay ma-ensure yung safety ng mga pasahero.

KE: I think you’re doing a good job monitoring itong takbo nga ng karagatan. Pero ang tanong ko lang since we are trying to prepare for whatever contigency , enough po ba ang inyong equipment ang inyong kagamitan para sa pagmo-monitor na ito at kung sakaling yung operations na kailangan nating gawin as a result of Ramon?

AR: Sa equipment talaga ay masasabi natin na kulang talaga pagdating lang sa personnel ay kulang na kulang talaga if you are going to compare yung island against dun sa personnel ng Coast Guard. Sa 7,100 island ng Pilipinas ay ang Phil. Coast Guard ay less than 6,000 lang yung mga personnel natin.

KE: Isang isla, isang tao Lt. Cmdr.?

AR: Opo! sa isang tao baka 1.5 island ang kanyang babantayan sa tao palang kulang na subalit an gating pamahalaan naman ay gumagawa din naman ng paraan upang madagdagan ito. In fact meron na tayong naka-program na pagabili ng helicopter.

KE: Brand new po ang inyong bibilhin?

AR: Opo! brand new tiyak po yan ng ating Sec. Mar Roxas na brand new po ang ating bibilhin.

KE: At sigurado na po kayo ng supplier?

AR: Ngayon inaayos na po sa DOTC level yung procurement para masigurado natin kung ano yung kailangan na specification at yung kailnagan nating kagamitan ay angkop doon sa ma-ide-deliver sa atin.

KE: Tama ba yung description ko kanina pag Coast Guard  yan yung mga macho at magaganda ang legs at mga naka-shorts yan di ba?

AR: Isa lang po yan sa mga unit ng Coast Guard na tinatawag na Special Operations Group sa panahon ng kalamidad kagaya ng bagyo o baha o pagasasagawa ng mga rescue operation. Yung ating mga tauhan ay naka-short dahil mas komportable sila. Pero may mga iba din tayong unit na naka-overall sila yung mga orange ang gamit nila yan ay sa marine environment protection unit  natin. Meron din po tayong naka-camouflage yung sa anti-terrorist unit natin.

KE: Meron po kaming importanten tanong ilan po ba ang klase na alon?

AR: Sa akin makikita natin ang sinusukat kasi natin yung taas lang nung alon.

KE: Clarification lang po sir yung mga na-stranded na passengers hindi po ba pinakamarami yung sa Sorsogon?

AR: Sa ngayon dahil nawala na yung public storm warning yung signal  natin sa area yun maging sa may Visayas area. Wala na po tayong naitala na stranded sa Sorsoagon dito na lang tayo sa may Southern Tagalog area at ibang bahagi ng Western Visayas at dito sa Metro Manila ang mayroon pang naitalang stranded.

KE: So sa mga oras na ito anong mga klaseng sasakyang pandagat ang hindi pa pinapayagang pumalaot?

AR: Base sa bagong direktiba ni Sec. Mar Roxas sa na mahigpit na ipinapatupad ay signal no. 1 ay wala po tayong pinapayagang maglayag ngayon anumang bigat ng barko at klase ng barko kung apektado nito ang lugar na kanyang panggagalingan o dadaanan o pupuntahan. Ang instruction sa akin ay maging pro-active tayo para sa safety ng ating mga kababayan.

KE: Gaano po katagal yung paghihintay bago mabigyan po ng go-signal silang pumalaot?

AR: Kung patuloy ang takbo ni bagyong Ramon dun sa speed na naibigay sa atin ng PAGASA ay pag nagbago na yung public storm warning signal sa area ng Mindoro, Batangas aya maaari pong mamaya ay makapag-resume na. Maging dito sa may Caticlan ay alam naman itong rotang ito ay kasama sa nautical hi-way natin kung kaya marami tayon kababayan na bumabiyahe na gamit yung rotang yan.

KE: Ibig sabihin sir marami pang naka-tenggang vehicle diyan na bus, truck na rolling cargo sa panatalan?

AR: Dito palang sa Batangas ay mahigit sa dalawang daan na rolling cargos na yung naitala natin na nandun ngayon sa pantalan. Sa may Calapan naman ay nasa limatpung –anim na mga rolling cargos maging dito sa may Bacolod ay meron pang apatnapung-walong ng mga truck na stranded ngayon.

KE: Pero yung mga magingisda na pinaghahanap po ngayon ng Coast Guard ilan na po yung kanilang bilang?

AR: Nasa walo po ang confirm natin ngayon na nawawala although may na-report pa nung nakaraang araw sa kabutihang palad ay naiulat naman ito na nagtago lang sa isla ng Surigao at dito sa may Camiguin. At doon naman sa walong naiulat ay patuloy pa rin po nating pinaghahanap dahil ayon dun sa report ng ating ay medyo humupa na yung alon dun sa area kaya magsasagawa tayo ulit ng search ang rescue operation ngayong araw na ito.

KE: Medyo curios lang ako dahil nitong mga nakaraang panahon ay dun sa inyong mga barko ay kasama din kaming mga media sa mga naiimbitahan o naisasama sa rescue operations. Anon na ho ang kondisyon nitong BRP Edsa II, BRP Bacolod , BRP Pampanga, BRP Magsaysay kasi yan po yung mga barkong yan nuna ako ay nakakasakay sa mga yan ay matutulin ay matutulin yang mga yan. Ngayon ba nama-maintain yung mga kondisyon ng mga yan?

AR: Okey naman yung mga karamihan sa ating mga barko in fact yung BRP Edsa ay nandun sa Palawan yun yung ginagamit natin dun sa pagsasagawa ng ating functions dun lalo na sa West Phil. Sea. Yung iba nating mga barko ay meron tayo dito sa may Cebu, Manila at sa Subic itong nandito ay nag-u-undergo ng repair maging yung nasa Cebu. Pag naayos natin ito ay maging operational na naman at makatulog sa pagsasagawa ng ating mga operasyon.

KE: Pagkatapos nitong bagyong si Ramon hopefully wala ng papasok ng panibagong sama ng panahon. Pero magiging busy pa rin kayo dahil nalalapit na ho ang undas,ano ho ba ang mga early tips ninyo na puwedeng ibigay sa mga pasaherong sasakay ng barko sa panahon ng undas?

AR: Yun na rin po yung pinaghahandaan natin ang panahon ng undas sa ating mga kababayan na nakatakdang bumiyahe ay siguraduhin lang nila na ang kanilang mga gamit ay kanilang babantayan. Kung kinakailangan umalis sila ng mas maaga para hindi sila makasabay doon sa dagsahan ng mga pasahero o magpalipas muna sila ng bugso ng pasahero para hindi sila makipagsiksikan.

KE: At siguraduhin yung mga pasahero ay nakalista sa manipesto.

AR: Tama yun at yun po ang pinaka-importante at huwag silang pumayag na hindi sila ilista sa manipesto.

KE: Kanina po nung tinatinong yung mga kondisyon ng mga barko , naiisip ko tuloy parang maganda siguro pag lumabas ulit si haring araw ay ma-inspect kaya natin o makita kaya natin kung ano na ang mga itsura ng mga barkong ito, okey lang ba yun?

AR: Okey po yun at makikita niyo na ang ating mga barko ay maganda po ang itsura, may mga konting repairs lang na isinasagawa pero pag ito po ay inyong titignan maganda po ang itsura ng ating mga barko. Hindi naman sa pagmamalaki ito pa ay mga medyo bata pa wala pang mga sampung taon yung kadalasan sa iba ang ating mga barko ngayon.

KE: Sir maraming salamat po sa oras niyo sa amin, sa pagtugon sa aming maraming mga katanungan huwag po kayong madadala!

AR: Maraming salamat din po sa opportunity na ipamahagi natin sa ating mga kababayan itong mga impormasyon ang kailangang nilang malaman!

KE: Wala pong anuman, mabuhay po kayo!

AR: Magandang umaga po!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento