Linggo, Hulyo 5, 2015

Sen. Bam Aquino (Chairman Senate Committee on Trade and Economic Affairs) - Kalye Escalera Interview July 6, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sen. Bam Aquino (Chairman Senate Committee on Trade and Economic Affairs)   - Kalye Escalera Interview July 6, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Bam Aquino good morning po!

BA: Good morning Marlo at Ms. Tess magandang umaga at sa mga nakikinig po sa atin good morning po!

KE: Dito ho sa Quezon City ay parang ayaw tumigil ng pag-ulan kumusta ho diyan sa kinalalagyan niyo sir?

BA: Opo sa QC rin ako kaya medyo maulan kaya sa mga kababayan po natin mag-ingat sa ating pagbiyahe mgayong araw na ito.


KE: Sen. Bam itong pagkakataong ito ay samantalahin na natin na ipaalala sa kanila lalo na ho yung mga nagbabalak bumiyahe sa karagatan ay huwag munang tumuloy.

BA: Opo alam niyo po medyo delikado yung panahon at actually alam po ito ni Marlo last year naghain na po tayo ng resolution para i-check yung tinatawag na sea worthiness o yung kakayahan ng ating mga passengers boat sa pagdala ng ating  mga kababayan. Alam naman natin nagkaroon ng isang trahedya po nung nakaraang araw lang kaya we really want bto check kung talagang itong ating mga barko ay may kakayahan talaga. Pati yung mga RORO gusto po nating i-check kasi ang report po sa atin ay napaka-luma na ng ating mga ships at baka hindi na sea worthy ang mga ito. Kaya were hoping po na pagbalik ng session after the SONA sa July 27 puwede pong maaksiyunan, matignan, maimbestigahan kung safe nga yung ating mga barko sa ating bansa.

KE: Ito ho bang ganitong mga problema at sitwasyon ay kasama dito sa kakalusot pa lamang sa bicameral panel na Phil Competition Comm. Act?

BA: Well technically hindi ho siya parehas pero alam niyo naman po sa Senado malawak po yung scope ng aming mga tinitignan. Para sa akin kasi hindi lang ito trade issue yung ating mga barko that’s why pinasa natin ito sa Committee of Public Services unfortunately po hindi pa siya nabibigyan ng panahon but were hoping huwag na tayong maghintay ng isa pang trahedya bago matignan natin yung sea worthiness ng ating mga barko.

KE: Pero itong Phil. Competition Act ano pong mga usapin lang ang particular na nababakuran nito?

BA: Actually itong Phil. Competition Act ito yung tinatawag na longest planning bill in congress na una po itong na-file 1980’s pa po. So pagkatapos po ng rebolusyon na-file na ang isang version nito pero it took 30 years bago ito maaprubahan this was just ratified just a few weeks ago. Ito po ay nagbabalangkas ng ating polisiya pagdating sa kumpetisyon sa ating bansa.


KE: Parang ang tagal nilang nakuntento sa monopolyo Sen. Bam?

BA: Opo hindi naging malinaw until this law well I’m hoping na mapirmahan na ito ni PNoy very soon pero sa batas na ito hindi naging malinaw yung polisiya ng ating batas laban sa mga nang-aabuso ng kanilang posisyon sa merkado. So yung mga pinagbabawal po nito una yung mga tinatawag na anti-competitive agreement o mas kilala bilang cartel like behavior kapag merong mga grupo ng mga traders pinapataas yung mga presyo ng mga bilihin po natin. Nakikita po natin yan sa mga agricultural products po ngayon noon po usually kinakasuhan ng smuggling at kung anu-ano ngayon puwede ng kasuhan yan sa kanilang gawain sa kanilang pagmamanipula ng presyo sa merkado. Yung pangalawa na pinagbabawal yung pang-aabuso ng malalaking kumpanya kung merong malaking kumpanya at hindi niya pinapayagan ang malilit at mga bagong kumpanya na pumasok sa kanyang merkado yun ay pinagbabawal na rin at malinaw na yun ay puwedeng bigyan ng fine. Itong ganitong klaseng mga activities o gawain ay normal po yan sa buong mundo sa atin lang ito bago. Kaya that’s why sabi nga po natin ngayong pumapasok na ang Pilipinas bilang isang mas advance o mas modern na ekonomiya ay kailangan na talaga ang mga regulasyon at mga batas na ito para masigurado na yung merkado natin na pabor sa mga mamimili at sa mga mamamayan hindi lang pabor sa mga malalaking kumpanya.

KE: Pero ganito po kasama din po ba diyan yung senaryo na Mall vs. Palengke napapansin namin at sa pag-iikot minsan-minsan sa ibat-ibang bahagi ng kapuluan. Kung dati sa isang malaking bayan ang makikita mo lamang ay palengke ngayon ay iba  na yung dating palengke na pinasyalan mo 5 years ago ngayon ay may katapat na malaking mall na rin. Kaya yung mga tindera dun parang halos wala silang halos mabenta.

BA: Actually depende kung may ginagawa po yung mga grupo-grupo na hindi legal sa isat-isa kung merong imposing values to entry. Pero sa totoo lang ang isang merkado na merong kumpetisyon ay pinapayagan po yung mga tao na pumili kumbaga mas marami kang choices pero actually kung talagang maganda yung kumpetisyon dapat maglaban-laban tayo sa presyo at kalidad para yung taong bayan ay makapipili siya ng mga produkto at serbisyo na mas gusto niya. So yung sitwasyon na may isang competitor na pumasok ay hindi naman ho necessarily na bawal pero kung merong ginagawa na lets say unfair business practices or unfair trade practices yun ay puwedeng tignan ng komisyon. Of couse yung batas ay gagawa po yan ng Phil. Competition Comm. upang matignan yung mga ganyang klaseng gawain pero sabi ko nga hindi natin pinipilit o were not trying to stop yung progress na mangyari. Kung ikaw ay maaring kumita at maaring lumaki dahil maganda yung presyo ninyo at mas maganda yung serbisyo ninyo okey po yun yung ayaw natin ay may nagma-manipulate ng ating merkado o may ginagawang unfair practices para hindi makapasok ang iba pang mga players. So dipende po sa sitwasyon kung tignan mo lang siya may pumasok na ibang competitor wala namang masama dun pero pag may ginagawa sila behind the scene na hindi maganda para sa iba yun ang pinagbabawal.

KE: Sa kasalukuyang proseso ng kalakalan merong tinatawag na middle man ngayon naalala ko yung sinasabi ni Sec. Alcala na D.A. na nais niyang maalis yung tinatawag na middle man. Sapagkat eto yung karaniwang sanhi ng mga pananamantala dito ho sa inyong Phil. Competition Act ay talagang maalis po ba yung tinatawg na middle man?

BA: Hindi necessarily na hindi maalis yung mga middle man pero nagkakaroon ng mga regulasyon at nagkakaroon ng  patakaran kung saan mas fair yung kanilang pagtrato sa mga ibang nagbebenta sa kanila. For example usually yan sa magsasaka kaya may middle man sometimes sa kanya napupunta yung value o halaga ng binhi hindi napupunta sa mga farmers. Meron tayo diyang provision na kung ikaw ay isang buyer at masyado mong binabarat yung mga farmers at fishermen puwede rin kayong ng Phil. Competition Comm. meron po yan ang key word diyan is unfair meron naman kasi talagang mga negosyante na kailangang yung mga rule dun sa kanilang supply chain. Pero kung unfair na talaga wala kang iniiwan sa maliliit hindi na tama yun puwede po yang kasuhan sa Phil. Competition Comm. Ang mahalaga dito is yung fairness in fact yung Phil. Competition Act sa Senate ang tawag po diyan ay fair competition act mahalaga na tapat sa isat-isa upang tapat din tayo sa mga namimili kapag hindi tapat yung mga kumpanya sa isat-isa ang nagsu-suffer po diyan hindi lang yung mga partners nila kung hindi yung consumers yung taong bayan. Pag merong manipulation na nagco-control ng presyo ang nangyayari tumataas po yung presyo ng bilihin natin at bumababa yung kalidad ng produkto meron na po ngayo na once na ma-sign ng Presidente meron pong body yung Phil. Competition Comm. na nag-aalaga na fair yung nangyayari upang walang maka-dehado sa isat-isa at sa mga namimili. But againg kailangan talagang tignan yung kaso kasi sometimes sasabihin ng iba lumaki ako dahil mura ako at maganda ang presyo ko at kalidad ng aking produkto okey lang ho yun hindi po yun unfair. Yung unfair ay piipigilan mo yung  mga competitors mo na magbenta o pumasok sa merkado yun yung unfair o kagaya ng mga traders gaya ng na-kuwento niyo kanina nag-aagree kayo na sabay-sabay nating itataas yung presyo para yung mga consumers sila yung kawawa tayo ang kikita unfair din yun. Ang importante dito is yung mga noon na ginagawa o yung ngayon na ginagawa ng ibat-ibang kumpanya o traders na illegal o hindi ngayon ay klarong-klaro na pag napirmahan na ho yan illegal yung pag-manipula sa presyo sa merkado illegal po yung pagpigil sa mga ibang competitors na pumasok sa merkado mo. It comes very clear yun yung pinabuod ng ating Phil. Competition Act.


KE: Ano naman po yung magiging parusa mas tataasan po ba yung penalty?

BA: Opo Actually ngayon dalawa ho yun meron tayong criminal at administrative, yung administrative fine ho yan hanggang P250M so medyo malaki yung fine na yan. Yan ay binibigay ng Phil. Competition Comm. pero pag yung ginagawa po ninyo ay yung cartel nga ginagawa nating criminal yan aside from the fine mero ka ring criminal penalty na may piyansa na iba pa at meron kang possible imprisonment ng 2 to 7 years. Medyo mabigat ho siya at kung tutuusin parehong criminal at administrative were hoping na ganito kabigat yung penalties natin ay sana naman yung mga businessmen titigil na sa gawain na nakakasama sa ating mga namimili.

KE: Magkano po ba yung existing na multa sa mga namamantala?

BA: Actually ngayon wala ho dahil hindi bawal ito ngayon wala hong batas ngayon ang ginagamit ng DOJ yung article 186 ng revised penal code na very general na provision na wala pang naco-convict sa article 186 for the psat 80 years. Hindi talaga sapat yung current law natin kasi hindi siya malinaw pero ngayon na nakalinaw na talaga at least malinaw kung ano ang puwedeng gawin ng Coimmission ano yung mga fine na puwede niyang ibigay at criminal penalty na puwedeng kasuhan sa DOJ.

KE: Ang ginagawa lang pala ngayon pinapalitan yung produkto na mas better yan yung ginagawa?

BA: Actually kung papalitan naman I think what you are talking about ay yung mga nagbabalik na mga consumers complain. Iba pa yung consumers complain sa DTI pero that is also under our committee ang consumer complain pag may nabili kayong defective na produkto puwede niyo yan ibalik at humingi ng refund puwede niyong ipalit. So actually iba rin yung rules dun at ita-tackle natin yan pagbalik ng session kasi yung revision to the consumer act isa rin yan na ita-tackle ng aking kumite ang DTI ay nagbigay na rin ng kanilang draft para maaksiyunan yung ammenments sa consumer act. Pero iba pa rin yan yung kumpetisyon kasi is usually about companies kumbaga yung behavior ng mga kumpanya sa isang merkdo. For example sa isang  union market ano yung behavior ng mga traders sa union market kung competitor kayo kung talagang magkaka-hiwa-hiwalay na kumpanya ay kailangan talagang mag-compete kayo. Pag nagco-compete yung ibat-ibang kumpanya para sa iyong hard earned money pababaan po yan ng presyo at pataasan po yan ng kalidad. Pero pag merong cartel ay sila ay mag-a-agree na itaas ang presyo kaya mahalaga talaga na merong nakabantay dito sa mga merkado kung meron naman mga merkado na isang napakalaking kumpanya at pinipigilan niya ang mga bago na makapasok upang walang mag-challenge sa kanya. So mahalaga sa ating merkado malinaw na merong competition at nag-a-away away sila upang makuha yung patronage ng mga consumers at they want to compete with our money at tayo naman yung binibili naman natin ay nasa mababang presyo at nasa mataas na kalidad.


KE: Alright with that Sen. Bam maraming salamat at hanggang sa mga susunod na pagkakataon hopefully sa susunod na interview namin sa inyo ay yung sa transportasyon naman an gating pag-uusapan.

BA: Anytime po maraming salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento