Lunes, Pebrero 23, 2015

Sen. Antonio Trillanes IV- Kalye Escalera Interview Feb. 24, 2015/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Sen. Antonio Trillanes IV- Kalye Escalera Interview Feb. 24, 2015/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Trillanes magandang umaga po!

AT: Magandang umaga po sa inyo kasamang Marlo at sa ating mga listeners!

KE: Kasama ko rin dito Sen. si Jedah Legaspi at si Ms. Tea! Siguro ang una Sen. ay pag-usapan natin itong Mamasapano investigation diyan sa Senado kung saan lagi kang nagpa-participate kung hindi ako nagkakamali sa pagbibilang ko ay naka-apat or naka-lima na tayong investigation  bukod pa dun sa mga executive session. Gaano na ho kalayo ang narating ng Senado kung ang pag-uusapan ay yung paghahanap ng katotohanan diyan ho sa bagay na yan?

AT:  On the part nitong govt. forces maliwanag na maliwanag na ho kung ano yung nangyari kung ano yung true picture. Kung ano yung nalalaman ng Presidente yung mga commanders at kung ano ang mga naging desisyon sa ground maliwanag ho.

KE: At tsaka yun hong dating mga kumbaga parang nami-miss lead yung publiko dahil sa mga ibat-ibang kuro-kurong naglalabasan outside the investigating body ay kumbaga naitatama na yun ngayon?

AT: Opo lalong-lalo na po yung kuro-kuro na ang alam  pala ng Presidente dito na ala-singko ng madaling araw yung sitwasyon na naiipit yung mga SAF pero walang ginawa. Diyan po ay napabulaanan kasi ang sinasabi lang po kay Presidente Aquino na may operasyon pero ang lumalabas sa kanya ay nasa lamang na posisyon ang ating govt. forces dahil merong 116 na nandudun at merong tangke at merong kanyon. Ganun yung pinakita at yung kalaban 15 to 20 lang yung rebelde.

KE:  Yung kabilang puwersa?

AT: Yung rebelde.

KE: Kasi ngayon na medyo malinaw na yan kumbaga may direksiyon na talaga yung paghahanap natin ng katotohanan at nasabi niyo na talagang clear na yung picture. Ang hindi ko lang maintindihan Sen. Trillanes ay bakit parang hindi pa rin natutunaw itong mga usap-usapan na talaga na ang Pangulo ay kumbaga pababain diyan sa kanyang kinalalagyan sa ngayon na parang hindi na sila makapag-hintay at halos sampung buwan na lang 2016 na?

AT: Yan naman po ay ibang usapan naman po yan, yan naman yung oportunista naman nakahanap na naman sila ng butas. Malay mo makaka-puwesto sila ng hindi pa natatapos ang halalan so ganyan po ang layunin ng mga taong yan kasi alam niyo ho sa anim na taong paglilingkod ng isang Presidente marami ho talagang mga operations na nangyayari. Kung maalala niyo yung panahon ni FVR may operasyon din at kung ilan ang namatay na sibilyan dun at mga military di ba mimnasaker ng mga Abu Sayyaf yun.

KE: Opo!

AT: Hindi naman pinagre-resign noon ang Presidente so may mga operasyon lang na talagang di pumapanig sa gobyerno.

KE: Kayo po ba ay naghihinala din sa inyong pag-iisa na itong mga ganitong panawawagan ay may kaugnayan po doon sa ibang anomalya naman at matitinding nakawan sa pera ng bayan na nadidikubre din ng Senado na ang sangkot po ay mga opisyal din ng pamahalaan?

AT: Hindi po malayo yan kasi talagang pag titignan niyo yung mga personalidad na kasali diyan sa mga panawagang pababain si Presidente Aquino ay siya rin lang din naman  ang mga malalapit sa mga pulitiko na ito. Kaya hindi mo puwedeng i-rule out yung posibilidad na ganyan.

KE: Kaya nga po parang nasasabi ko rin sa sarili ko Sen. mabuti pala at umiral sa ilang mambabatas at ilang miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso kagaya ni Sen. Antonio Trillanes ang Boy Scout na naging maaga ho ang pagpapasya at inimbestigahan yung mga dokumento at mga impormasyon na hawak niyo na may kaugnayan diyan sa overpricing ng building sa Makati?

AT: Opo! At alam niyo ho diyan tayo nagsimula after niyan ay marami rin tayong ibat-ibang anomalya pang nadiskubre at alam niyo meron pa tayong tatlong isyung iimbestigahan.

KE: Opo! Kasi parang ganito lang yun Sen. Trillanes dahil kung nagkataon at nangyari ho itong iniimbestigahan niyong Mamasapano incident ngayon at lumakas ng lumakas halimbawa lang na talagang pinatulan at lumakas at lumaki ng lumaki ang puwersa na gustong magpatalsik kay Pang. P-Noy. At yung kanyang pangalawang Pangulo ay hindi nabunyag na may ganyang palang kinasa-sangkutan ano ho kaya ang sitwsayon ng Pilipinas ngayon?

AT: Eh di lalo na ho tayong mas magulo at hindi lang siguro itong mga nakikita niyong mga personalidad na nanawagan ito po yung makaka-puwesto. Itong mga ito wala namang gagawing maayos itong mga ito kundi magnakaw lang ng pera ng gobyerno.

KE: Yun nga po kasi wala pa nga sa puwesto yun na ho ang ginagawa, ito nga po siguro medyo pang-huling katanungan ko sa inyo. Saan nga rin ho patungo itong ginagawa nating investigation dito sa mga problema sa pondo na ang sangkot ay itong kaban ng Makati City?

AT: Ang patutunguhan po niyan ay mga kasong maipa-file sa Ombudsman pero sa ngayon ay meron ng nai-file mga dalawa o tatlong kaso na yung nai-file as a result ng ating imbestigasyon. Kapag nakakakuha po tayo ng mga ebidensiya ay it ay ini-imbestigahan napa-paylan ng kaukulang kaso yung mga salarin.

KE: At siguro ay pupuwede na nating sabihin na hindi na ho magtatagal ay titiklop na rin  itong investigation ng senado tungkol sa usapin na yan at ang kahahantungan ay filing o rekomendasyon ng filing ng appropriate charges dun sa mga taong sangkot?

AT: Opo at idadagdag natin itong dun sa mga kasong nai-file na kasi early on tatlong beses na po tayong nag-turnover ng mga ebidensiya mga dokumento sa Ombudsman at nakakatulong po ito dun sa kanilang mga imbestigasyon.

KE: Alright with that pakakawalan na ho muna namin kayo Senator Trillanes maraming salamat sa inyong panahon dito po 738 Kalye Escalera sa DZRB Radyo ng Bayan Good Morning po!

AT: Good morning po sa inyo kasamang Marlo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento