Linggo, Enero 27, 2013

Chairman Francisco Duque (Civil Service Commission) Kalye Escalera Interview Jan. 28, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Chairman Francisco Duque (Civil Service Commission) Kalye Escalera Interview Jan. 28, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Duque good morning po!

FD: Good morning Tess and Jedah at sa lahat ng inyong tagapakinig!

KE: Live po kayo sa Radyo ng Bayan dito sa738 Kalye Escalera kumusta po kayo?

FD: Eto okey naman at yung SALN ipinalilwanig natin sa ating mga kawani at opisyal ng gobyerno kung papano ang tamang pag sagot ng bagong SALN form na may kaakibat na bagong guidelines.

KE: Sino po ba yung bumuo ng bagong SALN form Chairman?

FD: Well ang bumuo nito ay dun sa technical working committee na binubuo ng office of the President, DOJ, Dept. of Finance, DILG at kasama ang kinatawan ng senado at ng House of Representative. Kasama diyan ang Civil Service Commission, Ombudsman, COA at meron tayong dalawang kinatawan ng public sector labor union. Malawakan ang representasyon ng mga napakahalagang sector ng ating gobyerno.

KE: Chairman bago po nabuo yan ng tuluyan ay talagang katakot-takot na revision ang naganap at kailan pormal na nabuo ito sir?

FD: Last week lang yung mga recommendation na inaprubahan ng commission dahil  batay sa batas ang comiision ang siyang mag-a-administer at gagawa maka-formulate ng SALN form. Last week ito, ito yung bagong SALN form at ito ay mas simple kaysa dun sa SALN form na aming inilabas noong 2012.

KE: Ibig sabihin po ba parang dalawang form po yung isusubmite tama po ba ng isang govt. employee na SALN, kasi parang meron  na rin ipa-file pati yung kanyang asawa.

FD: Oo kung ang asawa ay kawani ng gobyerno nakalagay doon to file separately or jointly. Puwedeng joint kung dalawa naman sila sa gobyerno kung gusto nilang separate puwede rin walang problema.

KE: Kailan po kaya yung magiging deadline ng pagpa-file ng SALN?

FD: April 30 para sa mga 2012 declaration.

KE: Mas madali po itong pag fill-up kumapara sa mga previous form na nabuo ng Civil Service Commission na ipinamigay sa mg empleyado.

FD: Oo ginawa nating mas simple para sa ganun ay mas madaling makapag-comply ang ating mga kawani sa hininingi ng ng batas. Alam mo naman ang SALN ang legal basis nito ay ang Act 613 or the code of conduct.

KE: Dapat po ba Chairman kumpletong-kumpleto yung mga detalye?

FD: Andun naman nakalagay pero kung maliliit na bagay ay igrupo niyo na lang halimbawa libro acquired in years etc. ganun lang.  Kung fancy jewelries naman ilalagay mo lang doon kung magkano ang halaga kung tunay na alahas ilagay mo lang di kung magkano ang halaga.

KE: Marami ho kasing nagtatanong kung bawat govt. employees daw ba ay bubusisiin ang uri ng kanilang pamumuhay lahat ng nagsu-submit ng SALN automatic na po ba yan mangyayari?

FD: Hindi naman kasi alam naman ninyo 1.4M ang empleyado ng gobyerno at imposible naman bubulatlatin mo lahat. Hahalukayin mo lahat ang SALN ng lahat na ito ay hindi ganun ang intensiyon o layunin ng batas. Importante lang dito ilagay mo patas kung may kumukuwestiyon kung may kakaiba kang lifestyle bilang halimbawa magarbo na magastos at marangya ang pagpapakita ng kanyang buhay at hindi it maipaliwanag ng kanyang suweldo diyan nagkakaroon ngayon ng kahalagahan ang SALN na dapat kaakibat nito yung pagsasagawa ng lifestyle check. Para sa mamamayan ito pati na rin sa kapwa kawani ng mga govt. employees at officials.

KE: Tama ho yan kung sakali man magkaroon ng kahirapan sa pag fill-up ng SALN form puwede po ba silang magpaturo sa kanilang tanggapan?

FD: Puwede magkakaroon nga compliance committee ang bawat tanggapan para repasuhin at siguraduhin na tamang form ba yung ginagamit. Kung tama ba yung pag fill-up ng SALN for at siguraduhin na sila ay magsu-sumite nito on or before the deadline base on our new guidelines.

KE: Kaugnay po naman sa balitang yan kasi nasusulat din sa mga pahayagan ay may huimingi rin ng tulong dito sa mga mamayan para misumbong kung sino-sino yung mga govt. officials o yung mga empleyado ng pamahalaan na magarbo o masyadong maluho ang pamumuhay?

FD: Meron tayo yung tinatawag na contact center ng bayan tumawag kayo sa 165-65 diyan meron tayong 15 call center agents na sila ang magpo-proseso ng tawag na sumbong o tanong. Itong sistemang ito ay nakatalaga na at in fact nung Setyembre ay aming ni-launch ito at inumpisahan at nagkaroon nga kami ng press conference hinggil dito sa proyekto ng Civil Service Commission kasama ang Philhealth ang DTI, National Computer Center ang DSWD at DOH. 

KE: Paano po kaya ito magiging anonymous rin puwede yung mga magsusumbong?

FD: Puwede kung gustong ibigay yung pangalan okey lang pero ang aming pakiusap pag magsusumbong sila dapat meron silang kasamang ebidensiya naman. Hindi lang yung sumbong na alegasyon lang  na wala namang batayan mahihirapan lang tayo yung pangalan ng tao pati yung kung saan siya nagtatrabaho kung ano yung transaksyon kung ano ba yung serbisyo na ginampanan o hindi ginampanan ng isang frontline service employee kung meron mang paglabag ng anti red tape act. So itong mga ito ay mga ilang halimbawa ng puwedeng isumbong sa contact center ng bayan na pinapangunahan ng Civil Service Commission.

KE: Ayan maliwanag yan Chairman Duque maraming salamat po for your time magandang umaga po!

FD: Thank You!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento