Linggo, Enero 6, 2013

Chief Supt. Generoso Cerbo (Spokesperson-PNP) Kalye Escalera Interview Jan. 7, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Chief Supt. Generoso Cerbo (Spokesperson-PNP) Kalye Escalera Interview Jan. 7, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga Chief Supt. Cerbo!

GC: Magandang umaga din po at sa ating mga tagapakinig!

KE: Kayo po ay live dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan ang mga makakausap niyo po ay si Kuya Marlo, si Ate Joee at si Ms. Tea tsaka si Jedah!

GC: Magandang umaga po sa inyo!

KE: Ang una kung kukumustahin namin sa inyo ay itong nangyaring sagupaan sa masasamang grupo at mga tao natin diyan sa Atimonan Quezon. Ano po in particular ang illegal activities na kinasasangkutan nitong grupong nakasagupa ng tropa?

GC: Base sa initial na report ng regional director natin doon si Chief Supt. Melad na may nakarating sa kanila na impormasyon. Ito raw ay mga grupong tinatawag natin na private arms groups na nakasakay sa dalawang sasakyan at armado kaya ginawan nila ito  ng plano at plano sana nilang sitahin sa area ng Atimonan Quezon na nag-resulta ng isang engkwentro.

KE:  Itong saskayan nila ay Manila bound o papunta sila ng inner Quezon nung makasagupa nitong tropa?

GC: Hindi klaro sa report na na-receive ko pero yun nga na-engkwentro sa Atimonan at hindi nailagay kung saan papunta. At initially 11 ang namatay at 2 ang dinala sa hospital at later on namatay na rin kaya 13 po ang namatay at may nasugatan din on the part of the govt. troops yung nga po si Col. Marantan.

KE: Yung pong principal na pinagsisilbihan ng private armies na identify na ba o mayroon tayong lead dito?

GC: Hindi pa rin mine-mention sa report yung mga identities ng mga namatay later on siguro pagbasa ng region 4-A  ng kanilang final reporting sa insidente  baka malaman po natin.

KE: Yan po ay nangyari sa Atimonan Quezon medyo umusad muna tayo ng konti dito sa lugar malapit sa Maynila. Puntahan natin itong Kawit Cavite na kung saan ay may nangyaring hindi maganda. Ano na ho ang latest dito sa pangyayaring ito dahil yung suspek ay namatay din po?

GC: Walo po ang namatay dito kasama na yung gunman si Ronald Bae gayunpaman mayroon tayong iniimbestigahan na nagngangalang John Paul Lopez na sinasabing kasama niya nung isinagawa niya yung pamamaril. Kasalukuyan pong nasa custody siya ng ating kapulisan at sa pagkakaalam ko ay na-filan na ng kaso sa araw na ito.

KE: Sa kabila ng pagsasampa ng kaso ang mga pulis diyan sa Cavite ay determinado pa rin na imbestigahan ang malallim na naging sanhi nito?

GC:  Marami tayong inisyu na tatalakayin with respect to this incident ang naging directive ng ating Chief PNP si Police Director General Purisima at mga concern office na talagang pag-aralan ang kanilang mga procedure at paigtingin ang mga ginagawa nila kamapanya lalo na dun sa mga tumutukoy sa mga loose firearms kasama rin diyan sa paghahanap namin ng dating lisensiyado and for some reason hindi na naparehistro. Marami kaming ginagawa ngayon at pinag-aaralan para sa ikakabuti ng ating pagseserbisyo sa ating mga kababayan.

KE: Tayo ay galing ng Atimonan napunta tayo ng Kawit pasok naman tayo ngayon sa NCR. Ano po ang latest dito sa bata na yung nabagsakan ng ligaw nab ala habang siya ay nanonood ng fireworks noong New Year’s eve. Ano na po ang pinakahuling update na maibibigay ng PNP na kaugnay sa imbestigasyon sa pangyayaring ito?

GC: Ang PNP ay talagang nakatutok din dito sa kaso ni Stephanie aking natatandaan pinag-aralan ng crime laboratory lahat ng mga physical evidence na na-recover natin from the site at pati na rin yung slug na nakuhan natin kay Stephanie. Base sa pag-aaral na yan we believe na yung ating gunman ay nakatira lang within the vicinity ng neighborhood kaya dun po kami nagsisimula ngayon sa ating mga imbestigasyon. Kasalukuyan natin silang iniisa-isa para makita natin kung sila ba ay konektado dito sa case ni Stephanie.

KE: Kayo po ba ay tumututok din dito sa anggulo sa posibleng kabaro ninyo ang baril na pinagmulan ng balang tumagos dito sa ulo ng bata?

GC: Lahat ng posibilidad ay titignan natin una may listahan kami ng lahat ng may baril dito sa neighborhood at regardless kung anuman ang kanilang posisyon, katungkulan o trabaho, sibilyan man o nasa govt. service ito ay magiging kasama sa pag-iimbestigang ginagawa namin.

KE: Kasi po ang katotohahanan naman diyan ay yung ilang kasing kabaro ay yung hawak naman nila na baril ay hindi yung issued sa kanila from the PNP. Bukod sa mga yan ay may kilala rin tayo na may mga isa o dalawa na personal na baril pa at isama na rin natin sa mga tutukan.

GC: Tama ka dun bukod sa ginagawa naming pagse-selyo sac mga issued firearms sa mga pulis ganun pa rin an gaming panawagan sa ating mga kababayan. Baka may nasasaksihan sila na tungkol sa indiscriminate firing lagi naming ipinapaalala sana makipagtulungan sila sa PNP>

KE: Yung iba kasi ay nakikita pero takot baka yung nagpaputok ng baril ay  pulis na siga sa kanilang lugar at talaga maski ho saan hindi lang dito sa Pilipinas ay talagang hindi napipigilan itong pagpapatutok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon. Lahat po niyan ay nakatutok yung kanilang baril sa himpapawid hindi po kayang pupuwedeng itutok na lang sa lupa yung baril.

GC: Kasi kahit sa anong paraan pag tinawag natin na indiscriminate firing sa lupa man o sa langit natin itutok. Meron pa ring danger na dala ito kaya hindi talaga natin mai-encourage we will never allow na magpaputok yung ating mga kababayan sa langit man o sa lupa.

KE: Pero sa tingin ko parang mas less dangerous pag sa lupa dahil yung bala diretso ng babaon sa lupa hindi na yung sasayaw pa sa himpapawid.

GC: Yan pag responsible o marunong yung babaril pero pag ipinutok mo sa lupa lalo’t may anggulo from the firer going to the area na pinapapatukan niya baka mag-ricochet din.

KE: Yung the best is huwag na lang.

GC: Yan ang pinakamainam diyan salubungin natin ng mapayapa ang bagong taon tanggalin na yung kultura sa pagpapaputok.

KE: Ano ho ba ang direktiba ni PNP Chief Purisima sa lahat ng ating kabaro na magpapaputok ng baril noong bagong taon. Ito ho ba ay tanggal serbisyo o floating lang ililipat sa Phil. Navy?

GC: Very firm ang ating guidelines kung talagang mapapatunayan na meron talagang kasalanan yang ating mga kabaro. Kung maximum penalty nga ang gusto niyang mangyari dismissal fron the service hindi lang supendido kinakailangan talagang tanggalin sa serbisyo. We have no room in the PNP para sa mga ganyang pulis.

KE: Dun sa biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong sa bagong taon kasi iba-ibang figures yung lumalabas. Sa tala po ng PNP ilan na po ba?

GC: Yung figures natin ay 40 ang tinamaan ng stray bullets para sa taon na ito. Pero mas konti po ito sa kung ikukumpara natin last year na umabot yata sa mga 50. Ganun pa man hindi naman yung pagbaba o pagtaas ang nakikita kasi natin dito ay hanggat may problema at mga biktima ay dapat ito ay isang seryosong problema na dapat talagang tutukan.

KE: Yung nilalabas kasi ng ibang institusyon ay mas malaki pa diyan siguro may mga unreported cases din?

GC: Posible po ang naitatala naman ng PNP ay yung mga naire-report .

KE: Itong mga kabaro na iimbestigahan ninyo agree ako na totally huwag ng payagang itong ganitong klaseng pagpapaputok ng baril dito sa pagsalubong sa bagong taon. Kadalasan po ba ang ginagamit nilang bala ay supply niyo?

GC: Ang ating mga pulis ay ini-isyuhan po natin ng baril yan mey ini-isyung bala diyan on the condition na ito ay gagamitin nila sa performance ng kanilang duty yung lang po yun. Talagang ini-isyuhan natin ng bala yung ating mga pulis.

KE: Sana ay huwag nilang gagamitin sa pagpapa-putok kasi yung mga bala na yun ay may purpose. Ginagamit nila sa kanilang trabaho at hindi bilang firecrackers.

GC: Maidagdag ko na rin na regardless na ito ay inisyu o ang baril nila ay personal na pag-aari o govt. issued yung bala regardless ay bawal talagang magpa-putok sibilyan man o pulis.

KE: Napag-uusapan ngayon sa kongreso na baka amyendahan yung tungkol sa pagha-handle ng baril. Kayo po ba ay ano ang inyong paninindigan tungkol dito?

GC: Bilang law enforcement agency ang PNP naman ay always respect kung ano man ang magiging collective wisdom ng ating mga legislators when it comes to gun control. Ito po naman ay mandated kamii na mai-implement open po kami sa lahat ng posibilidad.

KE: Napapag-usapan niyo kanina ni Kuya Marlo ang inyong kabaro ay hindi exempted sa inyong imbestigasyon di po ba?

GC: Opo!

KE: Puwede po ba kayong ma-meet namin in person?

GC: Nakapagbigay na po ako ng live interview diyan sa istasyon natin diyan sa Radyo ng Bayan.

KE: Sir parang ayaw niyo na yatang umulit ha, huwag ho kayong madadala. Ok sir maraming salamat po at magandang umaga diyan sa PNP, hanggang sa susunod na mga panayam!

GC:  Maraming salamat din po sa pagkakataon at magandang umaga po sa inyo at sa ating mga tagapakinig!






1 komento:

  1. Magandang araw po Sir Cervo. Isa po akong pampublikong guro sa Maynila ang akin pong asawa ay nag lateral transfer from BJMP-Manila to PNP taong 2011. After some trainings binigyan po siya ng assignment sa PRO 11 Davao Region magdadalawang taon na po ngayong Agosto. Economically malaki pong pasanin ito sa amin sapagkat bumabayad po siya doon ng bahay at napakamahal naman po ng bayad sa eroplano upang masilip ang 2 taon at 7 taon naming mga anak na kapwa naghahanap ng ama. Batid po namin na higit na kailangan ang pulis sa NCR batay na rin sa mga naririnig namin sa news at narinig ko po sa inyo noong inyong panayam sa radyo5 noong Pebrero 4. Lubos ko po kayong hinahangaan at ikinuwento sa aking mga anak na maaring tumulong upang matransfer ang daddy nila. Matino at may pagpapahalaga po sa uniporme ang aking asawa. makikita po ito sa kanyang record sa inyong tanggapan. Bagama't ang iba niyang kasamahan na may assignment din sa malalayong rehiyon ng bansa ay hindi nagreport sa kanilang asignment at nanatili dito sa NCR sa ano pa mang kadahilananan, hindi po ito naging dahilan upang hindi magtrabaho nang maayos. Ang sa amin lang po sir, baka matulungan ninyo kami katulad ni PO1 REY MONSALVE MEDIAVILLO na after a week sa PRO10 ay nakalipat sa NCR PO1 BRUCE BUNCAD ZACARIAS PRO9 subalit nakalipat din after ilang linggo PO1 PYRIANDER LEONCITO LABAYO may appointment sa PRO12 subality na retain sa Camp Crame Q.C. Ako po bilang asawa ay umapila ganon din po pagkatapos ng isang taon sumulat ang aking asawa subalit hindi po nagrant ang transfer as a matter of PNP policy, sana lang po naging ganoon din sa tatlo niyang kasamang nabanggit. Sir wala po kaming pera, wala din po kaming koneksyon, pero naniniwala po ako na this is not the thrust of PNP. Tuwina'y ibabahagi ko sa mga estudyante ang pagtitiwala sa ating pambansang kapulisan. Maraming salamt ako po ay umaasa at maaring makontak sa Gen. Emilio Aguinaldo Integrated School (H.S.) Punta, Sta. Ana, Manila- LORENA S. CLUB

    TumugonBurahin