Miyerkules, Mayo 22, 2013

Atty. Romulo Macalintal (Election Lawyer) Kalye Escalera Interview May 23, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Atty. Romulo Macalintal (Election Lawyer) Kalye Escalera Interview May 23, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE:  Atty. Mac good morning!

RM:  Good morning Marlo ang Tess at sa inyong tagapakinig!

KE: Kanina yung pinag-uusapan namin dito ay yung tungkol nga sa mga napapaulat ngayong araw tinatantiya ng Comelec na ipo-proclaim nila yung mga nanalong party list. Pero hindi pa rin daw sasabihin kung ilan yung mga botong nakuha nila bakit ho ganun Atty. Mac?

RM: Hindi ganun sasabihin nila kung ilan yung boto iba naman yung party list  hindi naman yung katulad ng mga senador hindi totoo yun. Siyempre may bilang sila ng boto paano sila makakapag-proclaim kung walang boto dun sa party list yung 2% dun ide-determine yung mga boto nila.


KE: Yun nga ang iniisip namin pupuwede bang magproclaim ng walang boto ay ang party list ay sa aking pagkakaalam ay allowed hanggang tatlong puwesto.

RM: Hindi naman ganun ang sinabi ng Comelec ipo-proclaim lang nila yung kasi ngang nanalong mga party list. Kasi sa ilalim ng batas party list group lang yung pangalan lamang party ang sinasabi hindi yung nominees.


KE: Dito ho naman sa mga kandidato sa mga tumakbong senador nailabas na ho ba yung full tally?

RM: Oo nabigay na at yung 1 to 12 yung ranking nila natapos na rin ng maayos.

KE:  Pag may mga gustong magtanong nung boto yung mga senatorial candidate kung anong boto ang nakuha nila sa ganitong probinsiya ay kaya ng i-provide ng Comelec.

RM: Meron na yun nakalagay na lahat at naging maayos naman ang pagboto nila at yung mga nos. of votes they obtain.

KE: Kasi may mga lumalabas na tsimis na kailangan din naming itanong sa yo na siguro ay pamilyar kayo dun sa figures na 60-30-10?

RM: Yung 60 sa administration 30 sa opposition at 10 sa ganun statistically improbable daw yun. Yung ganun kako hindi naman yun yung basehan para magduda ka sa halalan kasi marami ng desisyon ang ating Korte Suprema maging House Electoral Tribunal pero ang sinasabi na ang pattern voting ay hindi tanda ng dayaan. Kasi ang mga botante ay maaring may sarili silang dalang sample ballots at talaga ganyan ang resulta sa buong Pilipinas. Porke ba pare-pareho ang resulta sa buong Pilipinas ibig bang sabihin nun masama na ang election dito hindi. Ibig sabihin nun tama consistent nga sila ang mahirap kung naging iba’t-iba ang naging resulta na doon sa isang area bakit napakataas ng administration samantalang dito naman napakababa nila. Bakit sila kumukuha ng ganung kalaki mas lalo kang magdududa kung radically different sa iba’t-ibang areas ay kung ganyang consistent talaga wala kang magagawa. Yun talaga ang tamang pagboto ng mga mamamayan. Kaya ako nga ay nagtataka ang sabi nila bakit ganun 60-30-10 sa lahat aba’y dapat matuwa ka dahil consistent di ba kung inconsistent dun ka magdududa. Halimbawa sa Maynila ay bumababa siya bakit sa Makati napakataas niya. Para bang gusto nilang mangayari nung botohan iba dito sa area na ito iba sa ganito hindi pupuwede yun. So dito kung consistent ang figure mo mas lalong tama kaysa inconsistent ng iyung figures.


KE: Pero Atty. ano naman yung masasabi niyo dun sa ibang isyu na lumalabas na balita ngayon ultimo mga IT Specialist marami daw kumukuwestiyon at nagtataka dun sa resulta ng eleksiyon ngayon?

RM: Yung pagtataka ay hindi basehan yun sinasabi ko magtaka na sila ng magtaka ang kailangan pruweba, facts kailangan na talaga yung data ay inaccurate in count. Di mo puwedeng sabihin na bakit ganito nakakapagduda naman yan hindi dumating ng maaga yung PCOS. Kung dumating ba ng maaga yun mababago ba ang resulta kung dumating ba ng late nabago ba yung resulta yun ang dapat nilang patunayan. Kung lahat ng duda ay magiging basehan ng pagkuwestiyon ng isang resulta ng halalan ay walang mananalo sa ating bansa sapagkat lahat ng natatalo laging nagsasabing nagdududa siya kung bakit siya natalo. Yung mga IT Experts naman ay hindi ko lang maintindihan mukhang due respect sa kanila hindi nila alam ang ating halalan. Ang alam lamang nila ay ang mga data sa iba’t-ibang bagay pero yung data at history at dynamics ng ating election ay hindi nila masyadong napapag-aralan kailangang mapag-aralan ang dyanamics ng halalan dito sa Pilipinas bago ka makagawa ng conclusion na yung iyong statistical data ay tama.

KE: Pero dito pa rin sa pumasok na top 12 natin na senatoriables although yung mga nasa survey ay sila din yung mga pangalan na nakapasok sa magic 12.  Pero iba po yung naging ranking nila dito sa resulta ng halalan tingin niyo may mga setback ito sa mga survey firms?

RM: Alam mo yung mga surveys hindi natin alam kung ano yung basis nila kaya yan ay kunukuwestiyon ng Comelec nasaan ang inyong mga release. Para bang ang dali-daling gumawa ng survey alam mo na kung sino yung popular eh di ilagay mo. Ang nangyari hindi nila mailagay si true kasi baka hindi talaga kasama na lumalabas  yung ang malaki nilang pagkakamali asaan ang kanilang survey nasaan ang data nila ngayon dapat sila magpatunay na tama yung kanilang ginawa na tama yung raw data nila. Bakit si Poe dapat nagdaan man lang yan ng no. 2 or 3 sa survey kung talagang totoo. Yan ang nagpapatunay na mali yung survey na ginawa nila di dapat paniwalaan at dapat para paniwalaan natin yan ilabas nila talaga yung ginawa nilang raw data at sino ang nagbayad sa kanila. Kung hindi nila ilalabas yung raw data at kung sino ang nagbayad sa kanila ay hindi natin dapat paniwalaan base ngayon sa nangyari sa halalan.

KE: Marami po ako ditong ginawa ding obserbasyon may mga kandidato po ng Team P-Noy na sa tingin ko po kung hindi sa Team P-Noy sumama baka ho hindi nanalo pero tumaas po survey.

RM: Alam mo andun kasi yung kredibilidad nung nagpapatakbo ng kampanya siyempre dahil ang Pangulo ay mataas ang kanyang rating kaya angat naman siya. Kay Vice Pres. Binay bagamat hindi nanalo lahat sa kanyang team pero ang kanyang anak palibahasa mataas ang rating niya.  pero yung iba naman kasing kandidato ng UNA kung ikukumpara mo sa Team P-Noy ay talagang mahihirapan. Palibahasa yung credibility nung Vice President yung anak niya dalang –dala niya ganun din naman yung Joseph Estrada kasi dala din niya yung anak niya. Yung Villar kaya itong tinatawah 3 Kings ito kaya sila-sila ang nagdalahan sa sarili nila kaya yung ibang kasamahan nila ay kanya-kanyang kayod din sila.

KE: Doon naman po sa overseas absentee voting dahil sa mababang turnout plano ng Comelec na daanin sa internet voting sa mga susunod na panahon. Ano ho ang po yung inyong opinion tungkol dito?

RM: Siguro pupuwede rin yun pero maayos ang internet nila pero ang aking palagay diyan yung mga areas na hindi na talaga kailangang puwede naman huwag na silang pabotohin dahil hindi naman material yan. Katunayan isa ako sa nag-o-oppose  niyan overseas absentee voting dahil sa maraming labag sa saligang batas na pinoint out pero pinayagan pa rin yan ng Korte Suprema sa botong 9-6 mahigpit din ang botohan namin diyan.  Pero sa aking palagay dapat mabago yung rules diyan na sa areas na hindi naman talaga na material ay huwan na tayong maglagay dun sayang lamang ang ating ilalagay na booth dun sayang lang ang pera na gagastusin at nakaka-abala lamang yan sa canvas proceedings.

KE: Dapat pag-aralan muna at tsaka yan ata ang dahilan kung bakit marami ang kandidato sa pagka-senador ang hindi nangampanya sa abroad?

RM: Kasi nga bat ka mangangampanya doon masasayang lang gamitin mo na lang yung funds dito sa bansa.


KE:  Yun hong barangay elections parang nagbabanggan na naman itong mga agrumyento na dapat tuloy at dapat ipagpaliban ano ho ba ang tingin niyo dito?

RM: Ako mismo nagpahayag na huwag muna yang ipagpaliban dahil labag sa batas yan kung ipapagpaliban yan. At pag pinagpaliban binago na naman ng kongreso parang lumalabas na hindi pinag-aralan ng kongreso yung ginawa nilang batas. Malaking kahihiyan yan sa mga mambabatas na yan sabi ko nga kung kayo ay mambabatas na nag-approve nung batas na 2013 ang dapat election ng barangay at ngayon ay babaguhin niyo at sasabihin niyo na masyadong malapit sa nakaraang halalan kasi maraming gastos. ibig sabihin ay isang tambak kayong hindi pinag-aralan ang inyong ginawa na kayong lahat ay para bang pinabayaan niyo ang pera ng taong bayan at para kayong hindi nag-aral noong sa ginawa niyong argumyento. Bakit hindi ba ninyo alam na 2013 ang election natin at malaki ang magagastos tapos malapit na  yung barangay elections di kaya ipo-postpone yan ay kawalan ng pagtitiwala sa taongbayan. Kaya yumg mga mambabatas na gagawa niyan pag-aralan niyong mabuti yan kasi ma-e-expose yun inyong kakulangan sa pag-aaral ng batas bago ninyo ginawa yan. Isa pa mae-expose ang inyong kakulangan ng pag-aaral ng batas Bago ninyo ginawa yan. Isa pa pag pinostpone mo pa yan 2015 lalaki na naman ang vote buying at partisan politics sapagkat malapit na ang halalan dun at ang mga pulitiko mangangampanya magbibigay ng pondo sa mga barangay captain para pambili ng boto. Pero kung ngayon mo gagawin yan nioto 2013 sa October wala ng makakasuporta na pulitiko ubos na ang pera nila nitong nakaraang halalan.

KE: Iniisip ko ho dito Atty. Mac yung iba gustong i-postpone kumbaga ito na yung style ng pambabayad nila sa utang na loob nila sa barangay captain na i-extend pa yung term nila.

RM:  Yang mga mambabatas na yan yuna ng dahilan nila yan ay kataksilan sa ating mga mamamayan kasi nung bumuto tayo ng barangay ang kontrata natin sa barangay official ay tatlong taon lamang bakit may extension sila. Alam niyo yung 1997 decision ng Korte Suprema pinawalang saysay ang extension sa mga barangay ang sabi ng Korte Suprema pag nagbigay ka ng extension you are trying to govern without the mandate of the people. Dahil wala kang mandato ng tao hindi ka puwedeng manungkulan kaya binale wala ng Korte Suprema yung isang batas na nag-i-extend ng terma ng mga barangay officials. Kaya buhat nung 1997 hanggang ngayon halos wala ng extend ang terms ng mga barangay officials kasi magi gang Korte Suprema yan ay nagsabi na yan ay labag sa ating saligang batas kaya hindi dapat yan magkaroon ng extension. Otherwise too much politics makikialam ang mga pulitiko at magkakaroon ng vote buying. Tulad ng sinabi nating walang pera yang mga kandidato ng mga pulitikong yan ituloy na yang halalan nay an para mawala ang vote buying maraming salamat sa inyo!

KE: Maraming salamat sa inyo Atty. Mac!

RM: Maraming salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento