Lunes, Marso 18, 2013

Ms. Misael Francia (Mercury Project Coordinator) Kalye Escalera Interview Mar. 19, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Ms. Misael Francia (Mercury Project Coordinator) Kalye Escalera Interview Mar. 19, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



KE: Hi Misael good morning!

MF: Good morning po!

KE: Ano yung masasabi niyo sa balitang maraming whitening products ang naglipana pa rin sa market. Kung titignan natin puro natural naman yung mga nakahalo dun ba’t masama pa rin sa kalusugan?

MF: Tama po kayo marami pa rin ang lumalabas sa ating mekado na nagtataglay ng mercury kahit ito ay meron ng mga label. Dumaan po ito sa mga pag-aaral ito ay nakikitaan pa rin ng mercury.

KE: Gaano ba karami na ang produktong inyong napag-aralan na?

MF: Ngayon ay iba’t-ibang produkto na dumadaan sa sa pag-aaral sa tulong ng Eco Waste Coalition. Kami po ay tinitignan namin ang produkto kagaya ng mga sabon, laruan, pintura  at marami dito ay nakitaan na ng mercury. Ito ay nilalabas din ng ating gobyerno meron din silang listahan na mga produkto na merong mercury.

KE: Isa sa mga produkto na banned ng DFA ay  yung Yudantang green olive and papaya natural essence. Kung titignan ng isang mamimili paano niya malalama kung ito ba ay delikado?


MF: Yun nga po ang nakakalungkot dahil yung mga produkto na nakakarating sa atin ay galing sa ibang bansa. Ang ating kapwa Pilipino ay hindi po nagkakaroon ng tamang kaalaman kung ito ay nagtataglay ng mercury at mahirap ma-determine ang isang produkto kung may mercury. Kinakailngan itong dumaan sa isang pag-aaral na ginagamitan ng equipment para malaman kung gaano kataas ang tinataglay nitong mecury pero may kamahalan itong mga equipment na ito. Kung ang ating mga consumer ay pamilyar sa mga produkto na nagtataglay ng mercury kung sila ay nagdududa maari nila itong dalhin sa amin sa mga NGO na may kakayanang mag-test ng produktong nagtataglay ng mercury at tignan para makasiguro. Dahil pag ito ay ginamit nila ay hindi agad-agad makikita ang dulot na masama ng mercury dahil ito ay matagal bago mo ito mapansin.

KE: Ano yung mga senayales?

MF: Depende yan sa resistensiya ng bawat tao mga tao iba’t iba ang epekto sa tao pag tayo ay naapektuhan na yung tinatawag nating mercury. Pero may iba ding manifestation kagaya ng pangangati sa ating balat at kung malala man po nagkakaroon siya ng panginginig or lalagnatin siya laging maiinit ang iyong ulo yun yung mga lian na symptoms. Pag ito ay malalang-malala na maaring magkaroon ng brain damage at yung worst yung tinatawag natin Parkinson’s disease.

KE: Mero mga whitening products na nangangako na puputi daw sa loob ng limang araw ito ba ay may posibilidad na mas mataas ang mercury content?

MF: Totoo po, siguro nung kayo ay kabataan pa naalala niyo po yung kwento tungkol sa mga mad hatters sinaunang mga kababaihan na naglilinis ng kanilang mga sumbrero at sila ay mapuputing mga kababaihan. Yung pinanglilinis ng mga sombrero nung unang panahon ay yun din ang ginagamit ng mga kababaihan ng pampaputi na yun po ay may mercury.  Nakakaputi talaga ang mercury kung ginagawa natin ay para pumuti at hindi natin alam na ito ay nakakaapekto sa ating kalausugan.

KE: Yung papaya naman kapag imported sabi mo maaring mapanganib sa kalasugan natin yung papayang galing sa Pilipinas yung mga locally made delikado ba?

MF: Kalimitan ng nagtataglay ng mercury ay kalimitan ay yung mga nanggagaling sa ibang bansa. Mangilan-ngilan yung mga produkto dito sa lokal na pamilihan. Ang amin pong isinusulong ay tangkilikin natin yung ating lokal na produkto dahil sigurado tayo at mas ligtas.

KE: Sariling atin na at mas siguradong ligtas maraming salamat po at magandang umaga!

MF: Salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento