Miyerkules, Mayo 29, 2013

Asec. Tonisto Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview May 30, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Asec. Tonisto Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview May 30, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE:  Magandang umaga po Asec. Umali live po kayo dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan po!

TU: Magandang umaga po sa inyo at sa lahat po ng nakikinig at taga-subaybay ng inyong programa!

KE:  Si Marlo, si Ms. Tea at si Jedah po ang inyong makakausap. Ito pong 23.8M na students na babalik sa eskuwelahan sa lunes kami ay medyo nag-iisip lang dito kung nabilang niyo rin kung ilang ho ba ang bilang dito ng mga repeater?

TU: Hindi po actually meron kaming data para diyan hindi pa natin maibibigay ngayon dahil hindi pa po ito nava-validate.

KE: So ito pong 23.8M ito ay kinabibilangan ng elementary at high school ano po?

TU: Tama po yun pati public at private yung numero na inaasahan natin.

KE: Yung mga papasok sa lunes ano ho ba ang kanilang dapat gawin sa unang araw ng pasukan?

TU: Ang sabi ng ating kalihim Armind Luistro dapat ay magsimula kaagad ang klase dahil po yung preparasyon ay dapat nagawa na. Dito sa nakaraang linggo ay nag-brigada eskuwela dapat ay nakapag-palista ang lahat at meron tayong early registration. Enero pa lamang dun sa hindi nakakapag-enroll ay atin pong tatanggapin naman at tatanungin lamang sila kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi nila nasunod yung early enrollment .

KE: Medyo naisip ko lang yung pagbubukas ay natapat at yung panahon po natin ay Hunyo hanggang Oktubre ay talagang dinadayo tayo ng matitinding sama ng panahon. Meron na ho bang mas maayos na koordinasyon ngayon ang DepEd dito sa iba’t-ibang mga lokal govt. units para po sa pag sususpinde ng klase kung sakali man yung sama ng panahon na ating naranasan nung nakaraang panahon ay mauulit ngayon?

TU: Ang may authorization na magdekalara ng walang pasok ay ang pamahalaang loka na ngayon hindi na ang DepEd. May koordinasyon po tayo sa school division na offices umiikot po yan at ang mga punong guro ay nakikipag-ugnayan sa opisyal ng barangay para malaman  kung may pagbaha maski wala dahil maaring idekalara ang klase na kanselado kung hindi  magiging ligtas ang mag-aaral meron tayong koordinasyon ngunit ito ay gagawin ng pamahalaang lokal.

KE: Hindi na nila kailangang magpaalam pa sa DepEd?

TU: Hindi na kailangan.

KE: Papano naman yung make-up classes nito halimbawa kung sino naman ho ang mag-determine ng make-up classes kung halimbawang tumagal nga yung hindi magandang sitwasyon dito sa mga lugar na nasasakupan ng LGU na nagsabing na wala munang pasok dahil nga sa sama ng panahon.

TU: Sa ating mga punong guro, division officers pagka nakita nila talaga na sumobra na ang dami ng nakakanselang araw maaring magdeklara ng make-up classes.

KE: Sila-sila ang mag-uusap dun sa local govt. units na sasakop sa kanila?

TU: Wala pong kinalaman ang local govt. units sa pagdedesisyon kung magkakaroon ng make-up classes yung DepEd po lamang . Ang punong-guro ang school division offices at maari rin yung regional director.  Ngunit ang mungkahi ay mula po sa ating punong-guro .

KE: Balikan po naman natin asec. itong mga usapin na financial na obligasyon ng mga magulang o dito sa mga nag-papaaral sa mga elementary at high school sa mga public schools. Mero ho bang talagang bayaran o talagang zero ngayon ang obligasyon ng ating mga nagpapa-aral kung sila ay sa public schools pinapaaral?

TU: Wala pong dapat bayaran ang ating mga magulang ngunit ang batas natin ay nagpapahintulot ng boluntaryong kontribusyon at yun ang aming sanang pakiusap sa ating mga magulang . Tandaan po natin ito ay bulontaryo at hindi naman ito ginagawa ng DepEd dahil gusto itong gawin ng DepEd. Halimbawa sa boluntaryon kontribusyon sa boy scout fees at girl scout fees kung ayaw ng mga magulang na sumali ang kanilang mga anak kung ayaw magbigay ng kontribusyon wala pong problema.

KE: Problema po baka ibagsak at may asignatura pong related diyan?

TU: Wala pong problema ang importante po ay maunawaan talaga pag mayroon pong magpupumilit na ito ay sapilitan ang gagawin lang naman ay panawagan namin na ipagbigay alam sa amin ganun lang po kasimple yun. Kailangang maunawaan po natin ito hindi ho siguro nating masabi dahil hindi natin nababantayan araw-araw lahat ng ating paaralan. Ngunit ang mahalaga unawaan ng magulang na ito po ay boluntaryo kung may nagpaparinig sila ay pinaparusahan itawag po sa 636-16-63 puwede mag-text sa 0919- 456- 00-27 unti-unti na po nating talagang nadidiinan na  ito sa lahat ng ating paaralan. Alam niyo po ang sitwasyon na yan noong araw pa po yan marahil maari po nating sabihin na hindi lamang ito naipapatupad dahil sa kautusan ng ating kalihim.

KE: Kasi ang iniisip ko naman dito ay kung yung mga kontribusyon related dito sa boy scouts at girl scouts. Aminin man natin o hindi talagang kinakailangan din nila ng pondo para umusad kung anuman yung mithiin nila hindi rin ho ba maapektuhan kung sakaling sabihin natin na voluntary lang yung contribution?

TU: Ganun po talaga nauunawaan ko yung sinabi niyo kailangan lang limikom ng pondo hindi naman nila puwedeng obligahin yung mga mag-aaral. Alam po ninyo may mga mag-aaral na  nais po lang sumali ng boy scouts at singkuwenta pesos po lang ang donasyon diyan halimbawa. Marami po tayong magulang na magbigay nun  yun po ay nangyayari. Ngunit kung sasabihin po nating sapilitan itong gagawin may problem tayo doon.

KE: Itong mga natutunan dito sa pagbo- boy scouts para na rin nating natutunan sa loob ng eskuwelahan hindi kaya pupuwedeng kumbaga yung boy scout at girl scout i-separate na lang natin sa paaralan

TU: Maganda mungkahi yan pag-aaralan natin yan kung ano po yung limitasyon o itinakda ng batas kasi meron tayong batas sinusunod diyan.

KE: Yung boy scouts maganda hong mungkahi yan may kagandahang asal tama ho ba?

TU: Tama po yan.

KE: So dapat walang binabayaran kung boluntaryo walang pilitan ano pa po ang ipinaalala ng DepEd dito sa ating magulang at mag-aaral na babalik sa  lunes.

TU: Tulad ng aming sinabi uulitin namin na wala po silang dapat bayaran wala pong sapilitang kontribusyon na puwedeng i-obliga ng ating mga paaralan mula grades 1 to 4 whether voluntary or not bawal pong mangolekta grades 5 hanggang high school po yan. Tayo po ay nanawagan sa lahat ng ating kababayan sana ay suportahan niyo ang kagawaran dahil po dito ay inaasahan natin na tayo ay magtatagumpay na magbigay ne edukasyon para sa ating mga anak.

KE: Yung mga repeater po na maabutan ngayon na may additional 2 years dahil sa K2 to 12  program nakarating po sa amin ang ilan sa kanila parang tinatamad ng pumasok bagkus ay kanila na lamang hihintayin yung Alternative Learning System o yung examination na pag sila ay nakapasa ang equivalent nun ay sila ay nakapasa ng high school. Ano po ang masasabi niyo tungkol diyan?

TU: Ang gagawin po lamang natin ay pagpapaliwanag kung talaga pong naabutan po sila ay para sa amin po ay mas nakakabuti para sa kanila para dun sa hindi nakaabot. Dahil nga po tinatama natin yung ating sistema ng edukasyon kabalikataran ng iniisip ng iba kung natutuwa at hindi naabutan para po sa DepEd kung sila po ay dadaan sa labing-dalawang taon at kindergarten o labin-tatlong taon ng basic education pabor sa kanila yun lalo na sa pampublikong paaralan. Alam po ba nating lahat na maski wala pa pong K2 to 12 ang DepEd dun po sa may kayang makapag-aral sila po ay nagbabayad ng labindalawang taon ng edukasyon. Yung may mga kaya nagbabayad po yan nursery pa lamang kinder 1, kinder 2 tatlong taon. Yung mga may kaya nagbabayad po ng pitong taon ng edukasyon kasi alam nila na mas magiging handa ang kanilang anak sampung taon na po yun apat na taon sa high school that’s 14 years. Ngayon po ang Pangulong Noynoy Aquino yan po ang kanyang sinabi bago po siya maupo nais niyang ipantay ang oportunidad na maari pong ibigay sa ating mga anak sa pampublikong paaaraln po pupunta. Kung hindi dahil sa ating pangulong Noynoy Aquino o kalihim Bro. Armind Luistro ito pong walang kakayanang pumasok sa pampribadong paaralan ay sampung taon po lamang ang kanilang pagdadaanan. Hindi po sila dapat matuwa kung hindi sila nakaabot dito sa K2 to 12 pag sila ay naabutan dapat po silang mas maging masaya dahil matatanggap po nila yung reporma na ating pinapatupad sa ating K2 to 12 basic education.

KE: Sana lalong dumami yung masaya kaysa dun sa mas nalungkot. Pero Asec. magkakaroon po ba ng bago dun sa mga exam na ipinagkakaloob po niyo para dun sa mga gustong halimbawa hindi nakatapos ng high school tapos pag nakakuha ng exam na yun may ibibigay po bang diploma ang DepEd?

TU: Ang tawag po diyan ay equivalency exam po namin kung maari po yun hindi po nag-aral ng pormal kung sila po ay kumukuha ng some form of informal education maari po silang kumuha ng equivalency exam at mapatunayang halimbawa na maski sial ay sobra na sa edad at hindi pumasok sa formal na edukasyon at maipasa ang exam para mapakita nila na sila ay may kaalaman katumbas ng grade 6 makukuha nila yun at parang gumadruate na rin po sila.

KE: Magkakaroon po ba ng changes dun sa ibinibigay na klase ng examination?

TU: Magkakaroon dahil mababago po ang curriculum ngunit kung may pagbabago man ay YAN po ay hindi mahihirapan ang ating mga anak. Dahil yan po ay unti-unting maipapatupad ang K2 to 12 sa ngayon yung curriculum ay pinapatupad natin sa grades 1 to 7 at 8 at sa susunod na taon po naman ay sa grades 3 and 9 hanggang sa dumating tayo sa unang grupo grades 11 to 12 ay mangayayri sa taong 2016 hanggang 2018.

KE:  Para naman dun sa mga mag-aaral na medyo natatakot pumasok sapagkat siguro biktima sila ng bullying sa eskuwelahan meron po ba kayong mensahe sa kanila?

TU:  Meron po tayong child protection policy na tinatawag na inilabas ng ating kalihim nung nakaraang taon. Dito po tinatakda kung ano ang polisiya natin na ukol sa bullying klaro po na dapat parusahan yung kinokonsiderang bullying kung ano ang dapat gawin ng ating mga magulang at yan po ang ating kagandahan ng pagpapalabas ng ating kalihim ng patakarang ito.

KE: Napapagusapan kanina yung pagpasok sa mga pribadong paaralan parang recently may expansion yung program ng DepEd para sa mga pagbibigay ng subsidy dito sa mga estudyanteng magiging qualified na makatanggap ng parng P10K kada grantee para naman NCR at P6.5K para sa mga nasa  probinsiya. Ano po kaya ang mga qualifications para naman yung isang estudyante ay para maka-avail?

TU: Govt. assistance to students and teachers in private education ang tawag diyan kailangan po lamang nilang dumulog sa ating pampribadong paaraalan at alamin kung sila ay accredited schools ng DepEd. At basically yung kanilang mga kita ng kanilang pamilya ay tignan na may kakayanan silang mag-paaral sana sa pribadong paaralan. Ngunit kung hindi po sila ay matutulungan ililipat nila ang kanilang anak sa pampublikong paaralan. Halimbawa po ang tuition ng isang pampribadong paaralan ay P15K sa NCR. Kung may kakayanan silang magbayad na extra na P5K maari po silang maging kuwalipikado dito. Ngunit kung sila naman po ay malaki ang kinikita hindi sila magkaka-qualified sa programa pong ito . May mga profile po ang mga estudyante ginagawa po yan ng ating paaralan.

KE: With that kami ay magpapasalamat na para sa inyong pagbibigay ng oras sa amin ngayong araw Asec. Umali at hanggang sa mga susunod na pagkakataon po magandang umaga po sa inyo!

TU: Isa pong magandang karangalan at marami pong salamat mabuhay po kayong lahat!


KE: Salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento