Lunes, Agosto 4, 2014

Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 2





Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview  Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 2



KE:   Kasi kahapon may mga nababasa rin ako na tungkol sa  nag-malfunction na M/V Super Shuttle Ferry bound to Cebu. Medyo ang nakita ko po  kasi ay yung Coast Guard ang nag-assist dito sa mga pasahero na na-trap po dun kumusta na po ba yun?

AB: Oo nagkaroon ng problema yung Super Shuttle Ferry na 3 galing ito ng Cagayan De Oro 8 o’clock the other day pagkatapos darating siya ng umaga sa Cebu pero nagkaroon nga ng problema. Ang report sa amin nagkaroon ng engine failure so namatay yung makina pag namatay yung makina pati kuryente mo generator mo nawala lahat ganun ang nangyari dun at yung 118 passengers niya talagang nag-alala lalo na 2 o’clock ng madaling araw na palutang-lutang sila sa boat tapos masama pa yung panahon. So ang problema dito medyo tumagilid yung barko so it cause alarm sa mga passengers at 6 o’clock na nai-report sa amin na may ganung problema and yung Coast Guard nagpadala ng dalawang barko para puntahan kaagad yun kasi iniisip namin na mai-evacuate na yung mga passengers. Pero yung crew at kapitan they were able to adjust yung listing at maging stable yung barko so ang sabi nila kaya ang ginawa namin nandun lang kami sa tabi nila. Bandang 10:30 na upright yung position ng barko at nag-start yung engine so naglayag sila at alam ko ay nakarating sila 3 or 4 sa Mandaue Cebu. Pero ang problema namin doon ay ipa-explain sa captain dun sa nangyari at yung fact na kung bakit it took them mga 4 hours at kami naman on our part gusto naming  malaman kaagad kasi kung may nangyari kami ang masisi. So kahapon pina-report hindi ko pa nakausap si Commodore Melad kung ano yung explanation nung captain na barko bat hindi nila ni-report kaagad yun ang advise namin. Ang kabutihan nito ngayon merong mga pasahero na kung hindi man mag-report sa Coast Guard may mga kaibigan din yan para ma-inform kami pero sana nga ang gusto namin yung kapitan talaga o yung shipping company kasi ang shipping industry ay primarily responsibility ng mga owners at nung kapitan so ganun ang nangyari dun at sana ay hindi na maulit

KE:  Ano ba ang sa tingin niyo ay iniiwasan itong mga ito at ayaw magsabi agad ng katotohanan sa  inyo?

AB: Hindi ko alam bibigyan kita ng sample nung sabado may lumubog na tugboat dito sa Batangas so kami ni-rescue naming nagkataon na yung mga technical divers namin yung head ng special operations group si Commander Rosario nag-aaral sila ng technical driving so remusponde sila. Ang problema pag reresponde ka tumatakas pa yung barko only to find out na nung binoard na nila yung barko na-rescue na yung tao na-expired pala yung mga dokumento may mga incident na ganun kaya minsan hindi inire-report kaagad ng mga barko dahil may itinatago. Katulad nun ni-recommend ng station commander ng Batangas for investigation yung Gothong Lines yung Gothong 5 na expired lahat yun kanyang mga worthiness documents. Yun yung nagiging dilemma pa dumarating ang Coat Guard tutulangan na nga namin nagtatago pa kasi may tinatago na mali sa kanyang mga documents.

KE:   So para palang yung isang colurum na bus na pinaki-iwas-iwasan nilang makaaksidente kasi pag na para na sila nagkakabuklatan na ng mga dokumento.

AB: Expired lisensiya pati ang prangkisa isang malungkot yan pero alam mo hindi naman nagpapabaya si MARINA administrator Max Mejia at dun nakita natin yung ibang improvement at maganda yung tulungan ng Coast Guard at MARINA and hopefully we could put into rest yung issue natin na hindi sea worthy yung mga barko natin.

KE:  Malihis ako ng bahagya Commander ako ay madalas  sumasakay ng barko ang probinsiya ko ay Romblon ordinary na lang sa amin ang sumakay ng RORO from Batangas to Romblon or kung may direct na barko galing sa Maynila to Romblon at madalas din akong magawi ng Mindoro isa pang RORO area yan. Napapansin ko lang na may mga barkong mabibilis, may mababagal eto mga passenger ship maliban dun sa mga Fast track na may standard speed na sinusunod eto bang mga RORO na ito na malalaking passenger ship na ito wala ba silang panuntunan na kailangang sunduin ang isang standard speed?

AB: Hindi ako masyadong pamilyar kung merong dapat na required speed pagdating sa mga ganyang RORO. Pero ang MARINA ang nag-a-approved nito so ang pinapalagay ko ay pag inaprubahan ng MARINA yan kung ganun ang speed nila ay pinayagan sila so okey yun as long as na sea worthy yung vessel. So ang primary consideration niyan ay hindi malalagay sa panganib yung mga pasahero na kahit medyo mabagal yung barko maritime economics siguro ang principle diyan ang maganda siguro magkaroon pa ng ibang competition dun sa area na mas mabibilis yung mga barko dapat may magpuhunan para sumigla ang shipping activities dun sa area at merong mas mabilis at may mga option yung mga tao na may ibang masasakyan.

KE:  Isang malinaw na halimbawa niyan ay bumabiyahe kasi talaga sa amin yung Montenegro Lines Batangas  to Romblon.

AB: Talaga bang napaka-bagal.

KE:   Dati kasi nung ako ay nag-aaral pa may nasasakyan akong mga umeekstra na barko nakukuha namin yan ng 9 hours Udyungan to Manila yan. Pag Udyungan to Batangas 9 hours din minsan 10 hours pa so ngayon medyo may ibang kumpanyang ka-kumpetensiya yung Montenegro sa amin hindi pa rin nla nagawan ng paraan na pablisin yung mga barko nilang ang ginagawa nila dahil sabay yung schedule aalis ng mas maaga itong Montenegro para mauna siyang makakarating dito sa Batangas o Udyungan pero ang nangyayari naabutan pa rin siya.  

AB: Well we have to take note of that and probably ask MARINA bagamat labas sa usapin ng Coast Guard pero concern kami sapagkat shipping activities yan.

KE:  Kanina napag-uusapan namin yung traffic dito kanina yung land transportation diyan ba sa mga pier natin dito tingin niyo minsan ay nae-encounter na yan yung mga pagsisikip ng mga pantalan walang available na rampa mga ganun?

AB: Hindi masyado except alam mo naman yung mga problema dito sa Manila pagdating dito sa Customs sa mga terminal sa pier 15, 13 yan talaga ang may mga problema sapagkat shipping hub yan at mga cargo terminals yan diyan nagsisikip lalo na sa mga problema sanga-sanga na yung problema sa trapiko sa Manila yung dami ng mga container vans na nakimbak diyan at yung mga barkong nate-tengga sa Manila Bay diyan nagkakaroon ng problema. Pero yung mga ordinary na ruta natin tingin ko wala namang silang problema hindi lang ako pamilyar sa ibang piers kung gaano siya kalalaki tingin ko kokonti pa it’s a matter of scheduling para hindi magkakasabay-sabay. Ngayon ang problema diyan parang nakikita ko nag-uunahan sa pasahero at sa magandang schedule yan ay it has something to do with the franchise at usapin ng MARINA siguro. Siguro next time papuntahin mo dito yung MARINA para ma-follow up natin yung usapin na yan maganda yan.

KE:   Pero balikan natin yung kasalukuyang sitwasyon ngayon ano ba ang advisory ng Coast Guard ano yung araw in particular para sa ating mandaragat?

AB: Yung malalaking barko po ay walang prohibition ng PCG na maglayag in fact ganun din yung maliliit pero hindi po dapat magpakampante pag lumabas na yung bagyo. Kasi 1 or 2 days ang gale warning ng Pagasa ay nakataas pa 4 to 5 meters lalo na ngayon sa northern seaboard ibig sabihin yung eastern sea board ng Luzon at western dapat magong observant muna yung mga mangingisda kasi hindi naman kalakihan yung mga bangka nito at ang malalayong inaabot nito ay baka abutin sila dun sa gitna. So extra vigilance kahit walang prohibition dapat may disiplina ang mga kababayan natin hindi isakripisyo yung kanilangb kaligtasan pag may masasamang panahon.

KE:   Alright bago ho naming kayo pakawalan commander baka meron pa kayong mga dagdag na mga panawagan?

AB: Yun lang po ang regulasyon ng maritime industry o ng Phil Coast Guard sa kasalukuyan kung signal no. 1 dahil panahon ng bagyo ngayon dapat hindi maglayag yung mga pasahero yung mga barko. You can always check with your shipping company kung may mga lakad kayo para maiwasan na yung stranded patuloy yung kampanya namin sa stranded passengers. Nung nakaraan imbes na 10,000 siguro umabot lang ng 6,000 and hopefully madisiplina natin yung ating mananakay yung convenience of safety pagdating sa ganiton panahon.

KE:  Coordination na rin siguro sa mga bus companies lalo na yung biyaheng Batangas pag medyo alam nila na makulimlim yung kanluran tumawag muna sila sa Coast Guard.

AB: Correct, alam mo ang naging problema lang natin nitong nakaraan marami na yung hindi nagbiyahe pero meron talagang mga pasaherong makukulit na dun na lang maghintay sa malapit.

KE:  Na-experience ko yan na parang matatakot ka rin kasi yung hanging humahampas din sa rampa kita mo yung turmoil naman kasi sa Batangas kita mo yung area hindi naman parang terminal ng airport yan na hindi mo kita yung eroplano kita mo talaga yung parating at paalis na barko. Pati yung dagat pati paghampas ng hangin kita mo nakakatakot yun mas magandang hindika muna umalis mahal pa pagkain.

AB: Tama yun buti sana kung meron pakain palagi ang problema kasi dun minsan siyempre hindi mo naman mao-obliga yung mga local govt unit na pakainin. Siguro tulong-tulong na lang at pag nag-coordinate lahat yan baka malulutas natin yan para hindi magkaroon ng stranded passengers.

KE:  Maraming salamat po at kami ay napaka-suwerte ngayong araw sapagkat matagal ko ng gustong talakayin itong topic na ito hindi kolang kayo matiyempuhan.

AB: Salamat po sa inyo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento