Lunes, Agosto 4, 2014

Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 1





Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview  Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 1

KE: Magandang umaga sir!  

AB: Marlo magandang umaga at sa nakikinig sa inyong programa Kalye Escalera!

KE:  Siguro narito na rin kayo ang una naming itatanong sa inyo Commander ay yung naglabasan sa pahayagan ngayon na maraming nagulat sapagkat hindi mo malaman lung bakit dumako sa ganyang desisyon ang Supreme Court na kung saan itong may-ari ng lumubog na barko diyan sa Sibuyan Islands itong Sulpicio Lines ay muhang naabsuwelto.

AB: Alam  mo Marlo usapang batas ito at hindi ako masyadong pamilyar dun sa tinakbo ng kaso. Pero narinig ko kay Atty. Acosta na siya talaga ang pursigido dito ay dapat hindi na pinakilaman ng SC yung issue sapagkat merong trial na nangyayari sa lower court. Sa tingin ko parang tama na sa isang layman na nakikinig lang dun sa pangyayari sapagkat mas maganda sanang nasuri kung talagang may pananagutan yung Sulpicio dun sa trial mismo. Pero hindi ko alam kung ano ang naging takbo sa usapin dahil napunta rin sa Court of Appeals at sila ay higit na nakakaalam kung ano ang dapat dito. Pero kasi kami gusto rin naming matapos sa Coast Guard para matulduka na ang M/V Princess of the Stars at kasama  kami sa mga naimbestigahan dito pero naipaliwanag namin na ginawa ng Coast Guard ang kanyang tungkulin sapagkat hindi ako nagkakamali nung panahon na yun ay binigyan naming ng sapat na warning yung Sulpicio yung company at kapitan na dapat hindi sila tumahak dun sa direksiyon na maaring puntahan ng bagyo katuald ng ginawa ng ibang barko. So yun po ay napatunayan ng Coast Guard na pinaalala namin at kahit na hindi kami naisama sa kaso ang sa amin gusto naming matuldukan ito para magkaroon ng closure sa mga kamag-anak at kung meronman man na dapat kunwari may restoration dapat ay maibigay.

KE: Ang pangalawa kong ifo-follow up ay dito ho ba sa nangyari sa imbestigasyon ng ibat-ibang authorities ano po ang naging final findings natin sa naging dahilan ng aksidente talaga bang engine failure o talagang siya ay inabot na ng sama ng panahon?

AB: Ang paniwala ko nakita ko itong barko kaya nitong lumayag kahit na medyo may sama ng panahon unless otherwise na mag-fail yung engine. Alam  mo its either yung mga panahon na yun at nung time na nagkaroon ng problema isa ako sa unang tinawagan nung nawawala yung barko sabi ko sa kausap ko hanapin niyo muna bago natin sabihin  sa tao na siguro mga 12 o’clock yun ng tanghali tinawagan ako na Arman may problema kami  kasi nawawala yung barko namin. Sabi ko make sure your findings at yung last position niya pagkatapos ay tsaka na natin i-announce sa tao kung ano talaga ang nangyari. So what I did was kinausap ko si  Commandant Admiral Tamayo  na to tell the Sec. of the Dept. na i-inform sila dahil medyo magkakagulo tayo sapagkat marami tayong pasahero nung bandang hapon talagang confirmed na lumubog nga yung barko. At may nakapagsabi sa akin na confirm na nakasadsad yung barko at ayoko namang i-confirm hanggat yung report on the ground na yun na at sabi ko kay Commandant Admiral Tamayo confirmed na  so we should make announcement already. Pero alam ko na marami na ang mga nakakaalam during that time but they needed the confirmation from us at na-confirmed in details na confirmed na yung M/V Princess of the Star. Kung nakita mo yung barko nung niu-launch ito medyo mala-Titanic yung barko maganda siya may swimming pool parang yung buong lobby niya para talagang hotel.

KE:  Tanghali ko rin yung na personally confirmed dahil meron akong kakilala mismo dun sa Island. Mahaba siya literally kulang yung isang pier para pagkasyahin yung buong barko parang sobra sa kalahati nung barko sa sukat nung pier?

AB: Pero  ito yung nakakalungkot ito yung inabot niya pero para sa amin  sa Coast Guard it taught us a lot of lesson for the past years walang masyadong aksidente because of the weather ang nangyari na major  accident is yung banggaan dito yung barko ng Pulo at cargo vessel ng Sulpicio pero rather than that may malilit na insidente ang nangyari at yun na rin yung mga innovations na pinairal ng departamento ng transportasyon simula pa nung panahon ni Sec. Mar Roxas pag signal no. 1 wala talagang absolute na maglalayag maliit man o malaking barko, cargo passenger wala na lahat pagkatapos nun yung mga station commander ng Coast Guard are also given the leeway  to stop the shipping operation pag may warning ang Pagasa katulad ng mga nangyari nung makaraang araw.

KE:  So balikan ko lang itong Sulpicio ngayon ano ang status ng ibang mga barko nila na  hindi naman involve sa aksidente at yung isang barko ba na nakabunggo ng isang barko diyan din sa Cebu Sulpicio din yun sir?

AB: Sulpicio din pero yun ay nasa final stage na ngayon ng investigation yung board of marine inquiry ay would come up with the decision already and yet to be submitted to sa Department. Alam mo medyo mahirap yung trial kasi may magkalaban na dalawa. So nagiging maingat tayo dito sapagkat ayaw nating magkamali dun sa magiging findings di pa tapos siya pero sigurado may mananagot dun sa banggaan.

KE:  Tapusin na ho natin yan at yung ibang mga barko nila ngayon na hindi naman nasangkot sa aksidente ay ang pagkakaunawa natin ewan ko lang kung tama  ako ay yung pang cargo bumabiyahe yung mga natitirang passenger ships grounded pa rin lahat?

AB: Alam ko bumabiyahe na silang lahat after nung insidente nagkaroon ng inspection yata yung MARINA sapagkat sila yung magtatakda kung bibiyahe o hindi at ang alam ko bumabiyahe ang mga pampasahero nila magmula Manila papunta ng Cebu at pati yung Tacloban ay kanila. So yun yung huling information ko pati yung cargo vessels nila.

KE:  Yung mga kulay itim na mga barko?

AB: Tama ka Marlo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento