Linggo, Agosto 9, 2015

Sen. Antonio Trillanes IV - Kalye Escalera Interview Aug. 10, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sen. Antonio Trillanes IV - Kalye Escalera Interview Aug. 10, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Trillanes Magandang umaga po!

AT: Magandang umaga sa inyo kasamang Marlo at sa ating mga listeners!


KE: Kasama po natin dito si Jedah Legaspi at si Tess Ramirez Sen.?

AT: Magandang umaga po sa inyo!

KE: Ang aming talagang pakay sa inyo ay itong isinampa niyo na Senate Bill 2671 sapagkat marami na pong mga empleyado ng pamahalaan ang naglinis ng kanilang tenga para pakingggan kayo ng paliwanag dito. Sapagkat makikinabang ho talaga sila dito?

AT: Yang bill na finile natin ay ang tinatawag na salary standardization law ang intention po nito siyempre itaas po ang suweldo ng mga kawani ng gobyerno. Ngayon aside from that isa rin po yang toll against corruption na base sa ating pag-aaral ganyan ang unang ginawa ng mga bansa na kagaya ng Singapore at even ito sa HongKong at yung mga devt. countries sa Western Europe. Nung sila ay nagkaroon din ng problema tungkol sa korapsiyon yan yung tinatawag na carrot ang stick strategy yung magtaas ng suweldo yan po yung carrot yung stick po ay eto na yung paghihigpit sa mga accountability processes yung talagang pag nahuli ka talagang sina ka sa puwesto so yan ang pakay natin sa bill natin.

KE: Kasi ang tinitignan namin dito ay parang naisip niyo medyo humabol lang kayo ng  bahagya dahil parang nauna na kasing nagdagdag ng buwis na binabayaran itong ating mga kawani. So parang nagdagdag pala ng buwis kahit papano ay maiangat sana ang suweldo rin nitong una  ng natapyasamn ng karagdagang buwis. Sino ho ba ang sakop nito eto lang mga minimum wage earner o mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang kawani ng pamahalaan>

AT: Obligado po kasi itaas yung mga nasa taas dahil pag tinaaas mo yung nasa baba lang magpapang-abot sila ng ibang posisyon hindi naman puwedeng ganun. Hindi rin naman puwedeng katarungan yun kaya ito lahat itataas kagaya nito may mga argumento tayo na yung korapsiyon sa high places kunwari sa cabinet level. Kasi nga ang suweldo ay magkano lang parang P90K lang .

KE: Dito sa bill niyo magkano po ito umpisahan po natin mula sa Presidente down to the lowest sa posisyon sa gobyerno?

AT: Sabi nga natin bilang anti-corruption measure kailangang at least matapatan niya o madikitan niya yung mga level sa mga pribadong sector. Aside from that  mahikayat natin yung magagaling at matatalino sa private sector na manilbihan dito sa ating bansaay sa ating gobyerno at yung magagaling sa gobyerno ay hindi mahikayat sa pribadong sector. Example lang ang mga CEO o yung nagpapaktakbo  ng kumpanya sa private sector aabot po yan ng mga P3M-P4M  a month yan ang suweldo nila. Ngayon po ang Presidente ng Pilipinas ang suweldo P125K ata ganyan lang po yan kaya ang nagyayari ay parang sasabihin tama ganyan lang naman public servant pero hindi parang kaplastikan yung nangyari. Sa Singapore lumalabas umaabot sa  $2M a year ang suweldo nila pag cinumpute yan aabot po ng mga P4M kada buwan ang HongKong umaabot ng P3M kada buwan ang Presidente ng US P2M kada buwan so yan po ang range. Dito po sa atin P120K so dito lalabas P1M ang average ang cabinet sec. aabot ng P800K tapos ganun na rin pababa pati yung justices ng SC iba pang public senior officials. Ngayon po kaming mga senador na nag-file nito na makikinabang hindi ho ayon sa ating saligang batas yung mga responsible sa paggawa ng batas sa pagtaas ng suweldo ay hindi sila makikinabang. Kaming mga members ng Kongresong ito ay hindi makikinabang diyan.

KE: So hindi ho kayo kasama diyan sa inyong binubuong panukala?

AT: Hindi ho para dun sa susunod na magiging miyembro ng Congress kunwari 16th Congress po kami ngayon dun po sa 17th Congress.

KE: Angg interesado dito ay medo yung nasa ibaba ng plantila posisyon gusto talaga nilang marinig kung magkano talaga yung kanilang matatanggap at paano maa-adjust yung kanilang suweldo?

AT: Yung salary grade 1 P9K ang base pay magiging P16K po yan ngayon ay wala sa akin yung pinaka-table pero pataas ng pataas yung increase as you go up. Dahil ganyan thesis natin base on the cost of living yung cost living  po ng first level would be diff. sa second level at third level plus yung kanilang skill level at yung kanilang position of responsibility.

KE: Kumusta naman ang pagtrato dito sa panukalang ito ng inyong mga kasamahan diyan sa upper house?

AT: Wala naman pong kumukontra at in fact may mga volume of support tayo na nare-receive sa Malacanang ho they are already studying etong pag-increase na ito. Ang pinag-uusapan na lang namin  yung levels ng increase dahil sinasabi nila masyadong mataas yung proposal ko pero ang palagay ko naman masyadong mababa yunh proposal nila. So were trying to haggle para magkita kami pero ang importante dito they have already open their mind dito sa pag-i-increase. Ang sabi ko naman dito sa proposal hindi naman ito lumpsum na isang bagsak kung alam natin na mahihirapan yung gobyerno rito puwede naman itong graduated ang increase.

KE: ang importante dito senator ay may selyo talaga natin  bago magpalit ng kongreso or bago umupo yung susunod na magiging Presidente?

AT: Opo na ito na yung gawin niyang legacy hindi talaga makakalimutan ng mga kawani ng gobyerno ito yung backhoe ng ating bansa ito yung tumulong sa kanya dito sa kanyang tuwid na daan ay anuman yung bigyan niya ng konting gantimpala pag alis na niya.

KE: Ang napag-uusapan naung iba pa diyan pagdating sa mataas na kapulungan ay ano daw ang mga susunod niyong plano matapos itong kongresong ito sapagkat may mga nagsasabi rin dito sa nakikita nila sa inyo ay pursigido kayo dun sa mga unang binitiwan niyo na pagdating sa usaping pulitika sa  pagtakbo niyo bilang Bise Presidente?

AT: Desidido na po tayo at nagpre-prepare rin tayo accordingly pero alam niyo naman diyan sa senado hindi rin natin pinapabayaan ang ating trabaho. Isa tayo sa madalas na tumatayo diyan at nag-i-insponsor ng mga panukalang batas itong mga pag-imbestiga dito sa mga naglalabis sa ating gobyerno ay binabantayn pa rin natin.

KE: Hanggang sa ngayon senator?

AT: Opo in fact sa Aug. 20 at 26 ay may hearing po kami ulit dito kay VP Binay dahil na-i-ready na yung ilalabas natin.

KE: Alright maraming salamat abangan na lang namin yan Sen. Trillanes !

AT: Maraming salamat po sa inyo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento