Miyerkules, Marso 13, 2013

Usec. Zeny Maglaya (Dept. Of Trade And Industry) Kalye Escalera Interview Mar. 14, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Usec. Zeny Maglaya (Dept. Of Trade And Industry) Kalye Escalera Interview Mar. 14, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Usec. Maglaya magandang umaga po! Kayo ay live sa 738 Kalye Escalera, si Kuya Marlo, Jedah at si Ms. Tea ang inyong makakausap!

ZM: Magandang umaga sa inyong lahat!

KE: Kami ho ay medyo napaisip dito tungkol sa babala ng DTI na parang kung may choice naman ang consumer. Ang inyong nirerekomenda ay bumili na  lamang sa mga malls o yung may mga legal na puwesto kumpara dito sa online shopping. Gaano na po kadami ang reklamo na natatanggap ninyo mula sa online shopping?

ZM: Maganda na ring maipaliwanag hindi sa ayaw namin ang online shopping dahil gusto talaga nating itaguyod ang e-commerce. Pero medyo last year mga 200 complains ang natanggap natin in 2012 dahil siguro maraming nagbebenta online yung promos na hindi dumadaan sa DTI. Kaya natin pinaigting ang info campaign sa mga online merchants at pati online site para paalalahanan sila na kailangan nilang dumaan sa DTI pag sila ay nagpo-promo. Dahil kadalasan discounted at may mga promo offers ang mga nagbebenta online.


KE: Ang marami pong reklamo na aming natatanggap at ito naman online booking lalo na ngayon papalapit ang mahabang bakasyon. Marami nag-book online pagdating nung araw na sila ay dapat ma-accommodate na ay hindi naa-accommodate at tumatagal na maibalik yung pera nila minsan hindi na naibabalik.


ZM: Tama po kayo doon dahil ang karamihan sa bulk ng online purchases ay talagang related sa travel. Ito po usually ay package kasama po diyan ang mga airline ticket kasama din yung booking sa hotel  na kasama nung kanilang package. Kung online buying na naman at bibili ng ticket meron din tayong air passenger bill of rights na dapat naman sundin ng mga travel companies. Pero kung ito ay online shopping parang binibili at a package tour tama po kayo dun dahil yun ang karamihan ng reklamo dahil nagbayad na hindi makuha yung voucher o hindi makuha yung petsa na gusto nilang mag-reserve.


KE: Yun nga po ang nakarating sa amin na impormasyon ito ho ba ang DTI ay may kapangyarihan na itama ang mga ito o habulin itong mga ganitong negosyante online?


ZM: Bagama’t karamihan ay naayos naman natin nare-refund o nakukuha nila yung booking puwedeng ibang petsa na pero naayos naman po. Kaya lang yung abala, yung sama ng loob andun na kung sino ho ang may ganitong experience ay maaring pumunta sa DTI at iparating sa amin ito dahil nakatutok tayo sa mga buying site na ito. Ang ating gustong mangyari dito ay ayusin naman nila ang serbisyo binibigay nila online. Ang importante dito ay hanapin nila yung may tatak na DTI na promo permit.


KE: Dito ho kasi sa booking kaya medyo ating ine-expound ito ay dahil malapit na namang magbakasyon. Hindi ho ba uubra na ang DTI ay mag-furnish ng mga travel ng mgaa travel agency o anumang grupo na ugnay dito na mga bakante pa at occupied na mga bookings para hindi ho magkadoble-doble.


ZM: Kasama po yan sa disclosure nila na dapat malaman na kung  sino man ang bumibili na kung ano pa yung bakante na hindi yung pinapangako sa kanila na ia-assure sila tapos pag tawag nila hindi na sila maka-contact  ganun ang kadalasang problema na nakakarating sa DTI. Nakabayad ka na nai-swipe na yung credit card mo pagkatapos habang hinihintay mo yung voucher na hindi na dumarating hindi ka nakakasiguro sa time doon sa pagbiyahe. So puwede ho silang ireklamo at puwedeng nating kasuhan itong mga ito.


KE: Ang nangayayari ho kasi dito parang yung problema ay lumulutang lang sa mga domestic booking samantalang pag sa international naman wala naman pong problema.


ZM: Yan ho ang kailangan nating pagtuunan ng pansin dahil napakalaki ng itinaas ng percentage ng mga bumabiyahe sa ating domestic. Dahil sa dami ng budget fares natin yung mga promong ganito maraming mae-engganyo talagang sumakay . Kaya dahil sa dami ng complain dumadami panay ang paalala natin dito sa mga online site mga merchant na sila ay sakop ng batas. Kahit online ito akala nila siguro ang alam nila ang sakop ng batas ay yung mga nagbebenta sa mall, travel agency, sa gusali pati online ay sakop ng batas.


KE: Ang tanong ko po hindi ho ba kaya nauso yung online shopping ay para maging convenient dun sa mga mamimili yung pagpla-place ng order. Pero sa inyong opinion ay mas marami po ba yung nag-o-offer ng defective products sa pamamagitan po niyan?


ZM: Hindi naman po kung hindi naman natin iba-base sa mga complain na natatanggap namin hindi naman talaga mas marami kaysa sa mga nakakabili. But of course hindi natin inaalis diyan yung mga hindi nagre-react kasi posible pa ang mas marami na complains na hindi nakakarating  sa amin. Kaya maganda po kung iparating po ito sa amin at talagang managot ang dapat managot dahil una kasama natin ang BIR dito ang local govt. Dahil pag nagbebenta po ay dapat may permit, may kaukulang  permit, nagbabayad ng taxes at dumadaan sa pagsusuri ng DTI kung may discount  o promo.


KE: Kung saka-sakaling umapaw po dumami yung mga nagrereklamo na yan, may plano po ba ang DTI na maglabas ng guidelines tungkol sa online shopping?


ZM: Meron po tayong guidelines sa online buying kailangang mas pagtingin natin ang info campaign at kausap po natin yung mga grupo na mismong mga may buying sites. Kung gusto nilang i-promote ang online shopping dapat ay  maayos ang kanilang pagpapatakbo ng negosyo .Dahil pag-convenient sa consumers pero kung ganyan naman consumers na ang nabibiktima mukhang hindi na tama yun.


KE: Si Jedah Legazpi ho ito may gusto po akong klaruhin naka-experience ako dati na umorder ako ng make-up online. Nung nakita ko yung product parang okey naman pagdating sa akin durog-durog po yung make-up ang problema nung kausap ko yung nagpadala ang sabi thru shipping po daw siguro nasira. Puwede bang mahabol yun pag ang dahilan ng pagkasira ay thru shipping na?


ZM: Unang-una kailangang ma-establish kung saan nangyari yun dapat importante sa atin pag may dumarating ay inspeksiyunin na kaagad habang nandiyan pa yung nag-deliver. Pag nainspeksiyon  at nakita na ay dapat may pananagutan na yun ang pananaw ko dito ay dapat responsibility na ng merchant yung mismong nagbenta na sa yo. Kung may problema ang shippers sila dapat ang mag-usap hindi ang consumer dapat na maghabol dun sa shipper dahil ang kausap mo ay yung merchant. Kaya kung ganyan po na may mga reklamo iparating po ninyo sa DTI.


KE: Alright maraming salamat po! sa mga paglilinaw Usec. Maglaya at hanggang sa mga susunod pagkakataon po!


ZM: Opo! pag meron po kayong karagdagang paglilinaw at kung may gusto po silang iparating sa DTI tumawag lamang sa 751-33-30 maari din pong magtext sa 0917-834-33-30.


KE; Alright with that ay magpapaalam na po kami sa inyo at sana sa mga susunod na pagkakataon ay lagi kayong available!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento