Miyerkules, Hulyo 1, 2015

NFA Administrator Renan B. Dalisay- Kalye Escalera Interview July 2, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


NFA Administrator Renan B. Dalisay- Kalye Escalera Interview July 2, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: NFA Administrator Renan Dalisay magandang umaga po!

RD: Magandang umaga sa yo Marlo at sa lahat ng mga sumusubaybay ng inyong programa.

KE: Live ho kayo dito sa 738 Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan at siyempre kasama ho natin sina Jedah Legaspi at Tess Ramirez

RD:  Magandang umaga po sa inyo!

KE: Kami po ay mangungumusta lang sapagkat dito ho sa pahayagan ay naka-balandra na naman na mukhang meron na namang nasabat na pekeng bigas diyan sa Davao. Bakit Administrator parang puro sa Davao ito?

RD: Oo nga po nagpadala na tayo kaagad ng mga tauhan natin nablitaan natin yan kagabi at kumukuha tayo ng sample sinusuri. Pero actually tayo kahit dito sa Metro Manila meron pong reklamo kahapon na meron daw suspected na fake rice nagpadala na kami ng tao ako mismo pumunta may kasama akong classifier pero nung sinuri namin totoo naman po siyang bigas. Medyo ang nabili lang po ng kababayan natin ay medyo luma na commercial rice  nag-worry po lamang siya dahil mapanuri ang ating mga kababayan dahil sa isyu sa fake rice.

KE: Nabanggit niyo ho yung luma na bigas ang bigas ho ba ay may expiration?

RD: Ang bigas actually hanggang more than a year po yan mga I  yr.and 5 months puwede pa po pero luma na yan.  Pero para kung gusto natin na maganda ang klase ng bigas natin kagaya ng ginagawa natin sa NFA rice ngayon hanggang 6 months lang ang polisiya namin ngayon tapos nire-refresh na po namin ito kailang ma-dispose namin ng 6 months kaya nagbago ang quality rin ng NFA rice.

KE: Dati kasi parang nitong mga nakalipas na ilang taon pag sinabing NFA rice parng nagdududa itong ating mga kababayan dahil baka mahinang klase yan. Ngayon naman pag sinabing NFA rice ay talagang garantisado kang bago dahil matanda na ho kamo yung anim na buwan di ba?

RD: Totoo ho yun nagkaroon kami ng policy nag-umpisa ito noon sa nakaraang administrator kay Administrator Orlan Calayag na tinatawag naming 369 yung mai 3 months, yung bigas 6 months at yung palay 9 months para laging maganda ang kalidad n gating NFA rice.

KE: Mapunta naman tayo dito sa pekeng bigas na yung nakumpiska sa Davao totoo ho ba talaga na pag ito ay sinaing admin ay nagiging parang mukhang siyang sumabulat na Styrofoam o kaya popcorn na yung sumabog?

RD: Alam niyo dahil wala pa tayong karanasan dito sa usapin ng fake rice ngayon lang natin na-engkuwentro ito pati ng NFA kaya sinusuri natin ng mabuti. Base dun sa nagpadala ng complain na nung niluto ito parang nagkaroon ng foam kailangan pa ng deeper investigation nalaman namin na kinuha niya ito sa canteen mga dalawang araw po ito na nakalagay sa ref tapos nung kinuha po niya nilagay niya sa freezer. So my point ito yung sample na nakuha namin na sinuri ng foods devt. Center at ang pangako sa min yung microscopic test result makakakuha ng resulta nito by tom. para lang po malaman kung meron bang other traces of other substance rather diyan lang sa bigas. Pero yung in depth analysis po nito para ma-identify kung meron mang anong sunstansiyang nakahalo dito mga 2 weeks pa po pero sabi ko importante malaman natin may nakahalo na ibang substance at dito natin malalaman bukas.

KE: Siguro habang hindi pa lumalabas yung resulta baka puwede naman natin paalalahanan yung ating mga kababayan total hindi pa po kumpirmado na talaga yan ay nakakalason o hindi. Pero ang totoo ngayon niyan ay nakakapagtaka baka puwede naman natin payuhan sila in meantime kahit hindi palumalabas yung resulta. Hoy mga idol huwag ho muna kayong kumain ng ganayng uri ng bigas?

RD: Tama po kayo alam niyo po hindi pa naman talaga confirmed yung presence ng fake rice kaya hindi pa natin kailangan talagang mag-panic. Kailangan lang po siguro tayong maging mapanuri siguro ang inaadvice din namin ay bumili sa mga suki natin at pag medyo may iba ang itsura kasi itong mga sample na nakuha namin na chinese rice iba ito sa mga nakukuha natin dito na napro-produce natin dito sa ating bayan medyo bilog poi to hindi ho pahaba. Pag hindi tayo sigurado at bago ang itsura huwag muna nating bilhin ang bilhin natin yung dat na nating binibili gusto ko lang i-assure sa ating publiko dahil isyu ito ng public safety at public health ang NFA ay ginagawa ang lahat to ensure mula 3 days ago bago pa ito pumutok itong isyu na ito ng nalama na namin nag-order na ako na lahat ng ating personnel investigators sa buongPilipinas mag-iikot sa mga merkado at ibat-ibang lugar kung saan nagbebenta ng bigas  para mag-inspeksiyon po.

KE: Bakit kaya nakakalusot itong ganito bat sa Davao lang eh yug Davao pag pinag-usapan natin mahigpit ang batas diyan?

RD: Yan na nga po nakatanggap lang ako ng tawag galing sa ating regional director upon my instructions yesterday nakipag-pulong na sila kay Mayor Duterte mismo kagabi. Sinama na natin dito ang PNP dahil gusto naming ma-trace yung pinadalang sample nung complainant kung saan ang source nito dahil meron na pong investigative part humingi na kami ng tulong sa PNP para matukoy natin saan mismo nanggaling ito. Yun na nga po sinabi niyo bakit Davao lang yun na rin ang pinagtataka natin pero alam  mo Marlo dahil may issue pa rin ng smuggling hindi pa talaga naii-radicate ito bagamat nabawasan hanggang hindi natin nare-resolve at  naii-radicate ang  smuggling meron talagang possibility na yung mga ganitong peke kaya binabantayan natin nagpatulong na rin tayo sa BOC . Maghihigpit pa po tayo at mag-establish ng protocol para mabantayan ito ng mabuti.

KE: Bago ko ho ibigay ang pagkakataon dito sa aking  dalawang kasama dito dahil may mga tanong din ho sila para sa inyo paki-describe lang administrator sa ordinaryong mamamayan na namamalengke araw-araw kung papano nila makikita yung pagkakaiba nung allegedly fake na bigas kumpara dito sa ordinaryong naka-display dito sa mga tindahan ng bigas?

RD: Ang totoo po niyan talaga napakahirap ano pag binibili natin na bigas palang pero nung nag-meeting kami kahapon nasabi sa akin na ang totoong bigas sa dulo po niya parang siyang may tinatawag na endosperm. Ito yung parang maputi dun pinaka-tip niya na parang chalk kasi ito yung nakakabit sa palay mismo parang meron siyang strand dahil alam niyo po ang mga peke minsan talagang gayang-gaya yung mga original. Pag niluto naman ito naturally sabi nung mga kausap namin na mga eksperto humihiwalay yung substance ng plastic ito yung nagfo-form ng parang pag nagsaing tayo lumulobo yan at nawawala din po yan ang plastic hindi ho synthetic.

KE: So andun lang ho siya?

RD: Lumulobo ho yan pero naiiwan siyang nakalobo ganun pero kung yung totoong bigas po nawawala po yan bumababa yung tubig at nag-e-evaporate.

KE: So parang lumulutang lang pero yung tubig sa ilalim kumukulo pa rin unlike dun sa kinakain natin na talagang parang magic wala ng tubig luto na eh.

RD: Tama po yun pero pagadating talaga sa bigas sabi sa akin dahil hindi pa naman tayo naka-engkuwentro ng ganito mahirap talaga.  Pero baka makatulong din ho amuyin nila kasi meron din naman talagang amoy na kakaiba yung plastic.

KE: So bagamat hindi pa ho tayo nakakatiyak dun sa talagang component ng kumakalat na fake rice na yan isang bagay natitiyak po natin galing po yan sa China. Samantalang an gating imported rice sa kasalukuyan is from Thailand and Vietnam.

RD: Opo yung insidente sa Davao nililinaw ko lang po hindi pa po natin sigurado kung Chinese rice poi to. Kasi puwede rin namang may posibilidad na dahil iisa pa lamanng yung complainant natin dun sa area na yun at walang ibang lumapit baka even dun sa handling mahaluaan ng kung ano-ano kaya naging iba yung lasa o iba ang itsura. Pero tama po kayo gusto ko na ring sabihin na wala tayong import permit na ini-issue para puwede silang mag-angkat sa China kaya pag Chinese rice automatic ho yan smuggled in fact nung nag-inspeksiyon po ako nung isang araw may nakita tayong Chinese rice sa Cartimar automatically pina-summon kaagad namin yung may-ari hindi lang namin na-confiscate kaagad dahil nalaman ko rin nung tumawag ako sa BOC na may nahuli po sila noong Feb. na chinese rice na-confiscate and na-auction na nung Oct. ini-establish na ho natin kung ito nga ho yun kumuha kami ng sample ang lumabas sa sampling kung smuggled ito ico-confiscate po natin ito.

KE: Dapat pala lalong higpitan ang pagbabantay sa mga ports natin.

RD: Tama po yan tutulong na kami ni Coom. Bert Lina nag-establish kami ng protocol kung paano natin hihigpitan hindi lang sa usapin sa bigas pati sa lahat ng agricultural products.

KE: This year admin okey na po tayo sa volume ng i-importing na bigas?

RD: As of now sufficient po pinaghandaan natin kasi po ang laging nangyayari in the past pag lean months tumataas ang presyo ng bigas sa merkado pero ang totoo po niyang dahilan mukhang kokonti po ang supply ng bigas dito sa atin pag nagtataasan ang presyo. Ginawa ng NFA pilit nating inaabot yung mandato natin na pag lean months kailangang meron tayong 30 days buffer stock kaya po ngayon eto na yung umpisa ng lean months July 1 binabantayan natin so far stable po ang presyo ng commercial rice sa merkado dahil stable din ang ting supply.

KE: Pero yun pong papasok by Aug. is coming from Vietnam yung Thailand po wala po muna?

RD:  Wala po nung huli nating govt. to govt. transaction ang nanalo dun sa bidding ng 100K metric tons is Vietnam so hanggang Aug. 15 po ang deadline nilang makapag-deliver lahat ito galing sa Vietnam.

KE: Ngayon pong month of July is Nutrition month kumusta na po yung iron fortified rice naman?

RD: Alam niyo po nung pag-upo ko isa yan sa mga unang tinanong ko ang nangyari pala dun dahil nagbago ang mga administrator ng NFA hindi na rin naituloy yun. Pangalawa medyo lumalabas ho kasi sa parte ng NFA mas malaki yung ginagastos napapalugi ng husto ang NFA but since nung pumasok ako ni-review natin yan at sinabi kung nasa batas na kailangang magbenta tayo niyan. Ang ginawa ko ay nagpulong kami ng Food Devt. Center at nag-arrang ako ng meeting with DOH para pag-usapan ulit kung paano natin maibalik itong iron fortified rice.

KE: Itatanong ko lang po pag nakabili ng pekeng bigas o may hinalang hawak na pekeng bigas itong mga kababayan natin saan sila puwedeng kayang magsumbong o kaya puwedeng tumawag kung saka-sakali man?

RD: Sa bawat probinsiya malalaki ang opisina ng NFA kung wala sila dito sa Metro Manila puntahan lang po nila yung ating mga provincial offices. Pero meron po tayong isang numero na pang national na they can text at puwede po name kaagad puntahan ang numero po na ito ay 09064363133 puwede silang mag-text dito and then babalikan po namin sila tapos iuutos po natin sa mga provincial offices kung saan sila located. Pangalawa po meron din tayong page to page Instagram at twitter puwede po silang mag-private message dun meron tayong tauhan nakakatotok mismo sa social media rin.

KE: Maiba po naman tayo ng konti pero sa bigas pa rin po kasi kagabi napaulat din po na marami daw po na mga yung mga bigas na nabulok sa may NFA warehouse sa La Union. Sir saan po nanggaling yung mga bigas na yun kasi sinasabi po ng iba parang excess naman po yata na bigas ito yung mga nabulok.

RD:  Yung sa La Union medyo matagal na issue na yan hindi pa po ako administrator nung NFA nu merong sumadsad na barko dati na Vietnamese ship na dahil dun nabasa itong mga bigas na dapat nilang ide-deliver dahil sa kontrata ng govt. to govt. dapat ide-deliver nila sa warehouse dahil hindi pa umaabot sa warehouse hindi binayaran ng gobyerno ito. Ngayon ang Vietnam ay nagsabi sila na puwede i-stock muna dito sa atin babalikan at hahakutin ibabalik sa Vietnam pero nung tumagal na tumagal na po umabot na sa termino ko at napansin hanggang ngayon ay hindi pa kinukuha upon the recommendation ng DOH sabi po namin medyo issue na rin ng public health dahil matagal na yung bigas na yun at nabubulok na. Nagdesisyon ang local govt. na ilibing na po ito dahil makakaapekto nan g public health.

KE: Yung iba naman po kasi nagpapanukala na gawing pataba itong mga nabulok na bigas puwede po ba yun?

RD: Isa nga pong naging suhsetiyon yun dahil marami ang naging interesado dun para gawing fertilizer pero pinasuri po natin ng mabuti sa DOH at sila na rin ang nagbigay ng recommendation na kahit gawing fertilizer medyo delikado na sa sobrang bulok na at natatakot din po NFA at DOH pag pinayagang ho namin yun baka makalusot pa sa merkado mahalo pa kung saan-saan.

KE: Huling tanong administrator bago ka naming pakawalan ngayong araw para saan ka ba half rice o full cup rice ?

RD: Meron po kaming pino-promote sinusuportahan po namin yung bill at alam natin na marami tayong kababayan na natutuwa sa unli rice. Puwede rin namang unlimited rice din pero sana pag humingi lang ho para hindi nasasayang ang ating kanin malaki rin kasi ang nasasayang at yan ang isang dahilan na nag-a-angkat tayo kung makaka-save ho tayo dito para maging self sufficient tayo. Kaya kung ako ang itatanong niyo half rice po ako.

KE: Pareho po tayo sir basta damihan lang ang ulam.

RD: Totoo po yun!

KE: Maraming Salamat po at hanggang sa susunod na mga pagkakataon NFA Administrator Renan Dalisay!

RD: Maraming salamat po sa inyong lahat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento