Lunes, Pebrero 2, 2015

Sen. TG Guingona III Kalye Escalera Interview Feb. 3, 2015/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Sen. TG Guingona III Kalye Escalera Interview Feb. 3, 2015/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Senator Guingona magandang umaga po!

TG: Magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa DZRB magandang umaga Marlo ito po si TG Guingona!

KE: Siguro ang una naming itatanong ay ito hong panukalang Truth Commission na inyong inihain kahapon ho ba umusad na  ba ito diyan sa mataas na kapulungan ng kongreso?

TG: Pagkaalam ko merong magpa-file mamayang hapon mga limang congressman alam mo Marlo meron tayong kasamang mga congressman sa presscon kahapon at magpa-file sila ngayon.

KE: Bakit ho naman naiisip ninyo eto Senator Guingona na buuin kagaya ng aming binabanggit kanina mukhang umuusad pa rin ho naman yung pagsisiyasat ng ibat-ibang investigating bodies na tumututok dito sa trahedyang ito?

TG: Well dahil dito sa independent Truth Commission ang operative dito is independence walang pinapaboran at walang utang na loob kahit kanino. Independent siya sa executive branch sa gabinete, independent sa Presidente, independent sa legislative, independent sa Senate at sa Congress, independent sa Judiciary. So ang importante dito independent siya so ganun walang bias ang pananaw niya at makukuha niya talaga yung katotohanan.

KE: Iniisip ko lang Senator kung halimbawa ito ay nabuo na nagtrabaho na natapos na yung imbestigasyon kahit kanino isu-submit yung kanilang findings and then papano naman kaya tatatratuhin kung sino man ang pagsu-sumitehan nitong mga nakalap niyong mga detalye mga datus.

TG: Yung report talagang dapat i-submit sa taong bayan para malaman ng taong bayan kung ano ba talaga ang nangyari at sino ang mananagot. Yung ibang mga rekomendasyon let’s say for example recommendation sa paggawa ng batas ibibigay mo siyempre sa Senado at Kongreso. Kung rekomendasyon sa operations ng pulis ibibigay mo sa pulis kung rekomendasyon sa pag-file ng kaso sa mga nagsala sa batas ibibigay mo sa Ombudsman. Iba-ibang ahensiya ng gobyerno ang bibigyan ng rekomendasyon siguro ang mag-o-oversee niyan yung Senado at Komgreso sapagkat yan babagsak na yan sa overside powers ng sa ganun hindi na maulit itong trahedya na nangyari sa Mamasapano.

KE: Parang kasi may mga nakaraan na ring mga pangyayari na nagkaroon din tayo ng parang independent fact finding bodies na nagsiyasat sa mga ito. Bakit hindi na lang ho kaya natin gawin itong permanente parang gawin na lang siyang isang ahensiya na diyan lang siya na kailangang pag kailangang magtrabaho pag may kahintulad na pangyayari na talagang kailangan ng isang separate body na magsasagawa ng mutual investigation.

TG: Magandang idea yan dapat yan ay merong criteria hindi naman kung ganung bagay magkaroon ng commission. Kailangang napaka-grabe ang pangyayari napakalalim ang consequences na nangyari. Tulad ng nangyari dito sa Mamasapano ang nanganganib dito yung peace process yung Bangsamoro Basic Law more importantly yung pinaka-buod na prinsipyo ng usaping pangkapayapaan yung pagtitiwala sa isat-isa. Yung mga tanong na masasakit goes at very heart of the people of trust tiwala sa isat-isa ay you know after all pag walang tiwala sa isat-isa ba’t pa tayo mag-u-uusap sa pangkapayapaan pag di mo pinagkakatiwalaan yung kabila ba’t pa kayo mag-u-usap pa sa pangkapayapaan. Very important yet is that dapat may criteria kung ano yung dapat magkaroon ng commission ng fact finding.

KE: Kayo po ba Sen. ay nakipag-usap na sa liderato ng Senado at natantiyata niyo na ba yung timeline nito kung kailan siya maaayos sa panig ng legislation at kailan mag-u-umpisa yung kanyang pagtatrabaho dito naman sa insidenteng ito?

TG: Well medyo mahabang proseso ito  sapagkat kumpilkadong proseso alam natin na hindi lang ang Senado dito pati ang Kongreso kailangang gumalaw . Kahit na matagumpay tayo sa Senado kung hindi gumalaw sa Kongreso wala ring magyayari ako talaga nakiki-usap ako sa taong bayan na suportahan itong panawagan para sa isang independent truth commission sa Mamasapano incident at ng sa ganun ay yung mga mambabatas at lahat ng nasa gobyerno ma-feel nila yung public opinion na it’s about time we get the truth and we should get it from a credible source.

KE: So mukhang maganda naman po ang naging reaction ng Malacanang dahil nababasa namin sa mga news ngayon na tanggap naman nila itong inyong mga naisip na mga ideya para magkaroon ng isang independent fact finding dito sa pangyayaring ito. Pero kayo po bang nakaap-isip nito ay nag-usap-usap na rin Sen. kung saka-sakali kung sino ang magiging pinuno mga miyembro at bubuo dito sa komite na ito?

TG: Ang importante dito ay yung nakalagay sa batas ay yung President ang mag-a-appoint baka may nagsasabi na teka muna sino ba dapat ang mag-appoint wala ng dapat ibag mag-appoint kundi ang Presidente. Kung titignan mo yung mga history ng mga commission dito sa bansang ito maski sa Estados Unidos yung Warren Commission nag-imbestiga kay John F. Kennedy ang presidente ng US ang nag-appoint. Pero ang importante diyan kung hindi an gang-a-appoint kundi yung na-appoint kasi yung na-appoint na tao dun nanggagaling ang  kredibilidad ng commission. So importanteng-importante na yung taong yun walang kaduda-duda walang question sa integridad sapagkat yan ang magbibigay ng cerdiblity sa commission.

KE: At ngayon naman po ay kung yun mang criteria na hinahanap natin ay siguro ay marami naman tayong matatagpuan at puwedeng pagpilian pa di ba Sen.?

TG: We are 100M Filipinos I’d like to think na marami-rami tayong pagpipilian na ang taong questionable integrity, nationalism and public service.

KE: Pero teka balikan ko lang saglit yung tungkol dito sa magiging trabaho o obligasyon ng truth commission. Ano ho ang magiging epekto kung ito o dito nung mga nauunang imbestigasyon na isasagawa gaya ng dapat ngayong araw ay merong imbestigasyon ang House dapt bukas ay meron  ang Senate pero parehong nakansela yan sa Senate ay next week at yung sa House naman ay hindi pa  nagsasabi kung kailan nila itutuloy . Kailangan ho ba nilang isumite dun sa commission yung mga dapat na makukuha nila o talagang mag-uumpisa din sa session ng commission?

TG: Mag-uumpisa sa session ng commission pero puwede rin nilang i-request yung mga datus na galing sa mga investigating bodies. Meron ngang nagbigay this morning ng panukala although controversial kaya pag-aralan ko muna na let’s say ipasa natin ito maglagay tayo ng court na lahat ng imbestigasyon dun na lang.

KE: Yun nga dapat ang susunod na itatanong ko sinc nasagot niyo na eh di ang kukumustahin ko nalang uli sa inyo ay kumusta na ho ang Mindanao ngayon after this incident kung kayo po na taga doon ang magku-kuwento sa amin na taga rito sa Luzon?

TG: Napakatindi ng emosyon ngayon sa panig ng mga Bangsamoro dun sa kapatid nating Muslim at sa mga Christian settlers. Pati yung mga Lumad kasi mga tatlong klase ang taong nakatira doon Christian settlers, Bangsamoro at yung mga katutubo na tinatawag pero ang tawag sa Mindanao ay yung tinatawag naming Lumad.

KE: Pero kayo po ay umaasa na lahat ng itong malalagpasan at babalik din sa dati yung sitwasyon na kumbaga ay makaka-move on ang lahat?

TG: Kung lalabas yung katotohanan kailangang lumabas yung katotohanan kailangang managot at dapat managot otherwise hindi babalik ang tiwala. At kung walang tiwala ang magiging biktima niyan ang usaping pangkapayapaan Importanteng-importanteng lumabas ang katotohanan.

KE: With that ay muli kaming nagpapasalamat Sen. TG Guingona at siguro ay muli namin kayong kukumustahin sa ibang usapin naman sa mga susunod na pagkakataon. Good  morning po at good luck sa inyo sir!

TG: Good morning Marlo at maraming salamat sa DZRB ito  po si Sen. TG Guingona!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento