Linggo, Agosto 17, 2014

Sen. Antonio Trillanes III Kalye Escalera Interview Aug .18, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan




Sen. Antonio Trillanes III Kalye Escalera Interview Aug .18, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Trillanes magandang umaga po!

AT: Magandang umaga po sa inyo at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Ano ho ba talagang komite ang hahawak dito sa inyong kahilingan sa senate body na maimbestigahan itong Makati City Parking Builiding?

AT: Ito pong Blue Ribbon Committee ang magco-conduct ng senate investigation at meron itong senate sub-committee na ang hahawak ay si Sen. Koko Pimentel.

KE: Ito ho ay sigurado na ang magiging chairman sa particular na imbestigasyon na  yan ay itong si Sen. Pimentel?

AT: Opo sigurado na po yan na-manifest na po yan senate so wala na pong pagbabago diyan.

KE: Ang petsa po ay kalian sir?

AT: Sa Aug. 20 ng umaga 10am ang hearing po natin.

KE: Kayo ba ay handang-handa na yung inyong mga hawak na dokumento mga ebidensiya at mga katibayan sa mga binabanggit kasi sa mga reports na dine-deny na ito ng pamunuan ng Makati City ay talagang masyadong mataas at malayo sa katotohanan itong naging presyo nitong naturang gusali?

AT: Sa akin naman ni-review natin yung mga daokumento at ipinakita natin yung mga testimonya ay talagang kailangan nating imbestigahan kasi alam niyo yung presyo aabot ng mahigit P2.5B at ang estimate na kinita dito ng mga Binay ay aabot sa P2B. So malaking pera ang involve dito na kailangan nating imbestigahan at makita rin ng taong bayan na itong si VP Binay ay malinis talaga.


KE: Para lang ho sa background n gating tagapakinig ito ho bang Makati City Parking Building na ating tinutukoy na paiimbestigahan ay kailan ito inumpisahang itayo sino amg mayor noon at kailan natapos at sino na ang mayor nung matapos ito?

AT: itong proyekto na ito ay sinimulan aroung 2007 to 2008 nung mayor palang si VP Binay tapos umabot yan ng anim na taon bago itayo ito. Alam niyo 11 storey lang po ito yun na nga ang presyo ay mahigit P2.5B, P2.7B na nga ang lumalabas ngayon. Ihambing natin ngayon sa ordinaryo alam na nga natin yung magagarang condominium na may 46 floors na di hamak na mas mataas.

KE: Magkano ang ginastos doon?

AT: Ang presyo ay P2B so mas mahal itong building at primera klase itong condominium talagang fully furnished.

KE: Kumbaga sa interior ay top of the line condominium na hi-end.

AT: First class talaga at P2B lang pero ito na mas maliit na 11 floor yung 5 floors dun parking space pa so ibig  sabihin walang laman ay P2.7B.

KE: Ang kinakatwiran nila na hindi naman parking building kundi gusali na pinapasukan ng mga empleyado building pa ri ang tawag diyan at ang gastos pa rin ay P2.5B.

AT: P2.7B na nga ho.

KE: Yung pinagbatayan niyo na building kailan ito naitayo Senator?

AT: Parehas lang po silang naitayo yan yung mga comparison labas yung mga buildings na naitayo ngayon para makumpara natin yung mga presyo.

KE: Kasi dito sa atin ang batayan ng halaga is kung mas later itinayo yung building mo na kamukha ng unang naitayong building dapat mas mahal yun dahil habang lumalaon ay nagmamahal ang materyales di ba?

AT: At sa atin dito kasi pagkakataon ito ni VP Binay kung kumpleto naman yung mga dokumento niya para mapaliwanagan niya yung ganito. Alam niyo malilinis siya dito at lalong lalakas ang kanyang kandidatura nagtataka naman ako bakit parang ayaw nilang mangyari ito pinapangunahan nila pakinggan muna natin tignan muna natin kung ano ang piniprisinta.

KE: Sa miyerkules po ba Sen. may mga dadalo doon na pupuwedeng magbigay ng kanilang mga testimonya na magpapatotoo dito sa inyong mga binabanggit na detalye?

AT: Meron may mga industry expert, research person para lang maliwanag kung talagang makatotohanan nga ba makikita naman ng mga kababayan natin kasi matatalino naman yung mga kababayan natin. Alam nila kung kung sino ang nambobola at nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo.

KE: May nababalitaan din ako kung natatandaan niyo noon nung kayo ay hindi pa senador kayo ay nasa panig pa ng pakikibaka para labanan ang gobyernong Arroyo. Noong unang pagtatangka niyo na kumilos laban dito sa pamahalaang Arroyo sa Oakwood Hotel at nung mga time nay un ewan ko lang kung ano ang masasabi niyo dito sa mga impormasyon na nakukuha namin na kayo noon ay humingi ng suporta dito kay VP Binay para lumakas ang inyong pakikibaka pero hindi raw kayo tinulungan?

AT: Wala naman siya doon.

KE: Itong ginagawa ninyo ay hindi naman sour graping that time na sa gipit na kalagyan at puwede ka niyang tulungan ay hindi niya ginawa.

AT: Hindi naman ganun hindi naman tayo kunsintidor alam naman ng mag kababayan natin yan yung mga nang-api nung tayo ay kinulong mahigit pitong taon hindi naman binablikan yun walang koneksiyon daw simulat sapol tumatayo laban sa mga tiwali sa bayan isa lang ito sa mga adbokasiya.

KE: Dito sa hearing palang sa miyerkules mayroon ka ng impormasyon kung sino naman ang dadalo sa panig nitong inyong inaakusahan andun na si Sen. Nancy Binay maliban sa kanya may mga nababalitaan na ho ba kayo na pupuwedeng magpaliwanag in behalf of the VP?

AT: Merong inimbita ang Blue Ribbon Committee at we will be fair na maririnig ng mga kababayan natin yung panig nila ang magtitimbang na lang niyan ay ang ating mga kababayan makikita naman nila yan at hindi maagrabyado dito s I VP Binay.  In fact hindi naman muna nartin siya iimbitahan ngayong Wednesday para makita natin ang ebidensiya.


KE: Si Mayor Junjun Binay po ba ay imbitado sa miyerkules?

AT: I believe so kasama yata siya inimbitahan at maririnig po natin.

KE: Maiba naman tayo ng konti medyo dumako tayo sa larangan ng pulitika ano ho ba ang latest ngayon dito sa inyong grupong kinabibilangan dito sa Nacionalista Party dito sa loob ng mataas na kapulungan ng kongeso parang hindi ba huli para mag-fill ng Presidential candidate ang ibang grupo dahil halos dalawang taon na lang.

AT: Yung Nacionalista Party ay definitely meron tayong ilalaban sa 2016 mamimili po ang Nacionalista Party sa tamang panahon at mag-uusap kami nitong Diseyembre kung sino ang mapipili. Sa palagay ko may panahon pa naman sa ngayon ang preparation ay pinag-aaralan natin yun ibat-ibang problema ng bayan so yung mga solusyon ang ating hinahanap para pag dating na panahon kumpleto tayo maganda ang ating programa para masyulosyunan yung problema ng ating bayan.

KE: Sa personal niyo pong kabasehan ano ba ang talagang ang mas matimbang sa inyo Bise Presidente o Presidente?

AT: Ang sa akin kasi pinapaubaya ko sa liderato ng Nacionalista Party  kasi alam niyo ang kailangan yung preparation mo ay para sa parehas hindi mo sasabihn na ang preparasyon mo pang Vice President kasi assuming mahalal ka bilang VP kung ano ang mangyari sa Presidente kailangang handa ka para mag-assume bilang Presidente ganun yung preparation kaya yun po kung saan ako ilalagay ng Nacionalista Party.

KE: Nabanggit niyo kanina yung word na handa ibig ho bang sabihin nito yung ating mga kandidato sa pagka-Pangulo kasama na diyan si VP Binay dapat ilahad na talaga kung ano ang kanilang tunay na kalagayan ng kanilang kalusugan?

AT: Kasama po yun sa pag-uusisa ng mga botante sa mga kandidato sa akin yung kahandaan mentally, emotionally, psychologically, physically tignan nila kung ano yung mga programa paano lulusatin yung ibang problema ng ating bayan so yun siguro ang kailangang makita.Kasi ang mahirap ngayon   porke yung mga botante hindi hinahanap yung mga sulosyun ang ginagawa lang ng mga kandidato ay pinaplano kung paano manalo sa kampanya ang preperasyon kaya pagdating  at pag nanalo na at hindi naman pinag-aralan yun so kagaya ni Pres. Aquino itinulak pa wala namang plano yung tama at hindi handa. Thru the credit naman kay Pang. Aquino hindi naman siya kurakot nagkaka-problem tayo sa kuryente nagtataasan yung mga bilihin at maraming problema ang lipunan na kinakapa hanggang ngayon apat na taon sila sa puwesto.

KE: Dun po sa mga kakandidato lalo na sa pagka-Presidente kung talagang bukal sa kanilang kalooban eh di ikusa na nila na ilabas yung kanilang health certificate na ang nakalagay doon ay fit to be President.

AT: Sa akin nga baka sabihin nilang namemersonal tayo pero pag maghahanap lahat ng kandidato ay dapat ipresinta yun.


KE: Panghuling mensahe sa panayam na ito sa hearing sa Wednesday ano ang inyong mensahe sa publiko?

AT: Sa akin sa mangyayari a imbestigasyon sa miyerkules ay parte ng trabaho naming bilang senador dahil merong na-report na bilyun-bilyon na mula sa kaban ng bayan so kailangang tignan natin lalo nan a-involve yung VP ng ng Pipilinas at dapat interesado nating malaman kung ito bang magiging Presidente natin ay magnanakaw o hindi so kailangang bantayan natin.

KE: Maraming Salamat Senador Antonio Trillanes maganda umaga sa inyo at goodluck sa inyo!

AT: Magandang umaga po sa inyo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento